Survival # 1: Start of Silence

45 3 0
                                    

Xeira's POV

"Pwede ka ng pumasok," utos ng guro sa akin.

Sinunod ko ang utos niya. Binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob ng classroom. Huminga ako nang malalim at hinarap ang magiging mga kaklase ko.

"Ito ang bagong kaklase niyo, mga bata. Maging mabait kayo sa kanya at iwelcome niyo siya," panimula ng guro.

"Hello, Xeira. Ako nga pala ang homeroom teacher mo. Tawagin mo lang akong Ms. Shinn, ok?"

Tumango ako sa kanya at naghintay na isignal na simulan ko na ang pagpapakilala ko sa sarili.

"Sige, ipakilala mo na ang sarili mo," utos niya habang nakaupo sa desk niya.

Huminga ako nang malalim at humanda ng magsalita.

"Ummm... Ako po si Xeira Duchess Montefalco. Pero tawagin niyo lang akong Xeira. Umm.. Nice to meet you all," introduksyon ko.

Nahihiya ako sa kanila sapagkat hindi ko pa sila gaanong kilala.

Ini-isaisa ko ng tingin ang bawat isa sa mga kaklase ko. May mukhang bored. May mukhang excited. May mukhang inaantok. At iba’t iba pa. Mukhang normal lang naman ang klaseng to. A typical high school. Napabuntong-hininga ako sa ginhawa na wala lang pala yong masamang damdamin na naramdaman ko nang dumating ako sa paaralan ito.

Pero ang nakakuha talaga ng atensyon ko ay ang babaeng nakaupo sa unahan. She was smiling and looking at me weirdly with an I-know-something-that-you-don’t-know look. I met her eyes. She had mixed-colored eyes; something rare. She had light gray eyes with purple specks and ring around the pupil. You could also see a faint color of hazel and orange. It is a mystery. Maganda at makinis. Mahaba at straight ang itim na buhok niya na siguro ay hanggang bewang na hindi ko masisigurado kasi nakasidebraid ang buhok niya. Naka yellow sundress siya dahil walang uniform ang paaralan na ito kahit na pribado at prestihiyoso ang eskwelahan na pinapasukan ko. Morena at may katangkaran. Nagsusuot ito ng salamin na bagay naman sa mukha niya. Napanganga ako sa ganda niya, especially when the sunlight coming through the window shone down on her. Para siyang diyosa na bumaba sa lupa galing sa langit. I’m not exaggerating. Totoo talaga.

Hindi maalis ang tingin ko sa kanya. And no. I don’t swing that way. Pero kung lalaki lang ako, most likely, inlove na ako sa kanya. Hindi ko na nga masyadong naririnig ang mga pinagsasabi ni Ms. Shinn sa akin.

“Welcome to this school, Xeira. I hope you’ll have a good time here,” pagwewelcome ni Ms. Shinn na hindi ko naman masyadong iniintindi. Nagnanakaw pa rin ako ng tingin sa babae.

Inihalad ni Ms. Shinn ang kanyang kamay para alugin ang kamay ko. Akmang aalugin ko na ito ngunit napatigil ako nang may lalaking tumayo sa pinakalikod at sumigaw.

“WELCOME TO HELL, NEW KID!!! HOPE YOU’LL SURVIVE!! HAHAHA!!” sabay tawa niya na parang wala na siya sa tamang katinuan. Ganon din ang ginawa ng mga katabi niya na hinuhula kong barkada niya. While the rest just looked at him in disgust and some in anger.

 Tiningnan siya ni Ms. Shinn nang masama at tinikom ang labi niya. Inis na inis siya.

“Shut up, Mr. Efron. Ang laki talaga ng bunganga mo eh noh, Rico?” tugon niya. “Meet me after class, Mr. Efron. Let’s see if you can survive later tonight, you egotistic, arrogant prick,” pagpapatuloy ni Ms. Shinn sa mahinahong tono. Pero maririnig mo pa rin ang delikado at mapait na tono na nakatago lang at hindi mo masyadong maririnig kapag hindi siya malapit sayo.

Tumango lang ang lalaki na pinipresume kong nangangalang Rico batay sa sinabi ni Ms. Shinn. Mukhang confident talaga siya at umupo siya pabalik sa upuan niya. Itinaas niya ang ulo niya na parang nakakatiyak siya at wala siyang paghihinayang sa ginawa.

Grabe… Ano ba ang pinagsasabi nila? Wala talaga akong maintindihan.

Hindi ko inakala na dun na pala nagsimula ang magulo kong buhay; ang mga pagdudusa, pagtatraydor, kalungkutan, depresyon, mga pagsubok… Akala ko na magiging normal lang ang buhay-estudyante ko sa eskwelahang ito pero mali pala ako. This school was not a child’s playground. Akala ko ang sinabi ni Rico ay paghahalintulad lang niya sa buhay-estudyante na maraming proyekto, pagbubully at iba’t iba pa sa impyerno. Pero akala ko lang pala yon.

Now, I only had one goal in mind. To graduate from that school and never come back. But in order to do that, kailangan kong mabuhay. I needed to survive. It’s the survival of the fittest. I only had two options left. Kill or be killed.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

School of Silence [SoS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon