Ugong ng sasakyan
Pinipihit na pintoan
Nadidinig ko ang mga yabag ni Ama
Ngunit nanatiling tikom ang aking mga mata
Naghihintay sa yakap
Sa boses niyang singlambot ng ulap
Nangungulila sa pagmamahal
Umaasang makasama pa siya ng matagal
Sa pagmulat ng mata
Bumungad ang nakangiti niyang mukha
Puno ng pang uunawa
Dahilan upang kumawala ang aking luha
"Di kita pababayaan kahit ako'y mawala,"
ang siyang naging turan ni Ama.
Umalpas ang hikbi sa aking labi.
Habang yakap-yakap ang katabi.
Lamig ng hangin na dumampi saking balat
Sa realidad ako'y namulat
Bakane ang katabi
At sa pangako niyang di mababali
BINABASA MO ANG
AMA
PoesiaTo all the daughters/sons out there cheers to all of your Dads. Patay man sila o buhay. Kasama niyo man o hindi. Kilala niyo man o hindi. Sa mga kasama pa nila Tatay nila, make the most out of it, no one will love you the way a father would do. I ma...