Happy 3

18 0 0
                                    

-Jessica POV-

"ah, okay ganun na rin sakin :)" sabi ni Yoona

Pagkatapos niyang bumili naupo na kami sa isa sa mga free seats dito sa canteen

"Jessica, para sayo cute ba si Umin?" sabi ni Yoona

"bakit mo naman natanong ? " sabi ko

"wala lang, natanong ko lang so ano? cute ba siya?"

"uhmm..oo"

"Perfect!:D"

"huh?"

"wala wala, kain ka na"

"ok..?"

Pagkatapos naming kumain dumiretso kami sa may gym.

@GYM

At sakto namang nakita namin sina Umin at Hae ulet. Naglalaro ng basketball, andami naman nilang nilalaro parang halos lahat ng sport alam na nila eh.

-Umin POV-

"dito!" sigaw ko sabay pasa sakin ni Hae

*whoosh*

Yes! naka 3 points ako!

"galing mo talaga Umin!" sabi ni James

"salamat!" sabi ko naman

at nung papunta na ako dun sa upuan nakita ko si Jessica at Yoona.

Nakita kong kumakaway si Yoona at kumaway naman ako pabalik, nakita kong lumapit agad si Hae kay Yoona at syempre pinuntahan ko si Jessica, hahayaan ko ba naman siya mag-isa :)

-Jessica POV-

wow, ang galing naman ni Umin, pagkatapos nun nakita ko siyang papunta dun sa may upuan

Nakita niya naman kami ni Yoona kumaway si Yoona sa kanya at kumaway siya pabalik nakita kong pumunta kaagad si Hae kay Yoona pagkakita niya sa kanya siguro may gusto si Hae sa kanya

At lumapit naman sakin si Umin

"Hi, Jessica!" sabi ni Umin

"Hello! ^__^" sabi ko naman

"Sige, maiwan muna namin kayo ha?" sabi ni Yoona

"Oo nga, para meron kayong private time ha? bye! :)" sabi naman ni Hae

At parang nakita ko namang namula ang pisngi ni Umin haha, ang cute niya eh

"oy, bat anlaki ng ngiti mo diyan?" sabi ni Umin

"haha, ang cute mo kasi pag namumula yung pisngi mo haha"

-Hae POV-

(A/N : shortcut po yan sa Donghae ..)

Ano na kayang nangyari dun sa dalawang yun ?

"oy, bat ganyan hitsura mo ? " sabi ni Yoona

"iniisip ko kasi kung ano ng nangyari dun sa dalawang yon"

"oo nga eh tara silipin natin"

At sinilip nga namin yung dalawa at aba ambilis nilang maging close ah , natawa kasi si Jessica at parang nahihiya naman si Umin

Happy StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon