Chapter 8: ThaRha

53 1 0
                                    

Nathan Pov

"Kuya tignan mo oh! si IDOL Rhana ang ganda niya dito oh!" Pinakita ni Nathalie yung pic ni Tarzan sa Fb sa akin

Di talaga maipagkakaila na maganda talaga siya

"Friend mo siya?" tinignan niya ako ng may malisya

"Bakit kuya? ia-add mo si IDOL Rhana? tapos liligawan mo siya?" kung anu-ano iniisip nito!

"Hindi,Oa mo!"

"Oa daw?! baka makalipas ang ilang araw malaman ko na lang na kayo na! ikaw pa man din kuya di mo matiis ang mga babae!" ako?! hindi matiis ang mga babae?!

"Lumayas ka nga dito sa kwarto ko!" tinulak tulak ko siya

"Ano ba kuya?! Eto na!! Eto na!!" napatayo siya

"Wag ka ng papasok dito ha?! may kwarto ka hindi ka tumambay dun!" Humiga ako at nilagyan ng earphones yung tenga ko

"Ewan kuya! akala mo hindi ko alam na wala na mang tugtog yang  earphones mo!! palibhasa si Ate Rhana lang ang natatanging babaeng hindi ka napapansin!!" Lumabas na siya ng kwarto ko

[Now playing Diwata by Abra]

tumungo ako sa Fb ko pumunta ako sa Group ng Royalties High na isa ako sa mga Admin dahil may pinose yung mga fangirls namin

May nagpose dun na pic ni Rhana na kung hindi ako nagkakamali eto yung pinakita ni Nathalie sa akin kanina

Haidie Mallari: Idol Rhana on the pic ganda talaga! *_*

1,576 likes 548 comments 276 shares

tinignan ko yung mga comments

Shiela XD: Ganda! :))

Darren Galon: Wow!! nakakain-love

puro comment 'ang ganda' bumaba ako ng bumaba at nakita ko yung comment ni Tarzan

Rhana Carreon: Haha! salamat sa nagpose at tsaka sa mga nag-like, nagcomment at nag share thanks mwah! mwah! :*

After kong basahin yung pinundot ko yung profile niya kaya napunta ako sa wall niya kaya inadd ko siya agad.

Pinindot ko yung DP niya

3,954 likes 346 comments

Tinignan ko yung mga past DP niya at nagulat ako sa nakita ko Ako DiniPi niya dati!!

Tinignan ko yung mga comments

Kim San jose: Crush mo?

Rhana Carreon: Yup!!  ^_^

Kim San jose: Alam ba yan ni Lance?

Rhana Carreon: Break na kami.

Hanggang dun lang yung mga comments pero hindi pa rin ako makapaniwala naging crush ako ni Rhana!

Tinignan ko yung notifications ko

Rhana Carreon Confirmed your friend request write on Rhana's timeline

Sinave ko lahat ng recent photo's ni Tarzan at pumili ako ng isa at ginawa kong DP para naman makaganti ako kay Tarzan

ilang segundo lang  madami na rin ang naglike pero mas marami ang comment

Axel Buenviaje: Nice one!

Terrence Francisco: Crush mo?

Nathan joseph Valencia: Gf ko ^_^

binaba ko pa ng binaba hanggang sa mapahinto ako

Rhana Carreon: Anong kawalanghiyan to labanos?!

Natawa ako sa comment ni Tarzan siguro umuusok na yung ilong niya sa galit maasar pa nga!

Nathan joseph Valencia: Sorry Myloves di ko na natiis e gusto ko ng ipagsigawan sa lahat na TAYO NA!!

Mas lalong kumalat yung balita na KAMI NA! ang dami ng nagpopose na Congratulations daw at meron pa ngang nagpose na pinagsama yung pangalan namin ThaRha daw

Biglang may nagmessage sa akin at laking gulat ko nung nakita ko kung sino yung nagmessage

******************************

Rhana Pov

Nathan joseph Valencia: Sorry Myloves di ko na natiis e gusto ko ng ipagsigawan sa lahat na TAYO NA!!

Grrrrr!! i hate you labanos! ang sarap mong patayin!!

Tinignan ko pa yung ibang comments lahat nagcocongratulations!!

Sa sobrang inis ko icocomment ko na sana yung sinulat kong 'Hate you labanos!! lagot ka sa akin!" pero biglang may nagmessage sa akin

From: Lance Abadsantos

Hi Rhana! itatanong ko lang kung meron kang # ni Ms.Principal kasi itatanong ko kung kailan ako pwedeng pumasok sa Royalties?

Napanganga ako nung nabasa ko yung huling sinabi niya No! hindi pa siya pwedeng bumalik!

Alam ko kung sino lang ang makakatulong sa akin

Chinat ko si labanos

Me: Meet me @ The starbucks malapit sa Royalties now!

ilang minuto bago siya magreply

labanos: Miss me agad? okay.

Me: I'll be waiting

Naglog-out na ako at nagbihis ng T-shirt na kulay blue na stripe at nakapants dumiretso na ako sa kotse ko at pumunta na sa meeting place na sinabi ko

medyo matagal din akong naghintay

"Hi!" bungad niya sa akin at umupo na sa harap ko "So? Why in a rush?"

"Since ikaw naman ang nagsimula siguro papayag ka naman sa ganda kong to!" Yung ngiti niya napalitan ng Pagtataka

"What do you mean?"

"Let's pretend na TAYO!" Kita sa mukha niya ang pagkagulat

"What?!" Ang ingay!!

"Binge ka?! kasasabi ko lang di ba?!" linis-linis din ng ilong

"What made you think na papayag ako?!" tinatanong pa ba yan?

"Cause I'm Hot damn gorgeous" nakita ko siyang nagsmirk

"Talaga lang ha?!" Tinarayan ko lang siya. I know what he mean

"I begging you.....please kailangan kita" nagpaawa effect ako at hinawakan ko pa yung kamay niya na nakapatong sa ibabaw ng table "..please I need you"

******************************

Congratulation sa Pbb big winner na si Daniel he deserves the title

The Royalties RumbleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon