WGMS 10: Stalker

29 0 0
                                    

Tom

12 noon. Studio C.

Joseph: UY! Mang Tomas! Lately nakakatanggap na tayo ng threats galing sa mga fans mo para kay deyang.

Tom: that's normal.

Joseph: death threats.

Tom: what?

Joseph: i know i know. May isa pa ngang nag send ng letter na iistalk daw niya si deyang hanggang mawala siya sa buhay mo.

Tom: ano?

This is bad. This is bad very very bad. Nilabas ko phone ko. She needs to know this.

-------

Deyang

12 noon. Library

Malapit na prelim.....

PERO WALANG PUMASOK NA LESSON SA UTAK KO. NASAAN ANG HUSTISYA?! PARE-PAREHO TAYO NG TUITION BAT WALANG PUMAPASOK SA UTAK KO.

Actually tanggap ko naman na kung bakit walang laman to. Di ako nakakaattend ng klase kasi panay pull out dahil kay Tom. Tapos kung papasok naman ako. Di ako prepared.

Uno....

PANGARAP LANG KITAAAA~~~ TT^TT

Hay. Ikaw muna libro ang bestfriend ko. Please be nice. Nasa kalagitnaan ako ng pag-babasa ng biglang

I CAME IN LIKE A WRECKING BAAAAAALL I NEEEEEVER HIT SO HAAAARD IN LOVE!!

Nagriring cellphone ko!!!!! SHET SHET SHET!!!

Pagkakita ko sa phone ko. Tumatawag si Tom! Pinatayan ko muna.

"Shhhhhhhhhhhhh" sabi nung ateng katabi ko

Deyang: sorry po. Peace.

I CAME IN LIKE A WRECKING BAAAAALL I NEEEEEVER HIT SO HAAARD IN LOVEEEE

Yung phone ko na naman!

Pagtingin ko yung ate sa tabi ko. Tinignan ako ng masama. Napangiti ako na nahihiya.

Deyang: sorry...

Dali dali akong naglakad palabas at sinagot ang phone ko.

"Bakit mo ako binabaan ng phone! Kanina pa ako tumatawag sayo!" Salubong ni Tom sa akin. Aba bat nagagalit! Nagpapanic pa!

"Yung totoo. First day o first time?" Tanong ko

"Ang alin?"

"Iyang regla mo! Sungit eh! Bat ka ba nagagalit diyan. Buti nga sinagot ko eh!"

"I'm just worried."

Wow worried si koya. Nakakain ng panis. For sure

"Bat ka nag-aalala?"

"Lately nakakareceive na kami ng death threats."

"Gusto mo ipaayos ko libing mo?"

"Hindi! Para yun sayo!"

"Death threats? BAKIT?!"

"Because you are my girlfriend. May isang nagsabi dito na iistalkin ka daw niya hanggang mawala ka sa buhay ko!"

"Weh. Baka gumagawa ka lang ng issue diyan wala naman talaga"

"I'm serious!! Kaya if i were you wag kang gagawa ng kahit anong kalokohan!"

"Hay nako Tom! Baka praning ka lang malay mo hanggang salita lang iyan!" Tumingin ako sa orasan "sige na tom alis na ako bye!"

Binabaan ko na siya ng phone. Stalker? Imposible! Naprapraning lang yun!

When Girl Meets SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon