WGMS 1: Different

167 4 0
                                    

DEYANG

Hi. I'm Deyang. Ang probability na manalo ka sa loto ay 1/800000. Di ako magaling sa math kaya fine arts ang course ko. Pero ganyan din ang chances na maging girlfriend ka ng isang artista. Hindi ako kasing sexy ni Solenn o kasing gorgeous ni Georgina. It was just a normal day for us; we are both different people, living in different worlds. This is our life BEFORE WE MET.

WANG WANG WANG WANG WANG!

"MAY SUNOG MAY SUNOG!" Napaupo ako sa gulat, takot at ingay!

Ay pisti naman tong bagong alarm ko.

Inabot ko yung phone para papatayin yung alarm.

Humiga ulit ako sa kama ko.

TOM

Nasa isang photoshoot siya 6 AM ng umaga, pero sa kanilang mga artista. Isa lang ito sa mga normal day niya. Part na ng cycle ng katawan niya. Ang lalaking tinutukoy ko ay walang iba kung hindi si Tom Alvarez.

Tom: *pose pose*

He is this generation's heartthrob.

Photographer: Nice!

Meron siya malapandesal na katawan na sarap lagyan ng palaman!

Tom: *Pose pose*

Grey eyes na parang buwan na di mo mareach!

Photographer: Good good!

at meron siyang beach blond hair na nais mong hawakan!

Staff no.1: Kinukuha na ba ako ni Lord? *sabay tingin sa katawan ni Tom* Bakit nasa heaven na ako?

Staff No. 2: Ako din! Ready na akong ma-matay ng mahimbing dahil nakita ko na si Tom and his hot badeh!! OMYGALLLEH!!!

Siya ang pangarap na ina-asam ng mga girl, boy, bakla, tomboy!

Biglang nagflash ang camera!

DEYANG

"DEYANG! GISING NA! BAKA MALATE KA NA SA TRABAHO!" sigaw ng mama ko habang kinakatok yung pintuan ko sa kwarto.

"Um...." Ang ungol ko.

Bumangon ako na parang zombie. Slowly but surely!

Dumiretso na ako sa banyo.

Napatingin ako sa salamin!

At isang bird's nest ang buhok ko! At puno pa ng muta ang mga mata ko.

Sinimulan ko na magtutoothrush at itinaas ang baso para magmumumog

TOM

Ibinaba niya ang coffee mug niya at nagmamadaling naglalakad papunta sa interview

Pumasok siya sa isang pinto!

"Good Morning Tom!" Isang masayang bati ng isang staff

Ngumiti si Tom sa staff na iyon. Pero di lang yun basta smile. Yun ang kanyang KILLER SMILE!

Hinimatay tuloy sa kilig si ate!

Umupo siya sa tabi ni Stephanie Lim - Our pretty celebrity.

Iilan lang ang species niya na kayang tagalan ang ngiti at titig ni Tom na lakas makahulog puso. For some unknown reason, kahit anong gawin man ni Tom na ngiti o titig. Wa epek! Go lang girl!

"Love victim number 1. I guess?" tanong ni Stephanie habang nakasuot ang kanyang shades at nakastraight body with matching Superstar Aura!

"Number 9 na actually." Sagot ni Tom na parang di siya nagulat sa bilang ng babaeng napakilig niya

When Girl Meets SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon