Bakit nga ba ang tao gustong sumikat?
Bakit nga ba ?
Karaniwan kasi nating dahilan kasi gusto mong maipamalas ang galing mo at talento mo
Eh paano kung sa wattpad? Gusto mong sumikat?
Masarap sa feeling lalo na kung gumagawa ka nang storya sa wattpad ung tipong may nakita ka lang na nag vote para sa storyang yun napapangiti ka aminin mo.
Simpleng comment lang masaya ka na at masarap sa pakiramdam na may nag fo-follow sayo
Para sa atin, nating lahat, sa mga gustong maging writer kung yan palang nakuha mo na di ba sasabihin mong 'Thanks God ang laking achievement nito!'
At ung tipong ipagdarasal mo pa na sana maraming tao ang makabasa nito/ ng kwentong ito
Ung tipong araw araw mag sisipag ka talagang mag update para matuwa ang mga taong sumusuporta sa kwento mo . :)
At dahil gusto mong sumikat
Gagawa at gagawa ka nang storya....Halos na itry mo na ang lahat!
Mapa fantasy, romance, horror, comedy, mystery/thriller or mapa action man yan!!!
Dahil gusto mong mapansin nang tao na nag e-exist ka...
Di maiiwasan din sa isang tao ang mainggit tama ba? Ung hihilingin mo...'Ay sana ganyan din kadami ang mga followers ko tyaka voters ko!'
Pero para sa akin bakit ka naman maiingit? Kung gusto mong maging sikat sa wattpad edi mag pursigido ka! Walang magagawa yang inggit mo!
Gumawa ka nang storyang alam mong kakaiba sa lahat at walang kaparehas !
Isang storyang tatatak sa utak at sa puso ng mga readers. Isang storyang mag bibigay ng inspirasyon at may tamang matututunan...Moral lesson ika nga!
Pero paano kung ganito ang sitwasyon?
Million milliong followers, votes na nakuha mo at may libro ka nang naipublish at number 1 selling sa National Bookstore?
Edi syempre feeling blessed ka at paid off ang hard work mo at heaven talaga ang feeling kung ganyan nga..
Pero bakit may mga sikat pero di sila masaya kung anong meron sila?
Bakit? Kasi kapag sumikat ka na ...number 1 reason? Maraming tao na kaiingitan ka at marami din panigurado makakatangap ka nang mga negative comments ng tao...
Kaya minsan ang mga sikat mas gusto pa nilang maging di nalang sikat at normal lang na writer or what.....
Pero para sa akin it depends kung mag papa-apekto ka
Bakit? Ano bang magagawa nila eh sikat ka? Hindi ikaw ang pumili niyang sitwasyon mo na maging sikat ka
Alam namang sabihin mo sikat ka pero wala namang may alam na sikat ka diba?
Paano ka sisikat kung walang magpapasikat sayo
Ano yun sikat ka since birth? Wow di ako nainform XD
Back to topic
Kasi ikaw? Ginawa mo lang ang makakaya mo at ipinamalas mo lang ang talento mo . Bakit ka ba mag papa-apekto? Eh inggit lang ang mga yan! Kasi ikaw alam mong may na achieve ka eh sila? NGA NGA
Another Situation : Pero paano kung sikat ka talaga?
Ayos lang na sikat ka pero sana kung sikat ka na at marami ka nang fans
Wag naman sanang ipagmayabang mo pa ipakita mo lang ika nga hindi IPAGMAYABANG mo pa ayos lang na ipamalas mo kung anong meron ka pero kung ipagmayabang mo pa at mahangin ka iwasan mo yan at ITIGIL mo yan dahil ang ganyang ugali mo ang syang sisira nang image mo!
At syempre DAPAT MAKUNTENTO TAYO KUNG ANONG MERON TAYO
Another Topic : Being an Author
Minsan naman magbabasa ka nang storya na nahanap mo sa discoveries at titignan mo yung profile ng Author na yun kung gaano kataas ang followers niya at votes kung nataasan mo naman matatawa ka nalang sa sarili mo....di mo maiiwasang icompare ang votes at numbers of followers sa taong yun...
Masarap din sa feeling na may author kang iniinspirasyonna sana balang araw magkita kayo sa personal tama ba?
Kasi bakit mo ba gugustuhing maging Author kung wala ka namang Author na iniidolo?
Ano yun binatukan ka nang kung sino tapos sasabihin mo sa sarili mo 'Gusto kong maging Author' ganun?
Minsan naman iniimagine mo habang ginagwa mo ung storya mo na maiipalabas yan sa T.V at sisikat ka pa lalo...
Sa araw araw konting bagay lang 'Ah ilalagay ko tong scene na ito sa wattpad' o di naman kaya gagawa ka nang storya na narinig mo sa kung sino man at ikaw ang mag papatuloy nang daloy nang storya
Minsan din ang pagiging Author minsan makakaramdam ng pagka dismaya at parang di kumpleto ang araw mo kasi marami ka ngang readers eh ung votes naman? Iisipin mong 'Sayang naman nakita nga nila pero di naman nag vote!' nakakatampo diba? O di kaya iisipin mong di ata naguatuhan ng readers mo yung kwento mo o di kaya panget ang naisip mong scene etcetera etcetera!
Mahirap maging Author kasi minsan konti lang nag vo-vote o kaya reader mo at mas malala WALA NANG NAG VO-VOTE
Minsan din na pre-pressure kaming mga Authors at ang mga Authors nuh! Dahil minsan demanding ang nga readers.
Pero dahil gustong gusto mong magpangiti ng tao sa storya mo mag sisipag ka talaga mag update ng chapters kahit na pagod na pagod ka dahil galing ka sa trabaho o kakagaling mo lang sa school
Pero yan talaga ang mga Authors at gustong sumikat ..... PUSIGIDO.
-*-*-*-*-*-*-*-*-*
I respect all who want to be an Author and creating their own stories and expressing theirselves through wattpad
Kaya sana po naiintindihan niyo kung ano po ang nais kong iparating din sa inyo
If you think na deserved ko po ang votes niyo kindly please...
Vote
Comment
And Be A Fan
Thank You
08/23/14