Twenty-three years of existence, ilang beses ko na bang nabanggit na ayaw ko na, pagod na ako, suko na ako pero patuloy parin naman akong lumalaban. Minsan nakakapagod narin magsabing pagod kana, tuwing naiinis ka at nasusubok ang katatagan mo ay papalitan mo kaagad ng katagang "ayaw mo na".
Paulit ulit na lamang.
Nawawalan na ng laman kahit punong puno ng hinanaing ang bawat letra, bawat salita- nagsasabing susuko pero patuloy namang lumalaban sa araw araw. Hindi ba nakakatawa rin? Napapagod kang mapagod, napapagod kang magsabi na pagod kana hanggang sa umabot sa puntong wala ka ng pakialam, wala ka ng pakiramdam, wala ka ng dahilan para damdamin ang bawat kaganapan.
Nakakalungkot maging malungkot sa mahabang panahon na kahit anong hanap sa sanhi at solusyon, lumalalim at bumibigat lamang ang sama ng loob. Hindi ko rin maintindihan minsan, parang wala ng katuturan.
Napabuntong hininga na lamang ako at binalot lalo ang sarili gamit ang kumot.
"What are you thinking, babi?" Kasabay ng pag-pulupot ng kaniyang braso sa aking bewang ay ang mahigpit na yakap. Damang dama ko ang init ng katawan, damang dama ko ang kaligtasan sa kaniyang bisig.
"Wala naman masyado." Isinandal ko ang katawan ko sakaniya at ipinikit ang aking mga mata- ito ang dahilan kung bakit ako nagpapatuloy. Ito ang liwanag na may dalang pag-asa, ika nga. Kasiyahang kusang lumapit sa kasagsagan ng lumbay.
Year 2016, gumuho ang mundo ko. Kasabay ng pagkawala ng natatanging tinuturing kong pamilya ay ang paglaho ng kadahilanan kong mabuhay.
Si Lola, ang tanging nag-aruga sa akin at kumupkop ay binawi rin. Sabi nila mas okay na para 'di na siya mahirapan pa dahil sa sakit niya, pero naniniwala akong may kapabayaan ang mga doctor sa panahong iyon. Sino pa nga ba ang magseserbisyo ng tapat sa taong walang mailapag sa mesa sa pang-araw araw?
May komplikasyon daw sa puso ang lola, sabi ng doctor. Kailangan na raw ma-operahan upang maagapan at kailangan ng patuloy na paggagamot, pero bago maumpisahan iyon ay kailangan naming magbigay ng paunang bayad. Sa ilang taong pagtatrabaho sa firm bilang arkitekto, ang ipon ko ay di parin naging sapat sa kailangang bayarin sa hospital- doon ako napa-isip, hindi parin sapat ang lahat ng bunga ng pagod ko para buhayin ang pinakamamahal ko?
Siguro nga. Kaya nga dumating ang December 11, 2016.
"Sir! Parang awa niyo na ho, kailangan ho ako ng lola ko."Nakaluhod ako at patuloy na umiiyak habang naka-akap sa tuhod ng boss ko.
Tinawagan ako ng doctor, hindi na raw aabot ng pag-sikat ng araw ang lola ko.
"Kailangan ka rin namin rito, Arevallo. Bukas na ang meeting sa kliyente natin sa building project na inaasikaso natin ng ilang buwan, tapos ngayon ka pa mawawala?" Pilit nitong inaalis ang mga kamay ko ngunit 'di ako pumayag, buhay ito ng lola ko. Walang proyekto ang papantay sa halaga ng buhay ng lola ko.
"Sir! Kahit ngayong gabi lang sir! Ang lola ko ho.. parang awa niyo na. Kailangan ko makita ang lola ko!" Bumagsak ako sa sahig ng itulak ako ng malakas ng amo ko.
"Ito ang unang kliyente na magbibigay pangalan sa kumpanya natin! Ikaw ang arkitekto ng proyekto na ito, kailangan ka namin dito higit sa lola mo!" Bulyaw nito at tuluyang pumasok sa kaniyang opisina, susunod sana ako sa loob ngunit nakasarado na ito.
Ang gamit ko.. nasa loob ng opisina ang bag ko. Nandoon ang susi ng sasakyan, ang cellphone ko, ang wallet ko.. ID ko.. papeles ni lola sa hospital.. lahat.
"M-mas kailangan ako ng lola ko.." Nanatili ako sa sahig, 'di namamalayang patuloy ang pag-agos ng luha sa aking pisngi. Ang alam ko lang ay kailangan ako ng lola ko, kailangan ko siyang makita. Kailangan ko siyang makausap, kailangan ko siya..
"S-sir, parang awa niyo na.."
Kailangan kong magpasalamat sa lola ko para sa araw na kinuha niya ako sa puder ng magulang ko, sa pag-aaruga.. sa bawat almusal, tanghalian at hapunan na inihahanda niya. Sa mga maiinit na tubig na inihahanda niya para sa pagligo ko, sa pagkamot niya sa likod ko tuwing 'di ako makatulog, sa mga pagkaing ibinibigay niya saakin dahil kesyo ayaw raw niya noon kahit na sa totoo ay gutom rin siya ngunit iyon na lamang ang pagkain namin..
Kailangan kong magpasalamat sa mga yakap niya na nag-aalis ng pagkaulila ko sa magulang, sa mga halik sa noo na nagpapanatag sa loob ko.. sa mga ngiti na nagsasabing mahal niya ako.
"L-lola.." 'Di ko alam ang una kong gagawin, dala ang bigat ng damdamin- naglakad ako paalis ng firm at nagmamadaling tinungo ang hospital ni lola. Dalawang oras na byahe ay nilalakad ko ngayon para lang masulyapan siya sa huling pagkakataon.
Wala na akong pake. Mapudpod man ang sapatos ko, bumigay man ang tuhod ko, pupuntahan ko ang lola ko.
Masakit, kumikirot dito sa aking dibdib. Hindi ako makahinga ng ayos, hindi ako makapag-isip. Tila may bara sa lalamunan at tinik sa dibdib, tangina kailangan ko siyang makita..
Nilakad ko ang dalawang oras na byahe ko sa pang-araw araw at ng masilayan ko ang liwanag ng hospital, mas bumigat ang loob ko. Liwanag raw ay may dalang pag-asa ngunit bakit mas nawala ito ng masilayan ko..
"Mrs. I-Imelda Areval-lo, r-room 2.. 234.. mali, 2-235, miss.." Nanginginig ang boses ko, ang kamay ko, nawawalan ako ng lakas.. tila ba isa akong batang nawawala.
"Uhm.. ma'am.." Ang tono ng boses niya ay nagpakaba sa akin.
"Anong problema.. miss?" Lakas loob kong itinanong ang dahilan ng pagaalanganin ng kaniyang sagot.
"She's transferred to the east wing, ma'am. I'm sorry."
Tumigil ang mundo ko.
East wing.. alam ko iyon..
Sa east wing dinadala ang mga pasyenteng.... natalo sa laban.
"H-hindi. Si Mrs. A-Arevalo! Yung patient with heart problem! Yung nakasurvive sa operation last week. R-Room 235!! Wala siya sa east wing!" Nanginginig kamay kong inaabot ang listahan ng nurse. Hindi maaari. "W-wala siya sa east wing, h-hindi siya p-pwede sa east wing! Hindi!"
Tumakbo ako papunta sa room 235, hagdan man ang daan wala akong pakialam kailangan kong makita ang lola ko. Wala siya sa east wing! Naglalabo ang mga mata sa patuloy na pag-agos ng luha, napahinto ako sa tapat ng pinto.
"R-room 235.." Dahan dahan kong binuksan ang pinto at doon ko nakita.. doon ko nakita ang katapusan ng lahat- malinis na kama, walang katao-tao. "L-lola.."
Hindi ko siya naabutan.. hindi ko nasulyapan ang huli niyang ngiti.. hindi ko narinig ang huli niyang mga salita.. hindi ko siya napasalamatan sa huling pagkakataon.. h-hindi na maibabalik.
Hindi na siya babalik.
Isang yakap ang nag-alalay sa oras ng pagguho ng mundo ko ngunit wala akong maramdaman.
"You're the person she wanted to see during her last minute but she knew your situation so she told me to give you a hug and tell you this.." Humigpit ang kaniyang yakap at pagpikit ko ay imahe ni lola ang aking nakita.
"Sisikat muli ang araw, at ang pag-sikat nito ay may dalang pag-asa. Lumaban ka, my Gabby."
YOU ARE READING
As Deep As The Ocean
General FictionI closed my eyes and let the waves hit me one after the other because I know that's the only way I can feel you against my skin.