VI

8 4 0
                                    

VI
Escape
~*~


BIGLANG may tumama sa aking ulo. Pagtingin ko, it was a crumpled paper from Cross. Nandito kami sa Math Park. There were concrete tables, stools and bench surrounded with large acacia trees. Malamig at tahimik kaya gustung-gusto naming tumambay ni Cross dito.

"What was that for?!", angil ko.

"You're spacing out."

"Ano ba?! Nagbabasa ako oh!" Inirapan ko siya at tinuon ang tingin sa binabasa kong libro. But the truth was, my mind is focused somewhere else.

"Awesome. Kaya mo palang magbasa pabaliktad?", he teased.

Pagtingin ko sa hawak kong libro ay baliktad nga ito. Reading was actually my excuse para di niya ako gambalain. Dahil sa inis ko ay tinago ko na lang aking libro at iniwan siya.

Good thing hindi kami classmate kaya di ko siya makikita buong hapon. He is a year older than me. He's on his last year in senior high habang Grade 11 pa lang ako.

Isang taon lang ang agwat namin pero pakiramdam ko sobrang laki dahil kung itinuturing niya ako ay parang grade school. Teasing me is one of his habit, probably his favorite. He loves pissing me off.

But these past few days since the day I almost drowned, he seems gentle. Ni hindi niya nga ako inaway kasi tatanga-tanga na naman ako. Weird. He always nags whenever I get into trouble.

Days had passed and I'm almost back on track. I did things I normally do. Wake up, go to school with Cross, attend classes, have lunch with Cross, go home with Cross, have dinner with him. Na para bang walang nangyari. Na lahat ng iyon ay kayang ibaon sa limot.

Little did I know, this normalcy would not last long enough. No matter how I try to bury it, it would resist to resurface.

Nasa auditorium ang section namin para manonood ng rehearsal ng isang play for the Lantern Festival.

Every year, the town Azaleah celebrates Lantern Festival. Kaya sigurado, dagsa ng tao ang plaza mamaya. There will be rides, magical shows, theatre play and food stalls. And surely, I will be there. It's my favorite event.

Habang nagpeprepare ang nasa stage ay di naman magkandamayaw ang mga kaklase ko sa pag-uusap. Lahat sila ay may plano na para pumunta mamayang gabi sa plaza. Everyone is looking forward for it. Lalong-lalo na mamayang hatinggabi kung san bawat isa ay magpapalipad ng lantern.

Natahimik lang kami nang magsimula na ang rehearsal.

While watching it, nahagip ng aking mata ang isang tao sa malayong gilid.

It was a silhouette of a man.

I can't recognize his face dahil natatabunan ito ng anino. Nakaramdam ako ng kaba. Nakatingin siya sakin. Bawat segundong lumipas na nakatingin ako sa kanya ay unti-unti ko siyang naalala. Hindi ba siya ang nakita ko nun sa kwarto ko nung itinakas ako nina Savior?

"O, san ka pupunta?"

Di ko pinansin ang tanong ng katabi ko. Mabilis akong tumayo at umalis ng auditorium. Pagliko ko sa corridor ay muntik na akong mabuwal nang nagkabanggaan kami ni Lorenzo.

"Ay sorry Reign. Ok ka lang?", tanong niya.

I just realized that I was holding my breath. I blinked and calmed myself.

~*~


"Wala ka bang naalala ngayon?", tanong ko kay Cross.

"Today is Lantern Festival. Why?", kunot ang kanyang noo nang bumaling siya.

METANOIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon