KAROLING (Part 2) || Kwentong Kababalaghan Sa Kapaskuhan

74 3 0
                                    


KINABUKASAN, LAKING PASASALAMAT KO SA DIYOS DAHIL WALANG TRACE KAHIT NA SA PANAGINIP KO ANG BABAENG SUNOG ANG BALAT. PANIBAGONG ARAW AT PILIT KO PA RING IBINABALING SA IBANG BAGAY ANG AKING ATENSYON. KINUHA KO ANG CELLPHONE AT NABASA KO ANG REPLY NI ELLEN. HINDI DAW SIYA MAKAKASAMA SA KAROLING MAMAYANG GABI SAPAGKAT INAAPOY SIYA NG LAGNAT, SA KATUNAYAN, NAKA-CONFINE NGA DAW SIYA. NAPAILING NA LANG AKO. MUKHANG HINDI NIYA PINANSIN ANG TEXT KO UKOL SA BABAENG MAITIM AT SUNOG ANG BALAT. KAYA AKO RIN, KINALIGTAAN KO PANSAMANTALA.

ALAS-SINGKO PASADO NA IYON NANG MAG-ASSEMBLE ANG GRUPO NAMIN SA PLAZA. DAPAT SANA AY SA HARAP MULI NG KUMBENTO ANG PAGKIKITA-KITA PERO AKO NA ANG NAG-GROUP MESSAGE SA KANILA TUNGKOL SA CHANGE OF ASSEMBLY LOCATION. NAKAHANDA NA ANG LAHAT. NAGPA-PHOTOCOPY ULIT AKO NG KOPYA. TINANONG PA AKO TERE KUNG NASAAN ANG MGA LUMANG KOPYA DAHIL MAY MGA IMPORTANTENG NOTES DAW SILANG ISINULAT SA MGA LIRIKO LALO YUNG MGA BINAGO NAMING ARRANGEMENTS. ANG SABI KO NA LANG NAITAPON KO.

NASA DULO NA NG DILA KO ANG SALITANG NAKITA KO ANG NAKITA NI ELLEN KAGABI PERO DI KO NA LANG ITINULOY AT BAKA MAGING KATATAKUTAN ANG GABING IYON. MATATAKUTIN DIN KAYA SINA TERE AT REGINE KAYA PINIGIL KO ANG SARILI KO NA MAGKWENTO, KAHIT SA MGA KASAMA NAMING 3RD YEAR NA MGA LALAKI.

ALAS-SAIS NA AT NAGTUNGO NA KAMI SA UNANG KANTO SA LOOB NG SUBDIVISION NA NAUNA NA NAMING IN-OCCULAR AT NABIGYAN NG SOBRE UPANG MAGING PORMAL ANG KAROLING. NAPALITAN NANG KAHIT KATITING NA SAYA ANG AKING NAKAKAPANG-HILAKBOT NA KARANASAN KAHAPON DAHIL MAY LAMAN ANG LAHAT NG SOBRE MULA SA MGA BAHAY NA AMING NAPAGKAROLINGAN. TIBA-TIBA KUMBAGA DAHIL NAGBUNGA ANG AMING EFFORT. 

MGA ALAS-NWEBE Y MEDYA NA IYON NANG MAGPASYA ANG GRUPO NA MANGAROLING SA HULING BAHAY SA SUBDIVISION. MARAMING CHRISTMAS LIGHTS AT NAMUMUTIKTIK SA PAROL ANG PUTING BAHAY NA IYON. NASABIK KAMI SAPAGKAT UMAASA KAMING MAS MALAKING PERA ANG ILALAGAY NG MAY-ARI NUN SA SOBRE NAMIN. NAKA-TATLONG KANTA NA KAMI NANG MAPANSIN KONG MAY SUMISILIP SA BINTANA NG BAHAY. PASILIP-SILIP LANG YON TAPOS MAGTATAGO SA LIKOD NG KURTINA. LUMAKAS ANG LOOB NAMIN DAHIL AT LEAST MAY NAKIKINIG SA AMING KAROLING AT EXPECTED NA ILANG SEGUNDO NA LANG AY LALABAS NA ANG MAY-ARI TANGAN ANG AMING SOBRE NGUNIT NATAPOS NA LAMANG ANG AMING IKATLONG KANTA AY WALA PANG LUMABAS SA BAHAY.

SINENYASAN KO SINA FRANCIS AT JOLO NA KUMANTA PA NG ISA. TINIPA NILA ANG GITARA AT UBOS-BOSES KAMING KUMANTA NG SILENT NIGHT BILANG PANGHULING AWITIN. 

KINANTA NA LANG NAMIN PARA DI MASAYANG ANG PINAG-PRAKTISAN NAMIN, MERON O WALA MANG LUMABAS SA BAHAY NA IYON. NASA BAHAGING SLEEP IN HEAVENLY PEACE, NANG BIGLANG MADINIG KO ANG BOSES NG ISANG BABAE. MALINAW KONG NADINIG ANG BOSES NA IYON KAYA NAPATINGIN AKO KINA TERE AT REGINE PERO TULOY LANG ANG KANILANG PAGKANTA NANG NAKANGITI HABANG NAKATINGIN SA BAHAY. NAISIP KONG IMPOSIBLENG YUNG DALAWANG GITARISTA NAMIN IYON KAYA WALANG ANO-ANO AY LUMINGON AKO SA AKING LIKURAN AT TININDIGAN NG BALAHIBO NANG MAKITA KO ANG BABAENG NAKABELO NG PUTI AT MALAPITAN KONG NAKITA ANG SUNOG NIYANG MUKHA HABANG KUMAKANTA.

PINIGIL KONG SUMIGAW KAYA RAMDAM KO MULA SA AKING MGA KALAMNAN NA TILA NANIGAS AKO SA TAKOT. WALA AKONG NAGAWA KUNDI MAPATIGIL SA PAGKANTA HABANG NAGTULOY-TULOY LANG ANG AKING MGA KASAMA ... MGA KASAMA KONG BUHAY AT ANG BABAENG SUNOG ANG BALAT NA NASA AKING LIKURAN, SUMASABAY SA AMING PAGKANTA.

PUMIKIT AKO AT NAGDASAL SA AKING ISIPAN NGUNIT MAS NANGHILAKBOT AKO SAPAGKAT WINIWIKA NG BABAENG SUNOG ANG BALAT ANG AKING DASAL. NATATANDAAN KONG NATUMBA NA AKO. NAKATINGIN HABANG AKO AY NAKAHIGA NA SA ASPALTADONG KALSADA ANG BABAENG SUNOG ANG BALAT. HINDI KO MALARAWAN ANG BUONG HILATSA NG KANYANG MUKHA SAPAGKAT NATATALUKBUNGAN NANG BAHAGYA NG PUTING BELO.

SA PAKIWARI KO PA'Y HINAHAPLOS NG BABAENG SUNOG ANG BALAT ANG AKING BUHOK HABANG NAAANINAG KONG NATARANTA NA ANG AKING MGA KASAMA. ANG PINAKAHULING NATATANDAAN KO LANG AY NAPAPIKIT NA AKO AT HABANG UNTI-UNTI AKONG NAWAWALAN NG ULIRAT AY NADIDINIG KO ANG BOSES NG BABAENG IYON.

KINAKANTAHAN NIYA AKO NG ... SILENT NIGHT. PERO SA HALIP NA SLEEP IN HEAVENLY PEACE AY SLEEP IN THE DARKEST PLACE ANG AKING NADINIG, SABAY NAWALA ANG AKING ULIRAT.



FIN


TRUE STORY BY ANJA MAE MANALO

WRITTEN BY KORHIXX of PLAKADO Prodaxons (for Hilakbot TV)

NARRATED BY RED

SUBSCRIBE @ HILAKBOT TV You Tube Channel


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
🎉 Tapos mo nang basahin ang KAROLING || A Two-Part Christmas Horror Story || HILAKBOT TV Special 🎉
KAROLING || A Two-Part Christmas Horror Story || HILAKBOT TV SpecialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon