- AMETHYST -
"Tulog na ba si Shanne?" Tanong ko kay Kisha kasi hindi kami makakapag-kwentuhan magkakaibigan kung eepal siya. "Si baby Gabbi pinatulog ko na."
"Tulog na." Sagot ni Kisha. Nasa Canada kami ngayon at nags-snow. Buti na lang may mansion dito sila Zild. May pags-stayan kami. Ang yaman nila Zild and Falcon noh?
Pumunta kami ni Kisha sa may bonfire kasi nandoon silang lahat tas nagkakape.
"Guys naaalala niyo nung 1st year high school tayo? Yung nanguha ng mansanas?" Tanong ni Badj at tumawa kaming lahat at sabay-sabay tumingin kay Blaster.
"H-hoy! Anong tinitingin-tingin niyo diyan?" Tanong niya.
Nag-salita naman si Falcon. "Paano kasi yung isa diyan, first day na first day nakalimutan ang baon, pinag-tripan mansanas ko bwisit!"
"Sorry naman! Noon pa yun eh," Sabi ni Blaster. Marami kaming pinagsamahang pito. Maging sa kabutihan man o kalokohan.
"Eh nung 2nd year? Sinong nahuli na nagpapasahan ng eraser kasi nandoon yung mga clue words sa quiz at di sila nag-review?" Tanong ni Zild at nanlaki ang mga mata ko.
"Kami ni Badjao!" Sagot ko at tumawa kaming lahat. "Buti nga suspended lang kami hindi kick out."
"Eh yung matapang na nag-toothbrush sa CR ng boys kasi maraming tao sa CR ng girls tas sa boys, bakante?" Tanong ni Kisha at tumingin kaming lahat kay Falcon na napa-tigil sa pag-inom ng kape.
"Uhm ako pala yun." Sabi ni Falcon. "Eh yung napatayo from 1-5 hours dahil sa kaingayan?"
"ZILD!!!!!!!!!!!!!"
Ang saya ng friendship namin. Sana ganito pa rin kami kahit na may mabubuhos na tsaa.
BINABASA MO ANG
The Wedding Tour || IV OF SPADES
Fanfic- 7 best friends since high school decided to make a wedding tour, meaning travelling around the world and on their last stop, a wedding awaits for 1 girl and 1 boy. Its a surprise wedding! All Rights Reserved. ©️outofherprison.2018