Chapter 1
The beginning of an end.
"Wala na sila" Banggit ni Cess. "Wala na sila Al!" Mangiyakngiyak nitong ulit. Niyakap na lang siya nang kasintahan nyang si Tristan para patahanin siya.
Tahimik lang akong nakatingin at nag iisip sa kung ano ang posibleng nangyari kela Alanah at Nataly.
"Bakit pa nawala si Al?!" Sigaw nila. Mangiyak ngiyak na kami sa narinig namin. Pinaikot ko ang tingin ko sa buong bahay. Sumakit pa ang ulo ko sa hindi malamang dahilan.
Nakikinig lamang ako sa mga patak nang ulan sa labas at nag iisip. Crime of passion ba ang ikinamatay nila? O may iba pang dahilan?
"Okay ka lang Krizia?" tanong ni Jeooffrey. Tumango lang ako bilang sagot pero sa totoo, hindi talaga. Paano mo ako ieexpect na maging sa ganitong sitwasyon? Na yung dalawa mong kaibigan nawala.
Namatay
Pinatay.
Ginahasa. Pwedeng ibang tao , Pwedeng nasa loob nang kwartong ito.
Nung isang araw ay napag usapan namin na dumiretso dito sa isa pang bahay nila Andrea para mag isip kung paano isasagawa ang plano. Hindi ko din alam pero kanina pa sobrang tahimik si Andrea at parang takot na takot.
"Kailangan nating makabalik bukas bago mag alas dose. Tumulong man lang tayo kela Tita doon sa burol nila." Suhestyon ni Xandra. "Oo siguro mga alas sais pa lang lumabas na tayo para hindi tayo matraffic sa daan"
"Na C-Cr ako Ands , Saan ba dito yung toilet niyo?" Tanong ni Xandra. "W-Wala!" Mukhang nabigla nitong sagot. "Wala kayong toilet dito?!" Ulit ni Xandra
"Hindi , A-ano ang ibig kong sabihin eh.. Sira yung toilet mamaya na lang" Banggit nito. Lumunok pa ito nang isang beses at nakita kong nanginginig na siya.
"Ay kailangan ko nga palang itext si Claine baka nakalimutan nanamang painumin nang gamot si nanay" Sambit ni Tristan.
"Nasaan yung cellphone namin Xandra?" Tanong nito. "Ah naiwan ko sa sasakyan sorry."
"Ah sige kunin ko na lang" Sambit ni Tristan. " Ah , Samahan na kita" Sambit ni Andrea. "Ah sige sige , di ko din alam yung daan eh" Pag payag nito. "Ako din eh" Banggit nito.
"Ha?" Tanong ni Tristan. "Wala"
Pero sigurado ako sa narinig ko. Anong ibig sabihin nito? "Sasama din ako" Sambit ko. Kailangan kong gawin to para malaman kung tama ang kutob ko.
"Ah , S-sige" Lumabas kami nang kwarto at bigla na lang akong nabigla. "Bakit andilim dito? Asan yung switch nung ilaw?" Tanong ko. "Ah..." Nakito kong inikot niya yung mata niya at kinapa kapa yung dingding. "E-Eto ata" Nasindihan yung ilaw at dali dali na kaming bumaba sa hagdan.