▪️▪️♠️▪️▪️
Sa bahay.
Nasa-kuwarto ko ang dalawa kong kaibigan, dinalaw nila ako dahil nag-kasakit ako.
Evan: Talagang habulin ng mga Babae ang kuya mo anoh? Nakakamangha kasi ang kuya mo. Matalino, Sporty at may networking sya diba kaya siguro magaling syang makipag-usap sa mga babae, kahit estudyante lang sya halatang mapera sya dahil mamahalin ang mga gamit nya. May Motor sya, mamahaling Cp, Loptap at camera pa...ikaw?
Seryoso ko silang tinignan.
Ako: ako?
Jordan: Ikaw kasi P're. Hindi ka nalabas ng bahay sayang ang kaguwapuhan mo, ayaw mo nang magulo, ayaw mong pinapakialaman ka at hindi ka mahilig sa mga gadget.. Boring ka P're at take note, mukha kang walang pera.
Pinag-tawanan nila akong dalawa.
Ako: Huwag nyo akong inaano. Kung ayaw nyong ilabas ko ang lahat ng stolen picture nyo.
Madali naman silang kausap.
▪️ ▪️ ♠️ ▪️ ▪️