Chapter 3

1.4K 31 14
                                    

FIRST day of classes sa pinapasukang university ni Asher.

"o, bakit parang lonely ka sis? Daig mo pa ang pinagsakluban ng langit at lupa ah!" puna sa kanya ni yeng

"S-Si Gerald, mag-aasawa na..."

"Mag-aasawa na? kanino? Do'n sa girlfriend niyang mukhang bangus?

"Ewan, hindi ko lam,"

"Ano ba naman yan? sabi mo mag-aasawa na si Gerald. Eh, si..ano na nga ba name nong gf niya?"

"Kim"

"So, si Kim na ang mapapangasawa niya. Iyon lang naman ang gf niya dba?

"Eh, hindi pa kasi alam ni Gerald na mag-aasawa na siya,"

"Haa?!" nagulat na sabi ni Yeng. 

"Ganito kasi yun..ang sabi sa akin ng mommy niya, its time for Ge to get married na daw kasi gusto na niyang magka-apo..."

"Pwede ba namang yung mommy lang niya ang may gustong mag-asawa siya? What if ayaw pa ni Gerald dahil hindi pa siya emotionally prepared?"

"He can't say no sis eh.." Tears started to fall on her cheeks..

"At bakit hindi pwede?"

"Because if he won't do that in one year, mawawalan siya ng mana.."

"Alam na ba ito ni Gerald? I mean, ikaw na rin may sabing sa iyo palang sinabi ng mommy niya?"

Nagkibit balikat si Asher. "I don't know. Nahihiya naman akong magtanong kay Gerald. Baka isipin niya masyado na akong mausisa"

"Ganon naman pala ang situation, why don't you set up a plan and move now?"

Kumunot noo ni Asher, "Anong plan? anong move?" tanong niya sa kaibigan, "What are you trying to say?"

"Gumawa ka ng plano, ng paraan kung pano mo mapipikot si Ge. Nang sa gayun, di na siya mapunta sa iba db?"

"What??!!!"

"O, anong nakakabigla sa sinabi ko?"

"Hindi pa ako ganun ka-desperada para mamikot ng lalaki no!"

"Ows?! wweeh?! di nga?! If i know, dead na dead ka kay baby boy!"

"Dead lang no! Dahil kung dead na dead patay na sana ako noon pa!

*************************************************************************************************************

AFTER school, Asher change her uniform at agad nang pumunta sa mansion para tumulong sa mga gawaing bahay.

Marami ng nakatambak na hugasin sa lababo nang pumasok siya sa kusina. Inumpisahan niyang hugasa ang mga ito.

"Andiyan ka na pala, Asher" masayang bati sa kanya ni Christine.

"Oo, maluwag ang traffic ngayon kaya maagang nakauwi"

"Mag meryenda ka muna. Marami akong nilutong Spaghetti dahil may bisitang dumating si Senyora"

"Tapusin ko lang to, Christine"

Kumuha ng isang baso si Christine at nagtimpla ng ice tea.

"Para kanino yan?" tanong ni Asher.

"Para kay Mrs. Chiu," matabang na sagot nito

"Sa mommy ni Kim?"

"Oo"

"Siya pala ang bisita ni Senyora," Aniya

"Hindi siya, kundi sila. Dahil andiyan din yong Mr. Chiu. Naiimbyerna ako sa kaartehan ng mag-asawang yun! Si Mr. Chiu ayaw ng orange juice at ang gusto'y mango juice. And take note, fresh mango juice. Eto namang si Mrs. Chiu ay ice tea ang gusto. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit saksakan ng arte ang gf ni sir Gerald," Mahabang litanya ni Christine

FRIENDS FOREVER (ASHRALD Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon