PRACTICE NAMIN NG ARAW NA IYON. HALOS MAGHAPON KAMI SA LIKOD NG KUMBENTO NG SIMBAHAN PARA MAPERFECT LANG YUNG KAROLING NAMIN NA MAGSISIMULA BUKAS NG GABI. TAHIMIK KASI SA LUGAR NA IYON AT MAY PERMISO NAMAN KAMI MULA KAY FATHER JONAS, ANG KURA PAROKO SA AMIN. ANIM KAMING LAHAT NA ESTUDYANTE. APAT KAMING 4TH YEAR HIGH SCHOOL, AT DALAWANG 3RD YEAR. BAHAGI KASI ITO NG AMING FUND RAISING ACTIVITY PARA SA NALALAPIT NAMING FEEDING PROGRAM AND CHRISTMAS PARTY SA MGA BATANG BENEFICIARIES NAMIN SA ISANG BARANGAY SA BAYAN NG STA. CRUZ - LITTLE TONDO KUNG TAWAGIN ANG BARANGAY NA IYON. PROJECT NA RIN NAMIN ITO SA AMING STUDENT ORGANIZATION NG AMING PRIVATE SCHOOL NA HINDI KO NA PAPANGALAN.
GABI NA IYON, MAG-A-ALAS SAIS KWARENTA NA. LAST PRACTICE NA SANA PERO HINDI NA NAMIN NATAPOS. HABANG KUMAKANTA KAMI NG SA ARAW NG PASKO, AY NAKITA KONG TILA LUMILIPAD ANG ISIP NG ISANG KASAMA NAMIN. HABANG KUMAKANTA, PINAGMAMASDAN KO SI ELLEN, KAKLASE KO. TITIG NA TITIG SIYA SA TERRACE NG SECOND FLOOR NG KUMBENTO. MAKIKITA MO NAMAN TALAGA ANG TERRACE SAPAGKAT NASA GAWING BABA LANG KAMI. ILANG METRO LANG ANG LAYO SA PINAGPA-PRAKTISAN NAMIN. MAGILIW SA PAGTIPA NG GITARA SI FRANCIS AT JOLO, MGA KASAMA NAMING 3RD YEAR, HABANG KAMI NAMAN ANG KUMAKANTA NINA TERE, REGINE KASAMA SI ELLEN. HINDI MAN NAGSASABI SI ELLEN PERO NAPAPANSIN KONG NAGING BALISA ANG KANYANG KILOS HABANG KUMAKANTA KAYA MEDYO HUMINA ANG KANYANG BOSES.
PASULYAP-SULYAP AKO SA BOND PAPER NA KUNG SAAN NAKA-PRINT ANG LYRICS NG SILENT NIGHT NA AMING KINAKANTA SA ORAS NA IYON HABANG NILILINGON KO SI ELLEN AT ANG KANYANG TINITINGAN SA TERRACE. NAPAPAKUNOT ANG AKING NOO SA WIRDONG KILOS NA IYON NI ELLEN. NGAYON KO LANG SIYANG NAKITA NG GANUN. HANGGANG SA NAKAABOT KAMI NG LAST PART NG AWITIN AY BIGLA KONG IPINATIGIL ANG AMING ENSAYO PARA TANUNGIN SI ELLEN DAHIL NADI-DISTRACT NA AKO SA GINAGAWA NIYA. UNA KONG LITANYA SA KANYA AY, "LEN KUNG AYAW MONG MAG-PRACTICE, PWEDE KA NG MAUNANG UMUWI TUTAL PATAPOS NA TAYO!".
"H-HA?! ANONG SABI MO ANJA?", SAGOT SA AKIN NI ELLEN.
"KITA MO 'YAN, YOU'RE NOT PAYING ATTENTION, LAST PRACTICE NA NGA EH!" TUGON KO NA MAY HALO NG INIS.
"HA HA! ANONG PALUSOT 'YAN ELLEN! NASA TAPAT TAYO NG KUMBENTO! HETO ANG SIMBAHAN SA TABI! SAANG BANDA KA NATATAKOT?! PAKI-EXPLAIN!" PASINGHAL KONG TUGON.
"PWEDE BANG UMUWI NA NGA TAYO OR HANAP NA LANG TAYO NG IBANG LUGAR NA PWEDE NATING PAG-PRAKTISAN KASI NATATAKOT AKO RITO..." DAGDAG NI ELLEN NA MAY PANGINGINIG ANG TONO.
