Dating Tayo

1 0 0
                                    

At nang ika'y muling nagbalik
Tahimik kong puso ay muling nanaginip
D inaasahang sa iyong pagpaparamdam
Unti-unting nabubuksan ,pintong pilit
kong ginawa panglaban

Kung sa ating pag-iibigan noon ay di mawari ng bawat isa
Paano nga ba nagsimula at paano nasira?
Biglaang pag-iibigan na nabuo sa asaran at tulakan ng mga kaibigan
Ay biglaan ring naglaho ni parang bula

Mahal ko, pasensya kana ,pasensya na ha?
Kung ang puso nating dalwa'y unti-unting nating pinaglapit at pinag-isa
Ay siya ring pagpigil ng tadhana at ipinaglalayo tayo para sa na rin sa ikabubuti nating dalawa
Inilalahad lamang nito na ang pagmamahalan nati'y hindi na pwedeng ibalik pa sa dati..
Sapagkat tama na rin na minsay pinadama nito sa atin ang pighati .
Pinatawa,pinaiyak ,kinilig at pinag-isa puso nating nabiyak lamang sa  huli

Paalam na siguro mahal ko
Lagi mo lamang tatandaan na
Mga alaala natin ay pakaiingatan ko
Sa huli ay di man naging tayo
Naranasan ko naman ibigin ang isang tulad mo.

-abnobody

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 28, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THOUGHTSWhere stories live. Discover now