Simula

4 1 0
                                    

Miracle

Isang salita pero kayang baguhin ang buhay mo. It can be good or bad. If it is good, then you're lucky.

"Isang beses lang tayo mabubuhay sa mundo pero parang masyadong mabilis. Yung tipong karga ka lang ng mahal mong ina at nilalaro ka ng iyong gwapong ama pero kinabukasan, Magisa ka nalang na inaalala ang kahapon na nagdaan sa buhay mo. Maswerte ka kung nakatagpo ka ng tunay na magmamahal sayo at aalagaan mo pero malas mo kung niloko, pinaasa at iniwan ka lang. Pero na sayo yun kung hahayaan mong ang iyong buhay ay maging mapait. Maswerte ka kung may kasama kang tumanda at sabay niyong aalahanin ang matamis nyong nakaraan" Matamis na ngumiti si lolo sa amin.

Napatingin naman ako sa lalaking katabi ko. Hindi ko na masabing bata sya dahil 15 na sya samantalang ako ay 10 palang. Binata na siya.

"Pwede ka panaman maging masaya kung tingin mo ay pinagkaitan ka ng mundo maging maligaya. Naniniwala ba kayo sa himala?"
Napabalik ang tingin ko kay lolo. Nakangiti si lolo pero kung tititigan mo ang mga mata nya, parang puno ito ng kalungkutan at pagsisisi.

Puno ng kulubot ang kanyang mukha at katawan dala ng katandaan. Pero satingin ko ay gwapo si lolo noong mga kabataan nya dahil sa ganda ng hugis ng kanyang mukha at tangos ng ilong. Makapal din ang pilikmata at kilay nya kahit puti na.

"Pero walang mangyayari kung aasa lang kayo sa himala. Kung gusto nyong lumigaya, ipaglaban nyo ang mahal nyo. Ipaglaban nyo kung ano o sino ang magpapaligaya sa inyo" This time, mapait ng ngumiti si lolo.

"Ibig sabihin, ayos lang na ipaglaban ko ang mahal ko lolo?" Tanong ni Marico. Isa sya sa mga kalaro ko. 12 years old na sya. Maganda, maputi at matangos ang ilong nya. Hindi tulad ko at ng ibang kalaro namin na madali lang makita sa tabi ang itsura. Ang alam ko kase british ang papa nya pero iniwan sila kase may pamilya na ito sa ibang bansa. Pero ayos lang sakanya dahil di naman sya nagkulang sa atensyon ng mama nya at ibang tao. Paborito sya ng mga tao sa lugar namin dahil sa kagandahan nya.Nakakainggit.

"Ayos lang pala lolo na ipaglaban ko ang pagiibigan namin ni Conrado?" May ngiting sabi ni Marico. Napatingin ako sa lalaking matagal ng hinahangaan ng bata kong puso. Conrado Deogracia.

Bigla syang napatingin kay Marico dahil sa nasabi nito. Nagkatinginan silang dalawa at dahil dun, napuno ng kantyaw ang lugar namin. Namumula si Marico pero si Conrado ay nakatitig lang sakanya. Napahalakhak si lolo sa tinuran ni Marico.

"Hanggang wala kang natatapakang tao at tama ang ginagawa mo, walang mali na ipaglaban ang mahal mo. Pero bata pa kayo, magsaya muna kayo. Maglaro." Ngiting sagot ni lolo kay Marico.

"Nakakasawa ng maglaro lolo eh." Nakasimangot si Marico sa naging sagot ni lolo Romeo.

Naghalakhakan naman sina lolo at Conrado. Lalo akong napatitig sa kanya. Ang gwapo nya lang humalakhak. Meron na syang adams apple yung tawag ng mga matatanda. Matangkad na sya kahit 15 palang. Itim na itim ang buhok nya na medyo magulo pero bagay sa kanya. Medyo may kalaliman ang mata at sobrang tangos ng ilong nya. Moreno siya pero may mga panahon na ang puti nya. Siguro sa kakapangisda nya kaya sya nagiging moreno pero maputi talaga sya. Pero kahit anong kulay nya, di nababawasan ang kagwapuhan nya.

Napatingin ako sa paligid. Hindi lang ako ang nagpapantasya sa kanya. Halos lahat ng babaeng kalaro ko ay tulala lang sakanya. Kahit nga yung mga mas nakakatanda sa kanya ng kaunti ay nahuhumaling din sa kanya. Para syang may ibang lahi pero imposible naman dahil parehong pilipino ang mga magulang nya.

Hanggang tingin nalang ako. Sino ba ako para mapansin nya? Isa lang naman akong uhugin na bata. Marungis.

Hindi naman mayaman ang pamilya nila Conrado. Sa katunayan, mangingisda lang din naman ang ama nya at sa bahay lamang ang ina nya pero kung ganyang ka banaman kagwapo, pipili ka ba ng pangit na katulad ko? Syempre hindi. Mas bibigyan nya ng pansin o sa mas masakit na salita, mas pipiliin nya ang mga kagaya ni Marico.

Napabuntong hinga ako.

"Bwahahahahahahahaha" nagising lang ako sa pagpapantasya ko ng biglang magtawanan ang mga kalaro ko.

Isa isa ko silang tinignan at halos silang lahat ay tumatawa habang tinuturo ako. Dahan dahan kong tinuro ang sarili ko para makasigurong ako nga ang pinagtatawanan nila.

"A-ako ba p--pi-pinagtatawanan nyo?" Hondi ako makapagsalita ng maayos dahil nakatingin sa akin si Conrado habang nakataas ang kaliwang kilay nya sa akin.

Hindi ko ata napansin na tumingin sya sa gawi ko.Napatungo ako dahil sa nakakatunaw nyang tingin. Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa pagkapahiya. Satingin ko nahuli nila akong pinagpapantasyahan si Conrado.

"Kanina pa tumutulo yang uhog mo habang nakatingin kay Conrado. Ayiiee may gusto ka kay Conrado noh?" Sigaw ng isa sa mga kalaro ko.Napasulyap naman ako kay Conrado pero imbis na mukha ni Conrado ang makita ko, mukha ni Marico ang napansin ko. Nakataas ang kilay nya sa akin at tinignan ako mula paa hanggang ulo sabay ngiwi.

"Kung may carrot man at sampaguita girl, meron din tayong uhug girl. Bwahahahaha" nagtawanan silang lahat sa naging salita ni Sergio. Kaibigan ni Conrado. Gwapo rin pero moreno. Pero hindi tulad ni Conrado, babaero itong si Sergio. Alam kong matino si Conrado ko.

Hindi parin tapos ang tawanan nila. Sinulyapan kong muli si Conrado pero nang magtama ang paningin naming dalawa ay napailing lang ito sa akin at ngumisi.

Hindi ko maiwasang mamangha sa mukha nya lalo na sa mapangakit nyang mga mata.

Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. Bakit ganito? Parang may nagkakarera sa loob ko? Sobrang bilis na tipong ito nalang ang naririnig ko.

Baka natatae lang ako.

Wala sa sarili akong tumayo at tumakbo pauwi sa bahay namin. Pero bago yun, narinig ko ang sigaw ni Sergio.

"Haha dalaga na si Xandra. Punasan mo muna yang uhog mo bago mo lapitan si Conrad. Hahaha susumbong kita kay Mang Rehido. Yari ka sa papa mo hahaha" walang tigil sila sa pagtawa. Napatakip ako ng mukha. Nakakahiya. Paano nalang ako haharap kay Conrad nito?

Captured By His EyesWhere stories live. Discover now