You'll never be mine

29 0 0
                                    

First time ko to! After 12 attempts nakagawa din ako. Yesss! Sana matapos ko :))

----------

Chapter 1

Ngayon ko lang na-realize na medyo malungkot pala ang buhay ko. Akala ko kaya kong maging independent, kala ko madali lang lahat. Hindi ko naman ginusto to. Nakakamiss yung Tatay kong super strict na kapag di pa ko nakakauwi ng bahay ng 6:00pm eh papahanap na ko kay Ate Lyn. Yung Kuya kong BV lagi na kada makikita ako lalaitin ako ni wala man lang "Uy kamusta kapatid kong maganda" yung mga ganun. Although kasama ko si Ate Lyn na halos siya ng nagpalaki sakin eh iba padin talaga kapag kasama mo yung pamilya mo. Wala nga naman talagang perpektong buhay somewhere along the way meron talagang flaws.

Yung feeling na lahat ng yong eh dinadaan mo nalang sa iyak. Woooh! Napaka-iyakin ko kaya! Pero eto lang nakikita kong paraan eh. Kesa naman magdrugs ako dba?

"Claire Odette Cruz!!!! bumangon ka na may pasok ka pa!!!!!" sigaw ni Ate Lyn.

WOW WHAT A GREAT DAY TO START A MORNING.

Ang drama ko no? Pero di naman talaga ako EMO nako kung alam nyo lang.

Monday Morning na nakakatamad. Hello? Sumpa kaya yung araw na to sa mga studyante. Sabihin nyong hindi? Sus. Anyway, kailangan kong pumasok para sa ikagaganda ng buhay ko. Nagstretching ako, naligo at nag-bihis ako. Nagsasapatos ako ng biglang bumukas yung pinto ng kwarto ko...

"Prinsesa maari nyo po bang bilisan sapagkat kinukulang na po tayo sa oras" bungad ni CK na nagaayos na naman ng buhok.

"Wow CK! May natututunan ka pala sa asignaturang Filipino. Kakaiba ka!" sabay palakpak ko sa bestfriend kong baliw.

"Can you just please hurry up! Announcer tayo sa school ngayon kung natatandaan mo?" singit naman ni NK sabay walk out na hindi ko man lang napansin na nandun pala siya.

"Napakasungit naman, meron ba yun ngayon?" tanong ko kay CK na kanina pa ginugulo tapos aayusin yung buhok. Yung totoo? Di ko maintindihan kung bakit guguluhin tapos aayusin. Boys and their habits.

"Hayaan mo muna sya Ods, nagaway sila ni Elle eh. Tara na bago pa magwala yun dun."

Sumunod ako sakanya palabas ng bahay. Araw-araw ganto lagi ang situation. Simula ng na-assign si Papa sa field bihira nalang siya umuwi.

Childhood bestfriends kaming tatlo. Since sa company nila nagtatrabaho si Papa nag-decide silang lumipat nalang kami sa tabing bahay nila at dahil magkaibigan din ang mga magulang namin so ayun. Si Calvin Kyle Sanchez/CK, gwapo, matangkad at singkit + maganda ang hubog ng katawan in short full package. Joker din lagi sa klase at kala mo di marunong mag-seryoso pero kapag alam niyang kailangan mo siya he'll never let you down parang rexona lang. So kung ano naman ang kinaingay at kinaligalig nitong isa siya namang kinatahimik at walang imik nung pangalawa. Nathan Keith Sanchez/NK, full package din kagaya ni CK pero mapungay ang mata na madalas napagkakamalan mong bad boy sa porma at galaw niya pero nabibilang siya sa mga bataan ng mga neird! Yun yung plus factor sakanya kahit na masungit at medyo mayabang siya may mga soft side din naman siya.

30 minutes lang naman ang byahe simula sa village namin papuntang school. Tahimik kami lahat na bibihira lang mangyari dahil madalas may napaguusapan kami. Pero dahil nga naglalabas ng itim na aura si NK. Nanahimik nalang kami pati yung driver nilang hindi nawawalan ng kwento hindi makapagsalita. So basically para kaming nasa sementeryo nung time na yon.

------

Pagkalipas ng 500 oras ... nakarating din ng school. Nako kung nagtagal pa siguro ako don baka tumalon nalang ako palabas ng kotse sa sobrang tahimik. Kukunin ko palang yung gamit ko pero yung dalawa ayun naglalakad na papunta sa building, napaka-sweet nilang mga bestfriends ano?

Eastshore Academy. *buntong hininga*

Sa totoo lang di naman dapat talaga ako dito nag-aaral. Isa lang naman dahilan kung bakit ako pumayag na dito nalang kaysa sa iba.

No.1 reason, dito nagaaral si Jack Tristan Alferez, Team Captain ng Volleyball Team, Gwapo, Matalino at higit sa lahat ... boyfriend ko.

Alam ko na madalas ganun yung nagkakatuluyan na parehas nasa sports team tapos matalino parehas (ehem!) pero opposite attracts padin kasi malago ang social life nya kaysa sakin. Although may mga nag-aaproach sadyang di ko alam kung paano ako magsa-start bukod sa pangalan ko. Hayy!

Sa kakaisip ko sa mga bagay-bagay di ko namalayang nasa harap na pala ako ng Broadcasting Station ng school. Pagbukas ko ng pinto bumungad agad si NK. Ayun! Parang babaeng nasa red alert na sobrang bad mood. Tatanong ko sana yung nangyari pero wag nalang mahirap na kaya tinapik ko nalang siya saba'y sabing ...

"Ah ... Ano ...... " at bigla po akong nautal mga kaibigan!

Huminga ako ng malalim as in with matching paypay ng kamay tapos saktong pagdilat ko nakatingin na sakin si NK na lalo pang nagpakaba sakin pero nilakasan ko padin loob ko. Kaya ko to! Confidence lang Odette.

"Ako nalang muna ngayon tapos ikaw muna mag-monitor sakin" Walang hingahan yan!

Hindi siya nagsalita pero pumunta siya dun sa tapat ng recording room. Pagkatapos non feeling ko nakasurvive ako isang near death experience. Hello? Sino bang may gustong galitin yan. Nathan Keith Sanchez na kapag nagalit kala mo nagsuper-saign! Last time na nagalit yan ng sobra dahil din kay Elle. Sinira nya lang naman lahat ng nasa backstage ng Theatre namin. Props, costumes pati musical instruments lahat sira! Although napalitan naman lahat pero halos lahat natakot sa kanya nun kaya mental note ko sa sarili na mananahimik lang ako kapag nag-beast mode siya.

Pumasok nako sa recording room. Suot ng headset habang hinhintay lang na on air na yung sign. Tapos nung nag-air na ...

"Goodmorning Nightingales! This is Odette and I'm your announcer for this day ..."

----------

TBC!!!!

Okay kaya to, kahit medyo parang magiging short story to gagawin ko :D Sana may magbasa :))))

You'll never be mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon