Chapter 3 - Baby Boo
"Pagod na pagod na ako, Tigilan nalang natin to please …"
"Ods? Ano ka ba anong sinasabi mo dyan?"
"Hindi pa ba sapat na paulit-ulit mo na kong sinaktan? Ano pa bang gusto mo?"
"Ano?! Di naman kita inaano dyan!"
"Di ko nalang sana pinilit"
"Odette kapag pinilit mo pa yan, sasaktan kita ng totoo!"
"I love you …"
BOOOOOOOOOOOM!
Napahawak agad ako sa ulo ko. Sama ng pagkakabagsak ko sa kama at nahihilo ako. Bakit ang liwanag dito? Asan si Tristan? Nasa park kami ah. Teka? Patay na ba ako? Please wag naman sana. Pikit lang ulit. Nananaginip ka lang …
"Ngayon mo sabihin sakin na sinaktan kita"
And then it hit me. Okay so nananaginip lang pala ako pero parang totoo yung nangyari. Ramdam ko padin yung sakit, bukod pa sa sakit na naramdaman ko sa pagkahulog ko sa kama. Kung hindi nagsalita tong si CK hindi ko pa mare-realize na buhay pa ako.
"CK! Hindi ka ba marunong mang-gising ng maayos?!" tumingin ako ng masama sakanya -- "and care to explain kung bakit ako nandito sa clinic?" habang tinutulungan ko yung sarili ko na tumayo sa pagkakatulak sakin ni CK sa kama.
"At kasalanan ko pa? Para ka kayang binabangungot kung anu-ano pa sinasabi mo at nandito ka kasi nahimatay ka lang naman sa tapat ng classroom nyo"
Natahimik ako. Naalala ko yung nangyari kanina. Pinuntahan nya kaya ako? Alam nya kayang nasa clinic ako? Kasama nya ba si Maja? Magkasama kaya …
"ARAY!"
Hinampas niya ko sa balikat.
Ladies and gentleman, ganyan po ka-sadista tong si CK. Gaganti sana ako ng nagsalita sya.
"Ang sabi ko para kang binabangungot! sabi mo "tama na", "pagod na ako" tapos something na sinaktan sabay i love you … alam kong medyo maluwag turnilyo mo sa utak pero di ko alam na malala …"
Di nya na natapos yung sinasabi nya kasi hinahampas ko na siya. Ibabato ko sana yung unan ng biglang pumasok yung nurse.
Huminto kaming dalawa. Nagulat siya sa position namin. Sino ba namang hindi? Imbis na nagpapahinga eto hawak ni CK yung isang braso ko tapos yung isang kamay nya ginawa nyang pangharang sa mukha nya tapos ako naman nakatayo sa gilid ng kama na hawak yung unan na akmang pahampas na kay CK.
"Papasundo pa sana kita Claire kaso mukhang nandito na pala sya." sabi nung nurse na umupo sa desk malapit sa pinto at kumuha ng gamot sa drawer.
Bumitaw na kami ni CK parehas sabay inayos ko yung gamit ko na kinuha naman ni CK.
"Papirma nalang ng slip na to Calvin tsaka Claire eto pala para kapag nahirapan ka ulit huminga may reserba ka" sabi ng nurse sabay ngiti.
Nauna ng lumabas si CK para ilagay yung gamit ko sa kotse. Nung palabas nako may inabot sakin yung nurse sabay sinara yung pinto sa clinic.
"Pakisabi kay Baby Boo free ako bukas :)"
----------
"Hindi ako aalis dito hangga't di mo sinasabi kung bakit ka nahimatay kanina!"
Simula nung nakauwi ako hindi na umalis CK. Hindi nya ko pinapaalis sa kama at tanong ng tanong sa mga nangyari kanina.
"Sinabi ko na sayo diba? Nasira yung lock ng BS tapos kinuha ko libro ko sa locker tapos nagmadali akong umakyat sa taas saka ako nahimatay" pagsisinungaling ko. Di ko masabi sakanya yung nakita ko kasi alam kong susugurin nya agad si Tristan kung nasaan man sya ngayon.
"Ods, alam kong alam mong nagsisinungaling ka lang sakin. Promise ko sayo pakikinggan lang kita, wala akong gagawin …… sakanya." pumikit siya sabay tumingin ulit siya sakin.
Nakaupo ako (indian sit) sa kama tapos siya nandun sa upuan malapit sa bintana ng kwarto ko. Nakatingin lang siya sakin at hinihintay nya ko magsalita.
"May kasama na naman siya kanina" bulong ko.
Agad siyang tumayo at papalabas na ng pinto ng pinigilan ko siya.
"Akala ko ba makikinig ka? Hindi ko pa nadedetalye yung nangyari … kaya ayokong sabihin sayo eh" binitawan ko yung kamay nya sabay upo ulit sa kama.
3 months ago may nakakita kay Tristan na may ka-HHWW sa mall na agad sinumbong kala CK. Sinugod nila si Tristan sa bahay nila pero nandun ako so di nila siya napuruhan.
Nung nagkatrabaho si Kuya Ivan si CK at NK na yung naging kuya ko. Hanggang sa school kahit di ko sila kasama lagi nila akong pinababantayan. Tutol sila kay Tristan simula nung nalaman nilang niloloko ako pero dahil siya nagpapasaya sakin ni-respeto nila desisyon ko. Pero kapag daw nalaman nilang sinaktan ako ni Tristan ulit di daw silang magdadalawang isip na patawarin sana sila ni Papa God kung anong gagawin nila.
Parehas kaming natahimik. Kapag sinusubukan kong magsalita walang lumalabas, natatakot ako … natatakot ako na baka kapag sinabi ko kay CK yung nangyari bigla nalang nila sugurin si Tristan. Natatakot ako na baka hiwalayan nya ako. Natatakot ako na kapag kinausap ko siya bigla siyang umamin na di nya na ko mahal ……
"Ods, hindi ko siya sasaktan kahit gustuhin ko. Sige na, makikinig ako" agad niyang sinarado ang pinto at umupo sa harap ko. Hinawakan niya yung kamay ko kagaya ng ginagawa niya sakin nung bata pa kami kapag natatakot ako.
Magsasalita na ko ng nag-vibrate yung cellphone ko. Nagulat ako nung nakita ko kung sino yung tumatawag …
Jack Tristan Alferez.
-----------
Cliffhanger. Woahhhhh!!! Im workin on the next chapter yessss!!!
BINABASA MO ANG
You'll never be mine
Teen FictionSi Odette yung typical na highschool student na gusto lang naman na isang araw makita nya ulit yung sarili niyang ngumingiti ulit ng hindi pilit. Masyado na siyang madaming problema. Paano kung dumating yung araw na mapagod nalang siya bigla at bita...