WGMS 9: Meet the Parents

36 1 0
                                    

Deyang

Nasa diner na ako kakatapos lang ng klase ko. Hay namromroblema ako. Di ko alam kung anong gagawin ko.

Nakatitig lang ako sa cellphone. Tatawagan ko ba o hindi?

Tawagan ko na lang kaya?

EEEEEEEEEH ayoko papuntahin siya sa bahay.

Wag na lang.

PERO IPAPABOTCHA AKO NG MAGULANG KO.

"Hoy tunaw na cellphone mo kakatitig mo diyan" tinabihan ako ni Jing sa upuan

"Uy nandiyan ka pala. Eh kasi di ko alam kung tatawagan ko ba o hindi eh"

"Sino?"

"Si Vicky Belo. Magpaparetoke ako. Syempre si Tom."

"Bat mo tatawagan si BOYFRIEND?" diin pa niya talaga yung boyfriend

"Umayos ka diyan Jing. Baka gusto mo ipasapak kita?"

"Eh bakit nga?"

"Kasi ganito iyan. Gusto siya makilala ni mama at papa."

Nakita ko sa mukha ni Jing ang pagpipigil ng kilig.

"Umayos ka nga para kang natatae" sabi ko sa kanya

"Aba meet the parents na kayo bruha ka! Tawagan mo na daliii!!"

Dinial ko na yung number ni Tom kas

Your prepaid balance is not enough to make this call-

"Wala akong pangtawag pangtext lang."

"Aba dumudukha ka na! Oh sige na go itext mo na siya"

"Anong sasabihin ko"

"Babe gusto kita makita"

"Anong babe! HAHAHAHHAHAH Nakakainis ka"

"Diba yun yung tawagan niyo?"

"Oh kayong dalawa magkwenkwentuhan na lang ba kayo?" sabi ni sir jeff sabay inom ng alak niya

"Hay nakoo ang sungit na naman ng papa ko" sabi ni Jing

"Okay lang iyan. Nandiyan na po Sir Jeff!"

Sige itetext ko na nga.

-------

TOM

I'm in the middle of studio recording para sa bago kong album.

BZZZ BZZZ BZZZ

Naramdaman kong nagbuzz yung cellphone ko. Di ko muna pinansin.

BZZZZ BZZZ BZZZ. Nagbuzz ulit

Di ko pinansin. Kanta ulit ako

BZZZZ BZZZ BZZZZ!!!

NAGBUZZ ULIT dahil nawala na yung concentration ko. Nagtime-out muna ako.

Chineck ko yung cellphone ko. Si Deyang.

[Hi Tom. Alam kong busy ka kaya bibilisan ko na lang to. Pwede ka ba sa sabado?]

Is she asking me out on a date? Chineck ko yung second message

[HINDI ITO DATE! HINDI KITA NIYAYA SA DATE!!! Gusto ka kasi makilala nila mama. Pwede ka ba?]

Hmmm pwede ba ako?

"Joseph free sched ba ako sa sabado?" tanong ko

"Mayroon ka lang photoshoot tas interview after nun free sched ka na!"

When Girl Meets SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon