Ako nga pala si Nicki Cortez, isang 3rd year high school student. Nag-aaral ako sa AFU. Papunta ako ngayon sa mall. Bibili kasi ako ng bag para sa pasukan. Hindi ko nga alam kung ano yung bibilhin ko eh. Kung Kipling ba or JANSPORT. ang bibilhin ko?
Pagkapasok ko pa lang sa mall may nakabangga sa akin na lalaki. Gwapo, matangkad, maputi pero masungit at mayabang. Ni Hindi man lang nagpa-S O R R Y sa akin eh. Hayyy! Pabayaan na nga natin yun.
Nakarating na ako sa Kipling na store. Pero wala akong nagustuhan pumunta na lang ako sa Brat Pack doon mo kasi makikita yung mga Jansport na bag. May nakita akong bag. Grabee ang ganda .
Ayun nabili ko na yung bag. Ang ganda talaga. <3