WALANG ANO-ANO PA'Y HUMAGULGOL SI ELLEN. INIKUTAN NG GRUPO SI ELLEN PARA I-COMFORT NANG SANDALI. LUMAPIT NA RIN AKO KAHIT NAIINIS AKO SA KANYA. HABANG HIMAS-HIMAS NI REGINE ANG LIKOD NI ELLEN AT HABANG SI ELLEN AY NAGTAKIP NG MGA KAMAY SA MUKHA AY TINANONG KO SIYA KUNG ANO BANG NANGYAYARI. SINABI NIYA NANG DIRETSAHAN NA MAY NAKATAYONG BABAENG MAITIM, TILA SUNOG ANG BALAT AT NAKABELONG PUTI SA TERRACE NG KUMBENTO.
NAPATINGIN KAMI NANG SABAY-SABAY SA TERRACE. NAPALUNOK AKO NG LAWAY AT PABALAT KONG SINABI KAY ELLEN NA "CHRISTMAS SEASON ELLEN. PANG-HALLOWEEN 'YANG NIRARASON MO!".
PATULOY NA PINAPAKALMA NG AMING KASAMAHAN SI ELLEN HABANG AKO NAKAPA-MAYWANG AT UMIILING PERO SA PUNTONG IYON AY NAPAPASULYAP DIN AKO SA TERRACE. HALO-HALO NA ANG NARARAMDAMAN KO NUNG ORAS NA IYON. MAS NANGHILAKBOT KAMI SA HULING SINABI NI ELLEN NA NAKATITIG AT MISTULANG NANONOOD SA AMING ENSAYO ANG SINASABI NIYANG BABAE. HINDI LANG DAW SIYA NAKATAYO NANG MATAGAL SAPAGKAT NAAANINAG DAW NIYA NA PARANG PALAKAD-LAKAD DIN ANG BABAE SA TERRACE.
HUMINGA AKO NANG MALALIM SAKA NAGSALITA. SINABI KONG PACK UP NA KAMI AT TAPOS NA ANG PRAKTIS. PINAPAUWI KO NA RIN SI ELLEN AT PINASAMAHAN KO KAY JOLO SAPAGKAT IISANG BARANGAY LANG UUWIAN NILA.
HABANG NAGSISILID KAMI NG GITARA AT ILAN PANG KAGAMITAN SA BAG AY TILA NAHAHATAK ANG AKING MGA MATA SA TERRACE. NASUSULYAPAN KO NAMAN IYON PERO IBINABALING KO RIN AGAD SA AKING ISINISILID NA GAMIT. MEDYO KINAKABAHAN NA RIN AKO NOONG MGA ORAS NA YON. HINDI KO MAIPALIWANAG PERO ALAM MO YUNG PAKIRAMDAM NA PARANG MAY NAKATINGIN NGA SA IYO SA DI KALAYUAN KAYA LUMINGON AKONG MULI SA TERRACE NGUNIT SA IKALAWANG PAGKAKATAON, WALA AKONG NAKITA.
UMIHIP LANG ANG HANGIN SA AKING PISNGI. NAGTAKA LANG AKO SAPAGKAT MAY KALAKASAN IYON. MALAMIG. NAPAHAWAK AKO SA AKING PISNGI HABANG NAKATINGIN SA MALAKING PUNO NG ACACIA. NAGKATAKA LANG AKO SAPAGKAT NI ISANG DAHON SA MGA HALAMAN SA PALIGID MAGING SA ACACIA NA IYON AY WALANG GUMALAW. DOON NA AKO UNTI-UNTING KINABOG ANG DIBDIB DAHIL HINDI IYON NORMAL. NAISIP KO BIGLA, SA AKIN LANG DUMAMPI ANG HANGIN? SA LAKAS NUN? MINADALI KO ANG PAGSILID NG IBA PANG GAMIT HANGGANG SA KAMALAS-MALASAN AY NAHULOG ANG MGA KOPYA NG AMING KANTA. ISA-ISANG NAGHIWALAY ANG MGA IYON AT KUMALAT SA PALIGID.
ISA-ISA KONG PINULOT ANG MGA IYON AT WALA NA AKONG PAKIALAM KUNG MAY NATUPI SA MGA PAPEL BASTA ANG GUSTO KO AY MAKAALIS SA LUGAR NA IYON. HABANG NAMUMULOT AKO NG MGA NAGKALAT NA KOPYA AY PILIT KONG IWINAWAKSI SA AKING ISIPAN ANG TINIG NI ELLEN. YUNG TINIG NIYA HABANG IDINE-DESCRIBE ANG NAKITA NIYA SA TERRACE.
HINDI KO MAALIS SA UTAK KO ANG PAGKAKALARAWAN NIYANG IYON HANGGANG SA AKMANG PUPULUTIN KO NA ANG HULING KOPYA NANG BIGLANG MAY PUMULOT. MAITIM ANG KAMAY. PARA SIYANG NATUPOK SA MALAKING APOY. MAY NAKITA RIN AKONG BITAK-BITAK SA BALAT NIYA. NAGULAT AKO KAYA NABITAWAN KO LAHAT NG PINULOT KONG KOPYA KANINA. SA GITNA NG PAGPAPAKA-TATAG KO AY DI KO MAITATAGONG NAKARAMDAM AKO NG PANGHIHILAKBOT SAPAGKAT NAKITA KO ANG KINATATAKUTAN NI ELLEN KANINA. MAS MALAPITAN. KAHIT SEGUNDO LANG NANG MAKITA KO ANG KANYANG MGA KAMAY AY DI KO MAIWASANG TUMAKBO PAPALAYO AT PUMARA NG JEEP. SA TAKOT KO, NAIWANAN KO ANG MGA GAMIT NA INAAYOS KO KANINA. TINEXT KO NA LANG ANG ISA NAMING KASAMA NA IUWI ANG MGA NAIWAN KONG GAMIT. TANONG NIYA SA AKIN SA TEXT EH KUNG ANONG NANGYARI SA AKIN DAHIL NAKITA NIYA AKONG TUMATAKBO PAPALAYO SA KUMBENTO. HINDI KO NA LANG SINAGOT DAHIL SIGURADONG HINDI SIYA MANINIWALA.
HABANG NASA JEEP, NAGTULOY-TULOY PA RIN ANG KABA KO. INIISIP KO NA LANG NA HINDI KAYA EPEKTO NG IMAHINASYON KO ANG NAKITA KO KANINA PERO NILALABANAN ITO NG KATOTOHANANG NAKITA KO ANG KAMAY NA ALAM KONG SA MAITIM NA BABAENG NAGPAKITA KAY ELLEN. TINAWAGAN KO SI ELLEN PERO HINDI SIYA MA-REACH. TINEXT KO SIYA TUNGKOL SA NANGYARI SA AKIN NGUNIT WALANG REPLY.
HANGGANG SA PAGTULOG KO NG GABING IYON AY NASA AKING ISIPAN ANG KAMAY NG BABAENG MAITIM. PUMIKIT AKO AT NAGDASAL. PINAGOD KO ANG UTAK KO SA KAKAISIP NG IBANG MGA BAGAY UPANG MATABUNAN LAMANG ANG NAKAKAPANG-GILALAS NA NANGYARI SA AKIN KANINA. AYAW KONG MASYADONG I-HYPE SA UTAK KO IYON SAPAGKAT AKO YUNG TAONG SOBRANG MATANDAIN. HANGGANG SA NAKATULOG AKO NANG TULUYAN.
ITUTULOY ...
TRUE STORY BY ANJA MAE MANALO
WRITTEN BY KORHIXX of PLAKADO Prodaxons (for Hilakbot TV)
NARRATED BY RED
SUBSCRIBE @ HILAKBOT TV You Tube Channel
BINABASA MO ANG
KAROLING || A Two-Part Christmas Horror Story || HILAKBOT TV Special
HorrorAKALA KO KAPAG PASKO, MASAYA LANG. AKALA KO KAPAG PASKO, NAGDIDIWANG ANG LAHAT. NAGKAMALI AKO. KAHIT PASKO, AY MAY KWENTONG KABABALAGHAN. TUNGHAYAN SA DALAWANG KABANATA NG ATING CHRISTMAS HORROR STORY SPECIAL. MAPAPAKINGGAN RIN ITO SA HILAKBOT TV Y...