Nakapabilog ang lahat sa isa't isa. Walang nag sasalita , lahat nakikiramdam.
Pinipigil ko ang sarili kong wag kabahan. Lumunok ako at yumuko.
"Natagpuan ang bangkay nang dalawang mag kaibigan na sina Alanah at Nataly sa isang ilog. May natamong dalawang saksak ang dalagitang si Alanah Cam na pinaniniwalaang ginahasa" Pag banggit nung babaeng nasa TV.
Hindi ko naman sinasadya. Nag mahal lang ako.
"Habang limang saksak ang natamo nang dalagitang si Nataly Dela Rosa."
Pakialamera kasi siya. Kung hindi dahil sakanya ayos na sana ang lahat.
"Tinamaan ang ugat sa leeg ni Nataly na dahilan nang pag kamatay nito at pag sakal naman ang ikinamatay ni Alana---" Pinatay niya ang telebisyon at tumingin nang seryoso sa aming lahat
"Kailangan nating alamin kung sino ang gumawa noon kay Alanah!"
Biglang napantig ang tainga ko. Bigla akong pinawisan nang malamig at kinabahan.
"Putang ina talaga! Bakit kailangan pang mamatay ni Nataly?!"
Hindi ko siya masisisi dahil taong mahal niya ang nawala. Pero pasensya na talaga , pakialamera kasi siya.
"Hahanapin ko ang taong responsable sa pag kamatay ni Alanah"
Hindi! Kailangan ko silang pigilan.
"Mas maganda na sigurong wag makialam. Delikado. Paano kung kayo yung napag diskitahan?"
"Wala akong pakialam! Kahit kaibigan ko pa yung taong iyon , hinding hindi ko siya mapapaatwad sa ginawa niya kay Alanah!"
"Oo nga"
"Tama kailangan mahuli ang gumawa no'n kay Al"
"Nakakadiri , Nakakasuka , Hayop!"
Akala ko kaibigan ko kayo. Bakit ba ayaw niyong makinig? Pasensya na. Walang sisihan sa susunod na mangyayari , kayo rin naman ang nag simula nang laro.
Kung kailangan ko kayong patahimikin , gagawin ko.
Kahit pa kamatayan ang paraan.