One (Anne's Side)

55 0 0
                                    

"Anneeeee!" tinignan ko yung tumawag sakin.

Pagkalingon ko, si Gail pala. Ang bestfriend ko.

Tumakbo ako papalapit sakanya at tumatakbo rin siya palapit sakin. Open Arms pa kami oh, diba? Ang sweet.

Ngayon lang ulit kami nagkita. After Two Months. Grabe. Kaiyak naman. Namiss ko talaga to eh.

"Grabe! Anne. Pumayat ka ata ah." kumalas na kami sa pagkakayakap at nagpalakad papunta sa room. 4th year na kami! Wooh!

"Ay, nako. Syempre wala na kaming makain. Natural lang yun." sabi ko. Pero joke lang yun. Nagpapayat talaga ako.

"Hahahaha! Baliw ka! Kamusta bakasyon?" tanong niya.

"Ay. Insulto lang? Alam mo na ngang nakulong lang ako sa bahay ng buong bakasyon eh." napasimangot ako.

"Eh, malay ko ba. Wala bang balita?" tanong ulit niya.

"Wala. Ikaw nalang magkuwento." sabi ko. Masaya bakasyon nito eh. Naglibot ba naman sa Visayas. Ang suwerte niya lang. Dumating kasi yung papa niya from China. Half Chinese kasi si Gail.

At nagkuwento naman siya. Grabe. Ang daming pinuntahan. Nag hiking sila, nagpuntang beach, kumain ng iba't ibang pagkain sa Visayas at iba pa. Nakaiinggit naman. Ako kasi, Tulog-Workout-Rest-Workout-Kain-Ligo-Internet. Yan lang. Saya no.

Nasa room na kami at umupo na rin sa may bandang gitna. I mean, sa pinaka gitna pala.

"May bago kaya tayong classmate?" tanong ni Gail.

"Ewan ko ba. Sana naman matino." sabi ko.

Bigla naman kaming napalingon ni Gail sa pumasok ng room.

Pssh. Kasasabi lang na sana matino diba? Ugh.

May dalawang babaeng pumasok ng room. Bakit ganyan ang mga suot nila? Hindi ba nila alam na Catholic School to? St. Pius X nga diba! Ugh. Bastusan.

"Hi guys!" sabi nung isang babaeng medyo maitim. Naka sleeveless siya at napaka open nung gilid ng damit niya. You know yung mga dancers? Tapos naka tube? Ganun! The fact na Hindi siya Dancer at nasa school siya. Tss.

"Hello! I'm hoping that we can be friends." yung isa naman sabay blink pa. Ugh. Mukhang rich kid.

Tumayo si Gail. Ganyan yan eh.

"Sigurado ba kayong St. Pius X ang school na dapat niyong pasukan?" Oh Yeah! Go! Gail!

"Oyeah, Missy. Why? Is there some problems? Or it's just a lil insecurity of yours?" at nag evil grin siya with taas kilay. Si Rich Kid.

"First of All, you- Uh, I mean, We are studying here. St. Pius X is a Catholic School. And why are you wearing that kind of rags?!" si Gail. Hahaha! Loko talaga yang Bestfriend ko. Siyempre, SBO (Student Body Organization) President siya eh.

"Rags? What the?!" sabi naman nung isa. Eto, halatang trying hard na masyado eh.

"Second, hindi nalang kayo nahiya sa mga suot niyo? O gusto niyong binabastos?" Naiinsulto yan for sure. Yung mukha kasi nung isa eh. Ugh.

"At third--" lumingon si Gail sakin. Hahaha! Nakalimutan na niya yung line niya.

Tumayo ako para ipagtanggol ang rights ng Bestfriend ko.

"Third, hinding hindi siya mai insecure sainyo dahil hamak na mas maputi ang hita at kili kili nya no!" Oyeah. Ako yun. Haha.

"How Dare Y-you?!" sasampalin sana ako ni Rich Kid ng biglang dumating si Lee Ian.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm a PRINCESS?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon