Chapter 2

24 3 1
                                    

 99.9% akong sure na kay Nick galing ang loveletter na ito. Ung 0.1% malamang dahil kay Gene un. Kung makareact kasi parang kung anong nangyari.

Malamang na nahihiya lang si Nick kaya hindi niya sinulat ung name nya. Yesterday he greeted me with his cutest smile, halos mahimatay ako sa killer smile nya. Waaaaahhh nakakakilig. Kaya hindi ako dapat magdalawang isip na mameet siya. By hook or by crook gagawa ako ng way.

Ano nga ba ang dapat kng gawin? hmmmmmm...

After siguro ng malalim na pag-iisip, napilit ko ang sarili kong itxt si Gene. Wala na akong ibang maisip na way.

Jacq: Gene, please tulungan mo ako. Please be my bodyguard tomorrow?!

 

Gene: NO!

Naiimagine ko ung pagmumukha ni Gene sa reply nya sa text ko. Ang tindi ng pagtanggi niya pero hindi ako agad agad sumusuko.

Jacq: Please help me, kahit ngayon lang. Gagawin ko ang lahat basta tulungan mo ako?!

Alam ko mukha na akong desperada pero ito lang ang way. Alam ko na hindi naman kaya ni Gene ung mga kidnaper, sa katawan palang ni Gene baka isang ihip lng ng mga kidnaper wala na siya. Pero lumalakas ang loob ko kapag kasama ko siya.

Gene: Anything?!

 

Jacq: Yes, kahit ano gagawin ko.

 

Gene: Ok, let's talk tomorrow.

 

Jacq: THANK YOU.

 

Yes!!! Akala ko hindi ko siya mapapapayag. Pusong mamon parin pala si Gene sa akin. alam ko talagang hindi niya ako matitiis. Halos gumulong na ako sa kasiyahan. Wala ng problema. Magiging ayos din ang lahat bukas.

Excited na akong mameet si Nick. Ano kaya ang sasabihin ko sa kanya pagkakita namin. Liligawan na kaya nya ako? Bakit kaya hindi niya sinulat ung pangalan nya sa letter? Nakatulugan ko ang mga tanong na gumugulo sa isip ko.

Naging mababaw ang tulog ko. Naunahan ko pa ang alarm clock ko sa pag gising. Nakahanda na ako ng tawagin ako ni mommy.

"Jacq, andito na si Gene." sigaw ni mommy.

"Ok, Mom."

Yes! This is the day I've been waiting for. Pero bago ako maglulundag sa saya, na alala ko na may ipapagawa sa akin si Gene. Un nga pala ung sinabi ko sa kanya para mapapayag ko syang samahan ako sa date ko.

Ano kaya ang ipapagawa ng mokong na un? Baka may project o assignment sya na kinatamaran niyang gawin at un ang ipapagawa sa akin. Hmmmm..

Lumabas ako ng kwarto at masayang hinarap ang mokong.

"Mom, alis na po kami ni Gene." paalam ko kay mommy.

Nakalabas na kami ng bahay pero wala paring imik ang mokong. Ano ba ang problema nito? Wag nyang sabihin na galit parin sya sa akin.

"Gene?"

Hindi ko matiis ang katahimikan nya hindi naman kasi siya ganito. Kakaibang Gene ang kasama ko ngayon.

"Oh?"

"Ano yung ipapagawa mo sa akin?"

"Remember that girl named Rika?"

Hmmm, si Rika. ang babaeng obsessed na obsessed kay Gene. Ito ung stalker ng mokong, kahit nga ata sa CR ng mga boys sinusundan siya nito. Maganda naman si Rika, ewan ko ba kung bakit hindi ito magustuhan ni Gene. Anyway napag isip isip ko na wala nga palang na idate na kahit sinong babae ang mokong. Ano kaya ang reason? Gusto kaya niya ang hinahabol habol siya ng mga girls? Biglang may sumagi sa isip ko, hindi kaya bading si Gene?!

"Hoy Jacq, anong iniisip mo dyan?!"

"Ha?! wala ah, iniisip ko lang ung mukha ni Rika." palusot ko.

"Ang kulit kasi nung babaeng un, tinetext at tinatawagan ako. I really don't like it."

Patay mukhang bading nga ata.

"Edi sabihin mong bading ka at ayaw mo sa kanya."

"Anong bading?! Sinong bading?!" kunot noo niyang tanong sa akin.

"What I mean is, tell her that you don't like her. Napakadali lang gawin nun Gene, o gusto mong un ang gawin ko?"

"That is way too easy for you."

"So ano nga ang dapat kong gawin?"

Huminga muna ng malalim ang mokong.

"Last night, I told her that I already have a girlfriend."

"Then?"

"She didn't believe it. So Jacq, my condition is, you need to pretend to be my girlfriend just for this day. Alam ko na susundan sundan nanaman ako ni Rika ngayon."

Nanlaki nanaman ang mga singkit kong mata. Seryoso ba ang sinasabi nya? Paano namin gagawin un? Iniisip ko palang naloloka na ako. Paano kung makita kami ni Nick sa panahong nagpapanggap kami? Baka hindi na nya ako imeet sa date namin.

"What?! Are you serious?" tanong ko sa kanya. Baka sakaling bawiin niya ang nauna nyang sinabi at ihayag na joke lang ang lahat.

"Take it or leave it."

Not Your Typical Love LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon