V

19 4 0
                                    


V
Drown
~*~

"Kamusta ang pagpunta mo sa Capital?", tanong ko nang matapos kaming kumain. Busog na busog matapos maubos namin ang pagkain ng kaming dalawa lang. Nandito na kami sa sala at umiinom na lang ng beer.

"Fine."

Tsk. Fine na naman. Lahat na lang ata ng pangungumusta ko sa kanya, fine lang ang sagot. Wala ata akong naalalang may sinabi siya saking mga problema sa mga lakad niya. Mukhang wala nga yata mula nung nagkakilala kami. And he was not the kind of person who shares anything personal especially his problems.

"Rate from one to 10, gano ka fine yun? ", tanong ko ulit.

"Geez, fine is fine. Why need to rate it?"

"Kasi di ba, iba-iba ang pagkakadefine ng mga adjectives? Since fine is an adjective, iba-iba ang intensity niyan. Like if 10, sobrang fine na wala kang naging problema. Smooth sailing. Ganun. If 9, may kaunting aberya sa daan. If 1 naman, fine naman yung lakad pero sobrang daming naging problema all the way like, nagutom ka, nastress ka sa mga katulad mo pasahero, mga ganun."

Napapailing siya sa sinabi ko. "You really talk too much."

"Nope. Gusto ko lang talagang malaman ang mga bagay-bagay. You don't tell me anything."

Naubos niya ang beer kaya nagbukas siya ng panibago at lumagok.

"There's nothing to tell. "

Napairap ako. Ang dami kong tanong sa kanya pero madalas niya akong dinededma. Nakukulitan nga siya sakin lalo na't alam niyang di talaga ako tumitigil hangga't di ko nakukuha yung sagot. Kaya madalas iniiwan niya ako o kaya naman pinapakain. Doon lang daw kasi ako tumatahimik. Tsk.

But the truth is, I really don't want silence. I get too much of it back with Mom in the old house and it's suffocating me.

And now, it suffocates me especially after what happened in the forest. Being there gave me so much things to think about. Parang sasabog ulit ang utak ko sa dami ng iniisip. Ayokong matrap sa katahimikan habang pinupuno ng mga tanong at pag-iisip ang utak ko.

"What happened while I was away? Have you been reckless again? "

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. I want to tell him about what happened. About everything. Yun naman talaga ang plano ko una pa lang. Kapag mapatunayan ko at malaman ko ang sekreto ng gubat na yun, sasabihin ko sa kanya. I have always been proud exposing secrets. But I'm suddenly afraid this time.

He raised his brow waiting for my answer. I looked away immediately when I realize I was contemplating long enough but just stared at him.

"Antok na ko. "

Tumayo ako at inubos ang beer ko nang maalalang tambak ng pinggan ang lababo. Di pa pala kami nakapaghugas. And I hate washing dishes.

"Hoy, maghugas ka ah", utos ko.

Nag-angat siya ng tingin sakin na nakangisi. He had that you-know-I-don't-wash-the-dishes-look. Ito ang palagi naming pinagtatalunan pagkatapos kumain. Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Hindi naman pwedeng kain ka lang ng kain dito. Ako na nga nagluto, ikaw na maghugas!"

Tumayo siya at nag-inat.

"I think I should go. "

Hinawakan ko siya sa balikat at pinaharap sakin.

"Maghugas ka sabi!"

Di niya ako pinansin at dumiretso na siya sa pinto. I can't believe this guy.

"God, I'm never cooking for you ever again! ", maktol ko.

METANOIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon