Chapter 1

82 5 0
                                    

CHAPTER 1

Huwaaaaaahhhhhhhh! Halos marinig sa loob ng campus ang pag sigaw ko pero wala akong care. May nakita akong love letter na nakasingit sa isa sa mga notebooks ko! Nakalagay ito sa isang simpleng pink envelope. Take note hindi maganda ang hand writing ng letter sender ko. Siguro ginawa nya un para hindi ko agad sya makilala.

Dear Jacq,

I'm so inlove with you, the one who is cheerful and lovely. Please meet me at the flower garden park tomorrow at 5pm.

"Ano nanaman yan?" Singit ng bestfriend kong si Gene. Kanina pa pala sya nakasilip sa likuran ko. Malamang na pinipilit siyasatin ang hawak hawak kong envelope.

"Oh my gosh! I can't believe Nick sent me a love letter!" May pagtalon ko pang sabi sa kanya.

"Oh come one, how can you tell it's from Nicky boy?

Si Nick ang pinaka sikat na lalake sa campus bukod sa gwapo na ay matalino pa ito. Maraming babae ang gustong mapalapit sa kanya. Medyo tahimik nga lang ito at madalas na mag-isa.

"Anong sabi mo?!" Pag tataray kong sabi sa kanya, halos batuhin ko sya ng mga dala kong notebook. Napaka kontrabida talaga ng lalakeng ito sa buhay ko. Kung hindi lang kami magkababata ay malamang na hindi ko siya magiging bestfriend.

"Sige nga may nakalagay bang pangalan niya sa sulat?" usisa nya sa akin. "I think the letter came from some creepy boy out there waiting to kidnap you or something.

Kinabahan naman ako sa sinabi nya. Paano nga kung galing sa mga weird na lalake un at may masamang gawin sa akin? Inaamin ko hindi naman ako ganun kaganda pero hindi rin naman ako panget. Sabi nga ng mga classmate ko astig daw ung itsura ko. One of a kind, a rare gem. Wow ha!

"Stop it Gene, you're just jealous!" sabi ko sa kanya para maitago ang konting pagkatakot ko sa sinabi niya kanina.

"Why should I be jealous? Madami naman akong natatanggap na ganyan everyday!" pagmamalaki ng mokong habang pinapakita ang iba't ibang loveletter na nasa bag nya. Iba't ibang kulay ng stationary, ang cute tignan.

Nakalimutan kong sabihin, isa rin pala sa pinagkakaguluhan sa campus ang mokong na ito. Siguro dahil sa kakaiba niyang itsura, hindi naman siya mukhang alien pero masasabi kong kamukha niya si Robert Pattinson nung gumanap siyang Edward Cullen sa pelikulang Twilight. Hmp. 

"Whatever happens, I'm gonna meet my letter sender tomorrow!"

"Huh? Saan mo nakuha ang loveletter na yan?" Silip ng mokong sa hawak kong sulat. Parang naguguluhan akong lumingon sa kanya.

"Anong pakialam mo?" Pagtataray ko parin sa kanya sabay taas ng kilay ko.

"I think you shouldn't come, I don't trust that letter." seryosong sabi nya, as in, ngayon ko lang siyang nakitang ganito ka seryoso. Parang nakakita ng multo.

"Why are you saying things like that Gene?" curious kong tanong sa kanya. Ano ba kasi ang problema nya at nasasabi nya ang mga bagay na yun.

"Ok kalang ba Gene? Namaligno ka ba or something? Bakit ang putla mo?

"Wala, halika na at umuwi na tayo."

Naging napaka tahimik ni Gene nung pag-uwi namin, di ko alam kung anong nangyari sa kanya. Mukha siyang nausog ng kung sino man dahil sa kaputlaan nya. Bakit kaya nag bago ang mood nya nung nakita niya yung sulat? Nag seselos nga kaya sya? Nah! Si Gene pa, para na kaming magkapatid nito.

Pag-uwi ko sa bahay ginawa ko na lahat ng assignment ko para bukas libreng libre na akong lumabas at makipag meet sa aking Prince Nick. Naiisip ko pa lang ay kinikilig na ako. Waaaaahhhhhh! Sigaw ko sa isip, hindi pwedeng sumigaw ng totohanan dahil baka marinig nila mama. Pagkatapos kong gumawa ng assignment dalidali akong pumunta sa cabinet at naghanap ng magandang isusuot para bukas.

Hmmmm.. Ano nga kaya, nag iisip ako kung isusuot ko ba ung dress ko na may design na cute na maliliit na hearts na sa tingin ko mahihirapan akong kumilos dahil hindi ako madalas mag dress o mag jeans na lang ako at cute na tshirt para anytime pwede akong tumakbo kung may masama mang mangyari, worst case scenario.

Abala akong tinitignan ang mga damit sa cabinet ng marinig ko ang kakaibang balita sa TV.

"News Break: Girl Missing since yesterday, her parentstold the police that their daughter meet her letter sender the day she disappeared. Police warns all the young girls to be careful not to fall in this kind of modus." 

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig na balita. Hindi naman ganun kalaki dahil singkit ako. Exaggerated lng masyado. Pero totoo ba to? What should I do?! Ayoko naman makidnap noh, walang pang ransom sila mama pero ayoko rin mamiss ang opportunity na mameet si Nick!

Not Your Typical Love LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon