Simula

8 0 0
                                    

Simula

"I want this one, pero imbis na wheat yung nakapaligid sa crown pwede bang baby's breath?" the customer demanded.

Tumango ako ng marahan at tinignan ng mabuti ang gustong design ng customer. Kinuha ko ang booklet kung saan nakalagay ang mga iba't ibang design na pwede nilang pagpilian.

"All black lang Ma'am? No color?" I said calmly habang tinatigilid ang booklet at ini-imagine kung paano ko ito gagawin.

"Black lang, Miss." Tumango ulit ako

Kinuha ko na ang mga kagamitan upang matapos na ito kaagad. Halos bente katao din ang customer ko ngayon. Hindi ko na nga maramdaman ang aking kamay sa sobrang pagmamanhid. O jusko, sana matapos ko ito ng matiwasay.

Pinahiga ko na ang babae at inayos na ang mga kagamitan malapit sa upuan kung saan nakahiga ang babae. Tinaas ko ang manggas ang t-shirt ng babae. Pinunasan ko ang braso ng babae at pagkatapos ay sinimulan ko na ang paglalagay ng tinta.

"Hmmm," daing ng babae nang sinimulan ko na ang pagtitinta. Napapansin ko din na hindi siya mapakali marahil ay nasasaktan sa pagatatattoo ko.

"Ma'am, first time niyo po ba magpa-tattoo?" tanong ko para siya ay malibang at maibsan ng kaunti ang sakit na kanyang nararamdaman.

"Uhh, di ho. Katunayan ay may tatlong tattoo na ako. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit hindi ako masanay sanay." Napangisi ako sa kanyang sagot niya. Hindi na ako nagsalita dahil wala nanaman akong maisip na topic.

Lumipas na ang ilang oras at tinanggal ko na ang karayom sa kanyang balat. Nag-unat ako ng kamay dahil sa ngalay at pagod. Tumayo ang babae at agad na tinignan ang bago niyang tinta sa kanyang katawan. Napangiti naman siya, marahil ay nagagandahan saaking gawa.

"Salamat ma'am, sa labas nalang po kayo magbayad. Balik po kayo!" salita ko pagtapos niyang magpaalam at magpasalamat saakin. Tumayo ako saaking upuan at inayos ang materyales. Binalik sa mga dating lagayan at ang iba ay tinapon sa basurahan.

Lumabas ako sa aking kwarto at naabutan si Ate Menda na nagsasara na ng aming shop..

"Oh, mukhang pagod na pagod ka ata? De bale, yung huling mong customer nagdagdag ng bayad natuwa daw sayo dahil ang bilis at ang galing mo daw gumawa."

Napangisi naman ako at hindi na sumagot. Dumiretso ako sa katapat ng pinto ng aking room at pumasok doon. Nadatnan ko si Kuya Angelo na nagaayos ng kanyang gamit sa pagbubutas. Sinarado ko ang pinto saaking likod at lumikha ito ng kaunting ingay. Napatigil si Kuya Angelo sa kanyang ginagawa at tumingin saakin ng may pagtataka sa mukha.

"Bakit ka nandito? May kailangan ka?" gulat na tanong ni Kuya Angelo dahil alam niyang hindi ako madalas na pumupunta dito.

"Magpapatinta lang, Kuya." sagot ko at dumiretso na sa kanyang upuan kahit na hindi pa siya sumasang ayon.

"Bakit 'di mo gawin sa sarili mo yan? Marunong ka naman?" iling niyang sagot at bumalik sa kanyang ginagawa.

"Do you think I can do it? Eh sa likod ako papalagay? Alam ko namang kaya mo pa magtattoo. Duh, limang buwan palang ako dito. Impossible na hindi ka na marunong.." sagot ko sakanya with matching irap at sarkasamo sa aking boses.

"Oo na, makulit ka talagang bata ka! Kung hindi ka lang mahal ni Menda, hay naku!" sagot ni Kuya Angelo at pagkatapos ay kinuha na ang gamit sa pagtitinta. Napatawa ako kaya't lumingon siya saakin na may busangot sa mukha.

Nagpapasalamat talaga ako at may mga taong katulad nila na hindi ako pinapabayaan. Katulad nila na minahal ako ng sobra kahit na sobrang ikli palang ng panahon ko sila nakakasama. Akala ko'y hindi na ako makakatagpo ng mga taong magmamahal saakin ngunit mali ako. Dahil nandito sila, sa harap ko..

Kung kaya't gagawin ko ang lahat huwag lang silang mawala saakin. Gagawin ko ang lahat ng gusto nila. Gagawin ko ang lahat ng gusto nila upang hindi nila ako iwan. Gagawin ko ang lahat ng gusto nila upang mas lalo pa nila akong mahalin dahil alam ko ang pakiramdam ng hindi minamahal. Alam na alam ko..

Bumalik si Kuya Angelo sa tapat ko at nilapag ang booklet sa aking harap. Inilingan ko yon at inilayo saakin dahil 'di ko na kailangan pumili dahil may naiisip na akong tattoo para saakin. Tumayo ako at lumapit sa kanyang desk kung saan isusulat ko ang gusto kong ilalagay saakin. Nararamdaman ko ang titig ni Kuya Angelo saaking likod ngunit hindi ko yon pinapansin. Nagpatuloy ako sa pagsusulat.

Natapos ko na ang aking isinusulat at bumalik sa upuan kung saan ako titintahan. Umupo na sa harap ko si Kuya Angelo at nagtaas ng kilay marahil tinatanong kung saan ako titintahan at ano ang ititinta.

"Gusto ko dito sa wrist, Kuya.." tumango siya at binuka ang kanyang palad, kinukuha ang papel kung saan nakalagay ang ititinta saakin.

Ibinigay ko yoon sakanya at sandali niyang pinagmasdan. Nakakunot ang noo niya siguro'y iniintindi ang nakasulat doon. Hinihintay ko ang kanyang reaction, pero bakit ko nga ba hinihintay? It doesn't matter anyway. Pagkaraan ng ilang minuto ay tumingin siya saakin. Kaya naman sinalubong ko ang kanyang abelyanang mata.

"even angels fall? Yan ang gusto mo?" kunot na noo na tanong ni Kuya Angelo. Tumango ako at nakita ko ang pagkairita sa kanyang mukha.

"Bakit kuya?.." napabuntong siya pagkatapos ko magtanong. What the hell? Anong meron?

"You're still a mystery to us, Rin. Tell me, sino ka ba talaga? Saan ka galing?" tumigil siya saglit at huminga ng malalim. "Bakit sa dinami dami ng lugar kung saan ka pwedeng mapadpad, ba't saamin pa?"

Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil alam ko sa sarili ko, hindi ko din alam ang isasagot ko sa kanya. Sa kanila. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 27, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

To Love is To LieWhere stories live. Discover now