Kabanata 1

2 1 0
                                    

Snob

Ala singco palang ng madaling araw ng magising ako. Wala naman ako ngayong pasok sadyang sinanay lang talaga kami ng mga magulang namin na gumising nang maaga para maghanda sa panibagong araw. Hindi naman kase kami mayaman at bilang lang ang mayaman dito sa Isla Pañan.

Dahan dahan akong bumangon sa papag namin dahil tulog pa sila mama at papa at baka magising din ang nakababata kong kapatid na lalaki. Nagwawala pa naman yan kapag nagigising sa ingay.

Tinignan ko ang paligid. Isang maliit na kubo lang ito pero sakto na para sa aming apat. May banyo na maliit. Ang sala namin ay kwarto namin sa gabi. Dibale sinasapinan lang namin ang sahig ng mahaba haba at lumang kumot para magkaroon kami ng higaan. Masakit sa likod pero sanay naman na kami.

Nasa bandang bintana si mama at nakayakap mula sa likod nito si papa at nakayakap din mula sa likod ni papa si Corentin. Ang kapatid kong lalaki.

Paglaki ko, bibili ako ng mas maayos na bahay na may mas maayos na higaan. Tigiisa na kami ng kwarto at dadagdagan ko ang mga gamit namin dito.

Nagtungo na ako sa kusina at naglinis ng mga dapat linisin. Hindi pa naman kase ako masyado marunong magluto.

Pagkatapos kong magpunas punas sa lababo ay kinuha ko ang dalawang pirasong kaldero at kawali namin. Kinikiskis ko ito ng may maalala ako kahapon.

Napakagat ako sa labi ko. Pakiramdam ko biglang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko. Nakakahiya yung nagawa ko kahapon. Paano nalang ako haharap nito kay Conrado.

Nagulat ako ng may tumikhim. Sakto lang para marinig ko. Hindi ko napansin na nakatingin na pala si mama sa akin. Agad akong napaiwas ng tingin sa klase ng tingin na binibigay ni mama sa akin.

"Oh, mama gising ka na pala. Nilinis ko na po yung mga paglulutuan mo." Mahinhin kong sabi.

"Oo nga eh. Kanina pa ako nakatingin sayo. Nagmamaroon yung mukha mo" tugon ni mama sabay mahinang halakhak.

Lalo akong nakaramdam ng init sa mukha ko dahil sa sinabi ni mama.

"Mama naman eh!" Sumimangot ako. Nagmamaroon talaga? Diba dapat namumula yun?

Nakatuon na ang atensyon ni mama sa niluluto nya pero nagulat ako ng bigla syang humarap sa akin ng may seryosong mukha.

"Inlove ka ba?" Tanong ni mama sa akin. Mapanuri ang mga mata niya kaya mas lalo akong kinabahan.

"Mama ano yun?" Inosente kong tanong. Kunware di ko alam ang sinasabi nya pero sino bang niloloko ko? Alam kong inlove na ako. Walang nagturo sa akin. Ako lang mismo nakatuklas sa sarili ko.

Napailing si mama sa akin.

Bigla akong nakaramdam ng konsensya. Hindi dapat ako nagsisinungaling kay mama.

"O--opo" pagamin ko. Alam kong alam na din naman niya kase.

"Sino?"

Tinitigan ko lang siya. Di ko kayang sagutin kase alam ko na ang sasabihin nya. Bata pa ako at magaral nalang. Crush lang ito at mawawala rin. Kalimutan ko nalang si Conrad dahil ang mga katulad nyang gwapo ay iba ang hanap at sasaktan ka lang.

Bumuntong hininga si mama at muling hinarap ang mga niluluto nya.

"Hindi ko na tatanungin kung sino. Magaral ka muna at wag mo munang atupagin ang mga ganyang bagay." Bigla ulit humarap si mama sa akin. Malungkot ang mga magagandang mata nya.

"Wag mo sanang kalimutan kung ano ang kalagayan natin ngayon. Nagkamali na ako at hindi ko hahayaang maulit ang nangyari sa akin sayo" dagdag niya. yun lang at binalingan niya ulit ang niluluto niya.

Captured By His EyesWhere stories live. Discover now