Chapter 2
"You know the sad thing about betrayal? It never comes from an enemy."- Unknown
Sa normal na sitwasyon may isang tao ang dapat mag tatanong kung kalokohan ba ito. Ngunit walang nag tanong. Tila may anghel na dumaan. Natulala , Nakiramdam , Natakot at Nabigla ang karamihan.
Ang pag ubo ni Claine ang bumasag sa isang tahimik na minuto..Niyakap ni Jeoffrey ang nanginginig na si Claine. Napairap na lang ako at kinuha ang papel. Wala nang umaasang biro lang ito. Patunay nang sugat ni Claine sa kanyang braso.
"Ano ba talagang nangyayari Andrea? Bakit mo kami dinala dito?!" Galit na tanong ni Xandra.
"Sa tingin mo ba ginusto ko to?! Yung driver! Hindi si Manong yung nag dadrive , Pinag bantaan niya na papatayin niya tayo kung di tayo sumunod sa daan niya. Sa tingin mo ba ginusto ko ito?!" Sigaw ni Andrea.
"Tanga ka ba? Sa dami natin kayang aya natin siya! At ano ba sa tingin mo ? Na bubuhayin niya tayo dito?!"
"Hindi ko naman ginusto to eh!" Nag simula nang umiyak si Andrea nang niyakap siya ng kasintahan niyang si Vincent. "Tama na Xandra" Banggit nito kay Xandra. Bumuntong hininga muna ito atsaka humingi nang paumanhin kay Andrea.
"Di ko naman talaga ginusto to eh" Patuloy na pag iyak ni Andrea habang yakap yakap si Vincent.
Muling tumahimik ang buong kwarto at tanging pag hikbi lang ni Andrea ang naririnig namin. Mag sasalita na sana ako nang makarinig kami nang kalabog. "Putang ina ! Shet dre wag mong sabihing nababakla ka na sakin!" Sigaw nang isang lalaki.
Biglang bumukas ang isang cabinet at tumambad si Ken at Dominique sa harap namin. "Gago. Malay ko ba. Nagising na lang ako na ang dilim at ang sikip sikip at hinahawakan ko yung hawakan pa labas nahawakan ko yan" Pag depensa ni Ken
"Aaminin mo na lang nababakla ka sakin di mo pa magawa. Wag mo lang akong hihipuan dre. Hanggang tingin ka lang" Halatang naiinis na si Ken ngunit tumakbo si Claine papunta kay Dominique. Mga isip bata.
"Ayos ka lang ba?" tanong nito. "Anong ginagawa mo dito?! Ayos lang ako. Ikaw , anong nangyari bat may sugat ka?!" Nag aalalang tanong ni Dom. "Bakit nandito yang unggoy na yan?" Halatang iritadong tanong ni Jeoffrey.
"Baka nadamay na tayo doon sa nangyayaring patayan sa 4-E?"
"Satingin ko hindi , 4-A tayo. Ang layo layo natin sakanila. Wala naman tayong kinalaman at wala rin tayong pakialam sakanila." Sagot ko. "Wala naman problema sakin kung mamamatay ako" Sagot ni Mark.
Kaya ayokong nag mamahal eh. Nakakatanga. Nakakabobo. Nakakasira nang buhay.