TLSTSA Chapter 1

8.7K 48 0
                                    

*Sky P.O.V*

May nakita akong babaeng nakaupo sa sidewalk. Nilapitan ko sya dahil parang pamilyar sya saakin.

"Jem is that you?" Tanong ko sa babae na unti-unting tumingin pataas.

"Sky? Ikaw nga!" Sabi ng babae at gulat na gulat parin ito.

"Hoy! Wag nganga. Hahaha." Nakakatawa yung itsura nya. Parang nakakita sya ng multo. Nung natauhan na sya sinapak nya ako ng napakalakas at medyo nakatawa pa sya.

"Sus, napanganga ka lang sa kagwapuhan ko eh. Hahahaha" Sabi ko. Napatigil ako ng tawa ng batukan naman nya ako.

"Aray ko Jem masakit na yon ah. Sinapak mo na nga ako binatukan pa, ang saklap noh?" Medyo paloko kong tanong sa kanya.

"Ang kapal, ang hina lang kaya nun."

Pagkasabi nya nun ay medyo napatawa nalang ako at tumabi sakanya. Pinagmasdan ko ang muka nya habang nakatingin sa mga bituin. Tumilig na pala ang ulan at medyo basa yung t-shirt ko.

"Jem bat namumugto yang mata mo? Umiyak kaba?" Tanong ko.

"Hindi ah."

Saglit na napatingin sya sakin at tumingin agad sa ibang dereksyon.

"Hahaha. Iyakin ka na pala ngayon." Sabi ko na may halong pang aasar.

"Sus, tigilan mo ko dyan sa pangaasar mo ah, kundi' babatukan kita." Hahaha naaasar na sya sakin XD

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" Tanong nya sakin.

"Walang pinagbago mataray ka parin. Haha" Sabi ko.

"So ... Tinatawanan mo ko hah?" Sabay tutuk ng kamay sa may ulo ko.

"Ay hindi joke lang, hindi naman to mabiro sus." Mga palusot ko nga naman oh. XD Nakita ko naman na napangiti sya.

The Love Story of The Sex AddictTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon