Chapter 9: He's back

56 0 0
                                    

Rhana Pov

'Tignan mo si Rhana at tsaka si Nathan magkaholding hands'

'So? totoo ngang sila na!"

'Yieee nakakakilig ThaRhanians na ako!"

Yan yung mga naririnig ko ngayon leche kasi tong si labanos e

Flashback

"...please I need you"

"Okay Myloves pero dahil ikaw ang humihingi ng favor kailangan may kapalit" kapalit?!

"Fine. what do you want?"

"First...akin na yung no. mo" wala na akong nagawa binigay ko na yung cp ko sa kanya "Second....When i call you or text you answer me" tumango ako "Third.....Susunduin kita sa bahay niyo so better wake up early i don't want to wait"

"Susunduin mo ako tapos ayaw mong maghintay!" imposible

"Shut your mouth!, Fourth....Don't talk back" Arte! "Fifth.....Holding hands, hug and kiss are allowed" What?!!

"Sandali!! di ba dapat bawal yun!"

"Don't talk back! remember?!" Napatigil ako sa sinabi niya "Very Good!! Sixth....We'll date every week" Ano ba yan? "Seventh.......Do what I want! Be sweet" Sweet mo mukha mo lul! "Eighth.......1 curse 1 kiss" Naknang puta!!!

"Ano? g*go ka ba?" Nagulat ako

ng bigla niya akong halikan sa Lips "P*ta--" at isa pa ulit!! "Fuc---" hinawakan na niya yung bibig ko

"1curse 1kiss" Napatakip ako sa bibig ko

"Ano bang problem---" napatigil ako nung magsalita siya

"Remember..Don't talk back" Sh!t you labanos! "Nineth....don't look at other guys and don't make me jelous okay? dapat ako lang!" Napatawa naman ako dun yeah right! "Don't laugh!" Pinipilit kong di tumawa "Lastly...You will tell everyone na TAYO NA!!" Napanganga ako. Hindi to pwedeng malaman ng mga kaibigan ko lalo na si Ali magagalit yun sa akin!

"What?! No!" Nilapag ko yung kamay ko sa mesa

"Look I'm sure alam na ng lahat to dahil sa comment ko okay?!" he's right! mas malala pa to e!

Argh Lance bakit pa kasi kailangan mong bumalik?!!

End of flashback

"Nakakahiya! please bitawan mo na yung kamay ko" bulong ko kay labanos, Feel na Feel niya kasi yung paghawak sa kamay ko

"No" matipid niyang sagot, walang nagsasalita sa amin hanggang makarating kami sa room "Tara na!" Papasok na sana siya pero hinila ko yung magkahawak naming kamay

"Ayoko. Mauna ka na" Pilit kong inaalis yung kamay ko pero ayaw talaga niya e

"Ang tigas talaga ng ulo mo Myloves"Pinisil niya yung ilong ko "Tara na!" Papasok na sana kami pero biglang may nagsalita

"Rhana?"Napatingin ako sa tumawag pati din si Labanos

"L-lance" Napahigpit ako sa pagkakahawak namin ni Labanos naramdaman naman ata niya dahil napatingin siya sa akin at mas lalong hinigpitan yung pagkakahawak niya sa akin

"Ikaw siguro si Nathan nice to meet you" nilahad ni Lance yung kamay niya kay Labanos para smakipagshake hands pero hindi ito pinansin ni Labanos instead nagsmirk siya at napatingin na lang kami kay Lance na dumudugo na yung gilid ng labi niya at napatumba sa sahig

"Nice to meet you" Sabi ni Labanos at hinila na ako papasok

"Bakit mo ginawa yun?" Nakakalma lang ako

"Dapat lang sa kanya yun g*go siya e!" Ang kapal ng mukha niyang sabihin kay Lance yun

"Wala kang karapatan na sabihin sa kanya yun kung meron mang mananakit sa kanya ako yun kadi ako yung nasaktan" Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko

"Sino ba ang boyfriend mo? siya o ako?!!" Nakita ko na yung galit sa mukha niya

"Ikaw!" Ayokong gumawa ng eksena dito kasi si Labanos kasi e

"Yun naman pala e!! Bakit pinagtatanggol mo siya?!"Hindi ko naman pinagtatangol si Lance e

"I'm not defending him, Ang sinasabi ko lang dapat hindi mo ginawa yun!" Tumungin lang siya sa akin

"Sh*t!" I heard him cursed bago siya punta sa upuan niya nakita ko ding binalibag niya yung upuan bago siya umupo

"Wanna tell us something?!" Nakapamewang si Ali at nakacross arms naman si Steffy at si Zylie

"Sorry" napayuko lang ako naramdaman kong may yumakap silang tatlo sa akin

"We know and were not mad naman" Sabi ni Zylie

"Thank you girlss" Bakit ko nga ba naisip na magagalit sila? alam ko namang matalino sila kaya alam kong maiintindihan nila ako

"Next time kasi sasabihin mo! bruha ka! kung hindi pa namin nakita yung pinose ni Lance baka magkaroong ng World war 3 dito sa Royalties" Biro ni Rhan, Baliw talaga to!

"Oo na po!, ikaw Ali wala ka bang sasabihin?" nagpout ako at napangiti siya

"Oo na! Di naman ako galit slight lang! pero Rhana ang galing umarte ni Nathan ha?!" Umaarte ba si Labanos?

"Ha?!"Di ko kasi sila maintindihan

"Binge lang! kunwari di narinig! ang sabi ko ang galing umarte ni Nathan infairness sa inyo ha?!" Ahh!!

"Totoo yun hindi yun biro! di ko nga alam kung bakit niya sinuntok si Lance e" Nagulat sila sa sinabi ko

"Whoa! di nga?" sabay sabay nilang sabi

"Oo nga!" saktong dumating si ma'am at pinaupo na kami

Habang naglelesson, di ko maiwasang mapatingin kay Labanos. Ano ba kasing problema niya? Seryoso lang yung mukha niya habang nakikinig bakit I have a feeling na dapat akong magsorry sa kanya? Feeling ko kasalanan ko yung nangyari, Di ko na namalayan na nakaalis na si ma'am at tapos na yung lesson

"I think you need to talk to him"bulong ni Steffy

"You think so?" Nagaayos na siya ng gamit

"No. We think so" Nagpaalam sila sa akin and then umalis na

at naiwan na lang kami ni Labanos dito, Tumayo na ako sa pagkakaupo ko at habang inaayos ko yung mga gamit ko naramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likod

"Sorry" bulong niya sa tenga ko di ko na namalayan nakangiti na pala ako

Humarap ako sa kanya "Sorry din" Hinawakan niya yung kamay ko at lumabas na kami ng room

Kada dumadaan lahat ng madadaanan naming tao nakatingin ganito ba kaintriga na nagin KAMI pero bilib din ako dito kay Labanos kahit alam niyang ginagamit ko lang siya para makalimutan si Lance di niya yun pinapansin parang sinusulit lang niya to

*******************************

Next Chapter na tayo yiieeepppiiieee!!

The Royalties RumbleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon