Chapter 2 - Maja for you

6 0 0
                                    

Masyado akong natuwa sa Napapalalala ni Ceidge Razon tapos andami pang nag-cover kaya nakalimutan ko tuloy mag-update XD Pakinggan nyo din sa soundcloud! Anw. Eto na syaaaaa :)

----------

Chapter 2 - Maja for you

"Again, Please keep updated. I hope you guys have a nice day."

*Sigh*

Kaya ayokong ako announcer kapag first monday ng month. Grabe lahat ng event for this month in-explain ko as if naman lahat sila nakikinig talaga at hello uso kaya posters! Tapos every week papaalala din namin ulit although yun naman talaga trabaho namin at hindi naman sa nagrereklamo pero sana kasi every week nalang hindi yung inuulit. Ang sakit kaya sa lalamunan, feeling ko nag-concert ako eh.

Hayyyy. Pagkatapos ng announcement start na ng class. Umalis agad si NK pagkatapos ko mag-announce na lagi nya namang ginagawa. Medyo sanay naman na si Maam. Jil sakin na late ng 10 minutes kasi ako lagi nagsasara ng BS.

Saktong 8:00am nung natapos ako so may ilang minutes pa ako para dumaan sa locker na lagi kong ginagawa kasi lagi kong naiiwan yung libro ko sa physics. Inayos ko gamit ko tapos nilock ko yung pinto sabay takbo sa locker ko na nasa floor din naman na yun.

Pagkakuha ko nung libro naglakad agad ako papunta sa central stairs. Pagkatingin ko sa relo ko 8:04am, aabot pa ako.

Nasa last row ng lockers na ako papunta sa center stairs ng huminto ako.

"Tristan?" pabulong kong sabi.

Nakaupo siya sa sahig habang nakasandal sa pader. Ang sama ng timpla ng mukha niya mukhang kanina pa sya naghihintay pero teka di naman siya nagtext na ihahatid nya ako sa room, which is never nya namang ginawa so ano pang ginagawa niya dito? Dapat nasa Economics siya ngayon kay Sr.Rivera. Lalapitan ko na dapat siya ng may lumitaw na babae na di ko alam kung san nanggaling.

"Hi Baby!" na hinatak patayo si Tristan sabay kiss sa cheeks nya na niyakap naman siya in return.

Nandilim agad paningin ko. Breath in! Breath out! Hinga lang tayo ... Habang pinipigilan ko yung sarili ko na kaladkarin dito sa hallway yung babae bumitaw na sa pagkakayakap si Tristan.

"Ang tagal mo naman, kanina pa ako naghihintay dito" sabi ni Tristan na hindi tinanggal yung kamay nya sa bewang ng babae.

Tch! At hinintay mo sya? Ako na girlfriend mo ni-hindi mo mahintay tapos siya? Wow. Hindi ako makapaniwala! Sa sobrang inis ko kinagat ko nalang labi ko. Naging tahimik sila ng ilang segundo ng nagsalita ulit yung babae na itago natin sa namesung na MAJA FOR YOU!

"Sorry na pero tuloy ba tayo mamaya?"

Nanlaki yung mata ko. Wow! At magkikita pa sila mamaya? Hindi ko na mapigilang hindi maluha sa mga nangyayari. Pakiramdam ko sinasampal ako ng paulit-ulit na gusto kong gumanti pero di ko magawa. Nanginginig yung kamay ko na ramdam ko yung sakit hanggang sa dulo ng mga daliri ko, nanghihina yung tuhod ko ......

Hindi ako magalaw ...

Gusto ko ng umalis pero di ko magalaw yung paa ko. Kailan pa nagkaroon ng sariling isip tong paa ko? Asar!

Tumingala ako para hindi matuloy yung pagtulo ng luha. Hindi to yung unang pagkakataon na ginawa niya sakin to, wala pa to sa iba pang eksenang nasaksihan ko pero bakit hindi parin ako nasasanay sa sakit? Diba dapat manhid na ko sa mga gantong pangyayari?

Lalo lang akong naluha nung naalala ko yung mga pagkakataon na nahuli ko syang may ibang babae. Nagagalit ako sa sarili ko na bakit sa lahat pa ng mga lalaki yung nga hindi natatakot na saktan ako yung pinipili ko? Yung alam na hindi ko sila kayang iwan kaya okay lang kahit mag-loko sila?

Nakakatawang isipin na kanina pa ko nakatayo dito pero di padin nila ko pinapansin. Hindi ko na naiintindihan yung pinaguusapan nila tumalikod nako at naglakad ng napahinto ako sa sunod kong narinig ...

"Bakit ba kasi di nalang ako? Tristan kaya kong ibigay lahat ng gusto mo ... hindi pa ba ako sapat sayo?"

Kung hindi lang si Tristan yung nilalandi nya malamang na-cheer ko pa siya! Naiirita na ko pero pinili kong makinig kahit saglit na parang may hinihintay akong sign para umalis.

"Hindi pwede kasi ..."

TENEN TENTEN TENTEN WOAH!!!

Shit!

Agad akong tumakbo papuntang fire exit saka nagmadaling bumaba hanggang sa first floor tapos takbo papuntang CR sabay tago. Agad kong kinuha yung phone ko sa bulsa na agad ko naman sinagot yung tawag.

"Hello!!! Wrong timing ka naman eh"

"Odette? Nasaan ka na ba? Matatapos na kami magtest!!! Hinahanap kana ni Jil!"

"Dora ... sige na paakyat na ako. Bye"

-----

To say na napagod ako is an understatement. Galing ako ng 3rd flr na tumakbo pababa hanggang 1st flr tapos ngayon umakyat ako ulit papuntang 4th flr gamit ulit ang fire exit alam nyo naman siguro kung bakit na pagdating ko sa tapat ng room halos di na ako makahinga.

Tumayo lang ako dun sandali para ma-relax yung katawan ko. Nakalimutan ko pang dalhin yung inhaler ko kaya medyo nahihirapan padin akong huminga pero pinilit kong tumayo at magmukhang normal. Bago ko pa buksan yung pinto bumukas na to at nagulat ako nung nakita ko si Maam.Jil na hindi pa ata ako napapansin.

"Sorry Ma'am" saka siya lumingon sakin.

"Oh! Claire, bakit ngayon ka lang? Its almost time and bakit ganyan yung kulay ng mukha mo? Namumutla ka iha, okay ka lang ba?"

Hindi. ako. okay nakita ko yung boyfriend kong lumalandi tapos muntik pa kong mahuli! Nagmadali akong umakyat dito at di ako makahinga ... as if naman na sasabihin ko to sakanya instead ...

"Okay lang po, nagkaproblema po kasi sa lock ng BS kaya po ako natagalan at medyo nagmadali din po akong umakyat kaya po siguro ako namutla."

"Sige pero okay ka lang ba talaga?" pagaalala ni Maam.

"Okay ... lang ... po ............"

And then I passed out.

----------

Anodaaaaaa one!!!!!

You'll never be mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon