Kabanata 2: Digmaan

5 0 0
                                    

Ang hukbo ng emperador kasama ang batikang mahusay kumilatis ng alahas at iba pang kagamitan mula sa ginto ay nagtungo sa   lupain ng mamamayan ng jundo.Laganap at walang mintis ang pangangalakal rito.Dahil isa na yon sa ikinabubuhay ng maraming naninirahan dito.Ngunit imbis na tumbasan ng sapat na halaga ang mga ito,Ay kinukulangan at  binabawasan pa ng emperador.

"60 sentimos lang ang halaga ng kuwintas na ito,Basi dito,wala itong parte na masasabing ginto nga,Isa itong peke dahil pilak lang ito".Labis na ipinagtaka ng isang pamilya ang kinalabasan ng presyo ng kanilang kuwintas.





"Ngunit,iyan ay ipinasuri ko na noon,at kinalabasan ay tunay nga yan ginto,Dahil sa bigat,kulay at hindi nabubura ang nakaukit na letra" Paliwanag ng mangangalakal na babae sa kasama ng emperador.






"Hindi nakukuha sa bigat o kulay ang isang bagay,Pasensya na,ngunit 60 sentimos lang ang halaga ng iyong kagamitan".




Hinawi ng isang mangangalakal ang kasama at siyang humarap sa nagsusuri."Dinadaya mo yata kami,Matagal na samin yang kwintas na yan,at ilang tagasuri na rin ang tumingin nyan,Ano namang mangyayari sa 60 sentimos na ibibigay mo,kulang pa iyon pambili ng gulay at prutas".Hindi nagustuhan ng emperador ang gustom iparating ng mangangalakal.Kaya naman sya na ang humarap dito.







"Emperador naino?".Nagulat ang babaeng mangangalakal ng lumapit sa kanila ang emperador.





"Ikaw na nga ang binabayaran,Ikaw pa itong makatuwiran".Nakatingin lang ang emperador sa kanyang hawak na mahabang tilad na kahoy,at ipinakikita iyon sa kanila."Kung ayaw mo ng sentimo,walang problema,Pero itong kuwintas mo,Sa amin na to".





Natuon ang atensyon ng lahat ng nagsalita ang mangangalakal.
"Wala kayong kasinsama,".Nang-gigigil na sambit nito.Pero tinawanan lang sya ng emperador at tila may balak itong masama.







"Ako?masama!?".Napaiyak nalang ang kasama ng mangangalakal ng hampasin ng emperador sa hita ang lalaki,gamit ang kahoy na hawak nito kanina.Hiyaw ang labis na pagkagalit ang nararamdaman ngayon ng pamilya."Yan ang mga nababagay ,sa tulad mong makatuwiran,Paslit ka pa para kalabanin ang isang emperador".




"Asawa ko!" niyakap nito ang asawa at umiiyaka pa rin habang pinapanood ang pagkuha ng mga huko ng emperador sa kanilang kagamitan."A-anong gagawin nyo?Wag nyong kuhanin ang kabuhayan namin!" Giit ng babae.ngunit Pinasadahan sila ng hukbo ng emperador ng patalim.At itunutok sa kanilang dalawa para hindi makagiit sa pagkuha ng emperador ng kanilang kabuhayan.





Walang nagawa ang mag-asawa nang limasin ng hukbo ng emperador ang lahat kanilang kabuhayan.Dahilan na may mga patalim na nakatutok sa kanila.






Titiisin   ng lahat ng taong nakakita ang ginagawang pangungurakot ng emperador.Pero ang hindi nila kinaya,ay nang kinuha nito ang isang paslit na batang naglalaro sa isang sulok."Dagsa pa naman ang bumibili sakin ng bata,Kikita na naman ako nito" Sabay tawanan ng mga hukbi niya.






"Itigil nyo yan!".Isang matapang na boses ang namayani sa buong lupain ng jundo.




At ito ay walang iba,kundi ang mga mandirigma ng mosko.Sila ang grupo ng mga mandirigma na pinangungunahan ni Zuho.Isa sa mahusay na mandirigma,at lumaki sa mosko.Ang kanilwng hukbo ay tinatawag na 'allied' isang tawag na nagmula sa salitang 'samahan' ng kanyang mga ninuno.Ang taliwas sa kagustuhan at sobrang pang-aapi ng mga nakatataas sa mamamayan ng seraphose.Ipinaglalaban nila ang dignidad at kalayaan na dapat mahangad ng mamamayan sa kanilng lungsod.Ngunit hindi madali na makuha ito lalo na't maraming gustong manlamang sa kanila at sa mamamayan.At isa na don ang emperador.



Kasama ang kaniyang mga alagad.Inutusan ng emperador ang hukbo nya para bigyan ng leksyon ang grupo na ng allied.Kilala na sila dahil sa taglay nilang lakas at pagtatanggol sa mga inaapi.Tanging sa mosko at jundo lang sila madalas tumungo.Dahil hindi nila gustong makita ang hari ay reyna sa palasyo ng lhandeio.Na alam nilang isang dahilan kung bakit mas lalo pang nahuhirapan ang kanilang mamamayan,Dahil walang tulong o aksyon na nagmumula sa nakatataas.






Habang nakikipaglaban ang hukbo ng emperador sa mga allied.Sinasamantala naman nito ang pagnanakaw sa mga bahay-bahay.Tunay at walang kaduda-duda na isa syang suwapang.







"Andito na naman kayo mga allied".tugon ng isang hukbo.Habang may tangan na sibat.




Hawak pa rin ng isang alahad ng emperador ang bata na kanina pa imiiyak dahil sa takot.

"Pakawalan nyo yung bata!Mga mapanlamang".Matigas na turan ni zuho,habang may hawak na sibat at espada at ganon din ang mga kasama nya.






"Hindi namin pakakawalan ang bata!".





Walang anu-ano ay itinaas ni zuho ang espada bilang senyas na kailangan na nilang sumugod.Marami rin ang hukbo ng emperador na pinaiikutan sila ngayon.






Isa na namang madugong laban ang pinakawalan ng allied sa buong hukbo ng emperador.Puro saksak ay ang ilan ay pinutulan pa ng ulo ng mga alagad ni zuho.Walang duda na ganun nalang pagkagalit nila sa mga rebeldeng kasama ng emperador.






Tuwang-tuwa ang mga mamamayan ng jundo nang mapatumba ng allied ang mga kalaban.Napuno ng dugo ang buong lansangan na nanggagaling sa mga namatay na rebelde.






"Maraming salamat sa inyo,Mga allied,lalo na sayo zuho,Iniligtas mo ang anak ko".Ani ng isang residente na magulang ng bata.




"Salamat po,kuya zuho" Malambing na tugon ng bata.






Yumuko ang binata bilang tugon.
At lumapit sa kinariroonan ng bata.


"Walang anuman,manang at sayo,Bata, Ang hukbo namin ay hindi titigil habang may katiwalian na nagaganap sa bayan natin".Saad nito at niyakap ang matanda.

"Mabuhay ang allied!Mabuhay si zuho".

"Mabuhay!".Sabay sabay na turan ng lahat.At syang nakapagpangiti kay zuho.

Tunay na mabait at may mabuting puso sa kapwa ang binatang ito.Galit sya sa mga kurap,abusado,mapanlinlang,mapang-api,At lahat ng paglabag sa karapatan ng isang mamamayan.





Bata pa lamang si zuho ay galit na sya sa mga taga-lhandeio dahil ang mga kawal nito ang kumitil sa buhay ng kanyang mga magulang,Kaya naman simula noon ay ipinangako nya sa sarili nya na isa sya sa magtatanggol at tutulong sa lahat ng inaapi,Tulad ng kanyang magulang.





Bumalik ang galit sa puso ni zuho nang makita ang emperador at tagasuri na tila gustong takasan ang ginawa nitang kasalanan.




Tumayo sya at sinundan ang emperador.






"Bilisan mo,isakay mo na lahat nang yan!".








Aligaga at nagmamadaling ikinarga lahat ng emperador at ng taga suri ang mga ninakaw na kagamitan.







"Mukhang hindi na magkasa ang gamit nyo sa kariton na yan,Sa sobrang dami ,Hayaan nyo akong tumulong sa inyo ng kusa".Nakangiting humarap si zuho sa dalawa.



















"Ang namumuno sa allied".









------------violetlovemuah-------------

Tandaan:Huwag maging mapanlinlang,mapanlamang sa kapwa,At huwag angkinin ang hindi mo pag-mamay-ari.Dahil lahat ng kasalanan may kaakibat na kaparusahan.

The Princess Of ArnimathopiaWhere stories live. Discover now