028.

303 9 0
                                    

s h i n

hinila ko ulit paalis sa tabi ni delilah si aron at pumagitna sakanilang dalawa. hmp, bwisit 'tong aron na 'to!

ayaw ko sana siyang isama pero nagpumilit ang ugok kaya wala na akong nagawa. ito namang si delilah babes q, halatang kanina pa naiinis sa lalaking kasama namin. hindi ko tuloy maiwasang matuwa at maawa dahil sakaniya.

"sa'n tayo magmemeryenda? sa'n mo gusto?" tanong ni delilah sa tabi ko.

iniwasan kong ngumiti. "kahit saan."

"sa jollibee, kfc, o mcdo nalang! libre ko," singit ni aron na kinairap ko.

"sige," nagulat ako nang sumang-ayon naman si delilah babes q.

ngumuso ako at tinignan siya. she raised her eyebrows. "bakit? libre na 'yon," may bahid ng pang-aasar sa boses niya kaya hindi ko maiwasang irapan siya.

nagulat nalang ako nang bigla siyang hatakin ni aron papalayo sa'kin at naglakad-takbo palayo sa kinatatayuan ko.

what the–?!

"aron! hoy!" sigaw ko pero 'di niya ako nilingon kaya tumakbo na rin ako. "pak–! aish!"

delilah. | saida Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon