" SIGURADO kaba sa gagawin mo? " Tanong ni Maria sa kaniyang Pinsan na si Stefanie. Lumingon si Stephanie para tingnan ang kaniyang pinsan.
" Matagal ko na'tong naisipan, Buo na ang desisyon ko. " Sagot niya sa kaniyang kapatid at pinagtuloy ang page-empake. Matagal nang naninirahan si Stephanie sa bahay ng kaniyang Pinsan at patagal na ng patagal ay nararamdaman niya na nagiging pabigat na siya kaya naisipan niyang umalis sa bahay para maghanap ng matitirahan at tsaka ng trabaho. Nahihiya na siya dahil lahat ng bayad ay sagot ng kaniyang pinsan, Pero ipinapangako niya sa kaniyang sarili na kapag nakapag-ipon na siya ng pera ay bibisitahin niya sina Maria. " Tsaka, Ayaw ko rin na magiging pabigat sainyo. Nakakahiya na kasi Insan e. "
" Anukaba, Mag-insan tayo kaya normal lang na magtutulungan sa isa't isa. Pero kung gusto mo talaga, Susuportahan kita. Bisita ka dito ah? Jujumbungin kita kapag hindi. " Nagkatiningnan ang dalawa at tumawa.
" Pangako babalik ako, Kapag may pera na, Lilibrehan talaga kita ng bongga. " - Stephanie
" Ay hihintayin ko ang comeback mo ditey. " Nang matapos na sa page-empake si Steph ay umalis na siya, Nakipag beso-beso muna sa kaniyang pinsan na tinuturing niyang kapatid.
" Ingat ka Insan, Tawag ka paminsan minsan. Kung mangaway sayo tawag ha? Para pukpukin natin at titino. " - Maria
" Haha, Oo na Insan. Salamat, Alis na ako mamimiss kita. " - Stephanie
" Maimiss din kita! " - Maria
Pagkatapos niyang maalalam ay sumakay na ito sa Jeep, Papunta siya sa Laguna't doon magtratrabaho. Iniisip ni Stephanie kung ano ang mundo na sasalubong sakaniya sa Laguna, Marami kayang tao na mabubuti? Marami kayang nakakaibigan na tutulong sa pag-angat sa'kin? Magiging proud ba ang boss ko? Maraming tanong ang patuloy dumadaloy kay Stephanie.
Pagkatapos ng mahabang biyahe ay nakarating narin siya sa Laguna at nagsimulang hanapin ang ' Esterino ' na building kung saan siya magtratrabaho. Ilang tao narin ang kaniyang natanong at dahil sakanila ay narating niya ang Esterino. Medyo may kalumaan ito tingan pero maganda naman siya, Papasok na sana siya nang may isang lalaki kumuha sa bag niya.
" Hoy! Magnanakaw! " Sigaw ni Steph at sinundan ang kumuha sa kaniyang bag.
' Putcha naman oh, Wrong timing ka den. ' - Sabi niya sa kaniyang isipan.
" Tumigil ka! " Paulit ulit na sigaw niya ngunit hindi parin ito tumigil sa kakatakbo.
" Hoy!! Ah, Ayaw mo pala tumigil ah " Sabi niya at kumuha ng ano mang bagay na napulot niya habang tunatakbo at iyon ang.........isang mansanas?
Agad niyang itinapon ang mansanas sa kumuha ng bag niya at...sapul sa ulo! Napa aray naman ang lalaki, Sa sobrang lakas guro ng pagtapon. Naabutan ni Steph ang lalaking kumuha sa bag habang hingal na hingal, Kinuha niya ang kaniyang bag at tiningan ng masama ang magnanakaw.
" Lakas rin ng trip mo e no? " Aalis na sana si Steph ngunit hindi niya alam kung saan pupunta dahil pasikot sikot ang daan at wala siyang matandaan kung saan siya tumakbo! Bumalik siya para kausapin ang lalaki.
" Hoy, Ibalik mo nga ako kung saan mo ako ninakawan. " Tapang na sabi ni Steph, Wala na siyang oras para matakot dahil malelate na siya sa interview! Tumayo ang lalaki at ngumisi.
" No need. " - Sabi niya
" Hah? Balik mo nga ako sabi e, Gusto mo tatawag ako ng pulis? " Tumawa lamang ang lalaki at hinaplos ang kaniyang ulo kung saan natamaan ng mansanas.
" Hindi ko naisip na mansanas ang itatapon sa akin at....isang babae ang may gawa no'n, Alam mo bang masakit iyon? " Sabi niya
" Hindi ko rin naisip na may isang lalaki na kumuha sa bag ko at ngayon ay umaakto na parang walang nangyari, Alam mo bang dahil saiyo ay malelate ako sa interview? " Galit na sabi niya. " Kaya kung ayaw mong makulong, Ibalik mo ako doon. "
" Like I said no need. " - Magnanakaw
" Hah?! Bakit naman? " - Steph
" Kasi, Ito ang totoong Esterino. " Sabi niya at may biglang sumabog na...confetti at may iilang tao rin pumasok sa eksena at pumalakpak.
" A-ano ibig sabihin nito? " Naguguluhang sabi ni Steph. " Anong totoong Esterino e, Wala naman aong makitang building o kahit pintuan. "
" Esterino is not just an ordinary place , Dear. Naniniwala kaba sa Mahika? " Tanong ng lalaki.
" E-Oo. " Lumaki ang mata ni Stephanie sa kaniyang nakita, May isang portal biglang dumating.
Please tell me that this is not a dream
" Hindi ito isang panaginip o kung ano paman. " Sabi ng Lalaki
" Teka paano mo nabas-"
" Miss Stephani Arguz, Simula pagkabata mo ay mahilig kana sa mga mahika at halos lahat bg mga libro ng mga mahika at kinokolekta mo. Ilang taon namin hinintay ang iyong pagdating. Nga pala tawagin mo ako sa palayaw na......Dark. " Sabi ni Dark. " Alam kong maraming mga tanong sa iyong isip pero sasagutin ko iyan pagnasa kabilang mundo na tayo. " Sabi niya at inilagay ang kaniyang kamay sa noo ni Steph. May sinabi si Dark habang hinahawakan ang noo ni Steph. Parang may ilang flashback ang kaniyang nakita.
Ikaw ang pag-asa namin.
.
Sana hindi mo makaklimutan ang iyong misyon.
.
Nasa kamay mo ang kapalaran namin.
.
Tandaan mo, Kahit anong hirap ang dadaanin mo ay nandito kami.
Nahingal si Steph sa kaniyang mga nakita't narinig. Anong ibig sabihin noon? Ako ang may hawak sa kapalaran nila? Ako ang pag-asa? Gulong gulo na ang isip ni Steph.
Hindi niya napansin ang ang sarili niya mismo ang naglakad papunta sa portal na hindi niya alam kung saan ito dadalhin, Takot at kaba ang nararamdaman niya. Hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili, At hindi niya alam kung bakit parang sabik na sabik siya.
Nang malapit na siya sa portal ay napahinto ito, Tumutulo ang kaniyang luha. hindi niya alam kung bakit, Naguguluhan niya sa kaniyang sarili, Pinahid niya ang kanyang luha at Pumikit at lakas loob pumasok sa tinatawag na Portal. Pagbukas niya ay para siyang lumulipad at namangha sa kaniyang mga nakikita.
Ang ganda! Iyan lamang ang masasabi ni Steph. Bigla siyang natigil nang nakita niya ang lalaki na nagnakaw sa kaniyang bago. Tinginan ni Dark si Steph at ngumiti.
Welcome to Esterino, Stephanie.
BINABASA MO ANG
FIORETAIL ACADEMY [ On-Going ]
Fantasy3[26] - 1[26] - 86[79] - 7[8] - 8[4] 6[64] - 3[56] - 6[28] - 31[89] 31[89] - 16[197] 31[89] - 20[18] - 9[90] - 8[4]