▪️ ▪️ ♠️ ▪️ ▪️
Lilipat kami ng bahay ng aking pamilya kaya lilipat din kami ng paaralan. Nasaloob na kami ng sasakyan para umalis na nang mapansin ni Mama ang dalawa kong kaibigan sa labas ng sasakyan.
Mama: Hindi kaba mag-papaalam sa kanila?
Tinignan ko ang dalawa kong kaibigan sa labas at sininyasan ko silang lumapit.
Jordan: P're ingat ka.
Ako: Sila ang magingat sa'kin.
Evan: Tawag ka pag may time.
Ako: Mahal mag pa load.
Evan: Kahit sulat na lang.
Ako: Sayang ang Papel.
Jordan: Mamimis ka namin.
Ako: kilabutan ka nga.
Evan: Mamimiss ka ng nga clasmate natin.
Ako: Mga plastic sila.
Pinag-tapat namin ang mga kamao namin sa isa't isa tanda ng pag papaalam. Tapos pinasarado ko ang bintana ng sasakyan. Umalis na ang mga kaibigan ko pero pinagtitinginan ako nila Papa.
My older brother: Ganoon ka magpaalam?
▪️ ▪️ ♠️ ▪️ ▪️