Pearl 's POV
Pagka-uwi ko sa bahay, dumiretso na agad ako sa kwarto ko at baka makita pa ako ni Ms. Perfect. Tch! Umupo ako sa kama ko at tiningnan ko ang mga test papers ko. Tsk, may ilalaga na naman pala akong 2 itlog mamaya. Paano ba naman eh, out of 5 subjects eh 2 ang zero ko! 1 to 60 kase ung items nung dalawang exam ko na iyon. Aba, wag niyo naman akong sisihin, Math kase ung isa doon at History naman ung isa. Aba eh sa ang hirap nung Math at nakakabagot ung History eh! Well, dun naman sa remaining three subjects ay pasa ako. Dun sa Science is 43 over 60 ako, dun naman sa Computer ay 45 over 60 ako, at dun naman sa Values ay 60 over 60 ako at sa madaling salita ay, PERFECT ako! OoohhhEeemmmGggeee!! Well, iba na talaga pag common sense na, Hahaha!
"Congratulations, Pearl, perfect ka sa Values!" sabi nung boses sa likod ko
Tch! Dapat talaga linock ko ung pinto eh!
"Whatever, Diamond! Lumabas ka na nga dito sa kwarto ko!" sigaw ko kay Ms. Perfect
"Ahh, Pero Pearl, ano-" I cut her off
"Ano?! Sabi ko labas diba!" tinulak ko siya at ang lampa na tumba at ito pa, binasag pa ung vase ko!
*criickkk* (tunog nung nabasag na vase*
Tiningnan ko si Lampa at ang epal may gasgas. Tch, as if tutulungan ko siya!
"What the heck is happeni- Diamond!" sigaw nung nanay ni lampa pagkapasok sa kwarto ko at pagkakita sa kanyang pinakamamahal na anak, Geez!
"What did you do to your sister, Pearl!?" sigaw nung nanay ni lampa
"Unang una, hindi ko siya sister! Wala akong kapatid na kasing lampa niya! Pangalawa, kaya siya may sugat ay hindi, gasgas nga lang yan eh. Kasi rin kasalanan niya. Pinapalabas ko siya dito sa kwarto ko, eh ayaw lumabas kaya tinulak ko! Eh aba, hindi ko na yun kasalanan kung lampa siya!" sigaw ko sa nanay ni Lampa
"Lower your voice Pearl! Baka nakakalimutam mo, Mama mo parin ako!" sigaw nung Nanay ni Lampa, na oo nga Nanay ko! Tch!
"Yeah, Fine, Whatever, Mom, could you just get out of my room! Isama mo na rin yang pinakamamahal mo na anak, na bago ko makalimutan, isang LAMPA!" sigaw ko sa Nanay ni Lampa sabay smirk.
"You! Kelan ka pa natuto sumag-"
"Mom!" sigaw ni Lampa
"Uhmm, Yes, Honey?" sweet na sagot ni Nanay ni Lampa kay Lampa
Tch! Sanay na ako sa ganyan! Pag sa akin pasigaw pag kay Lampa naman ang sweet!
"Mom, labas na tayo please!" sabi ni Lampa
"Okay, Honey" sabi naman ni Nanay ni Lampa sabay inalalayan niya si Lampa palabas. Inuulit ko, INALALAYAN niya si Lampa! At maka-alalay naman siya parang may bale sa binti si Lampa! Eh wala nga ung sugat eh, gasgas lang! As in gasgas lang!
Wow ha, as in WOW! Iba na talaga pag may favoritism!
Haay.... Bata pa lang ako ganito na lagi ang eksena. Ako ung mali siya ung tama. Ako ung bobo siya ung matalino. Ako ung nang-aaway siya ung naaalbiyado. Haayy..... Sabi sa Science lesson namin, umiikot daw ung mundo. Pero bakit para sa akin, lagi na lang itong nakatigil, at ang masama, nakatagilid pa!
BINABASA MO ANG
Blood is thicker than water, but LOVE is thicker of them all
Lãng mạnMagkapatid.... Magka-agaw.... Magkahati.... Paano sa larong 'PAG-IBIG' kaya kayang magparaya ng isa sa kanila....