💖 C H A P T E R 9 💖

391 18 4
                                    

Chapter 9:New School with new friends

Franchezka's POV

Hi mga readers,ako'y nag babalik,inaayos ko lang kasi yung mga paper works ko para makapag-enroll sa school nila Sammy
As you can read at hindi as you can see sa School kami nila Sam papasok,ang saya ko na nga sana ang kaso nga lang pati si Unggoy kasama

Tsk...naglalakad kami papunta sa Dean's Office para kunin ang schedule namin

"Huy Walking Glutha ba't parang ang tahimik mo"sabi ni mongoloid,dami kong tawag sakanya no

"Wala ka ng pake don,pag tuunan mo nalang ng pansin yang baba mo"sabi ko at nag patulay sa pag lalakad

Pagsabi ko non nakita kong hinawakan nya yung baba nya

"Ano bang problema mo sa baba ko ha"sabi nya sa'kin na para bang naiinis

"Ano bang  problema mo sa kulay ng balat ko ha"pang-gagaya ko sakanya

Nakita ko na ang Dean's Office kaya binilisan ko na ang pag lakad

"Hoy babaita ang bilis mo mag lakad"sabi nya sakin habang sinasabayan ang pag lalakad ko

~'k̾n̾o̾c̾k̾ k̾n̾o̾c̾k̾'~

"Come in"sabi ng nasa loob

Pumasok na kami at kinuha ang mga schedule namin

At sa kamalas malasan,kaklase ko si Unggoy

"Yes"may binulong sya pero di ko narinig

"Anong sabi mo??"tanong ko sakanya,bakit ba curious lang

"Wala"sabi nya

Nag lakad na ko papunta sa classroom namin
Gustong gusto kong iwan si Stephen kaso naabutan nya talaga ako,may lahi yatang kabayo o zebra o cheetah ay basta

~'k̾n̾o̾c̾k̾ k̾n̾o̾c̾k̾'~

Binuksan ng gurong nag tuturo ang pinto

"Nandito na pala kayo" Sabi nya sa amin

"Okay Class,sila yung sinasabi ko sainyong bago ninyong kaklase,please kindly introduce yourselves to us"sabi sa amin ni Ma'am

"Annyeonghaseyo Franchezka Nicole Cruz imnida half korean half pilipino,living in state kamsa!"sabi ko sakanila

" Hi everyone my name is John Stephen Buenaventura,I hope we can be friends"sabi nya sabay kindat...tsk

"Kyahhh ang pogi"

"Cute mo po"

"Parang pamilyar yung surname nya"

Tilian ng mga tao dito sa room

"By the way,I'am Cindy Macaso,second teacher nyo...Okay you may now sit down"sabi ni Ma'am

"Ms.Cruz sa tabi ni Mr.Besa,Mr.Buenaventura sa tabi naman ni Ms.Rebatis"sabi pa ni Ma'am,may nag taas namang dalawang tao kaya lumapit ako sa lalake

" Ma'am di ba pwedeng tabi nalang kami ni Walking Glutha-este Chezka"sabi ni Unggoy kay Ma'am

"Kung papayag si Ms.Cruz-"di na natuloy ni Ma'am ang sasabihin nya ng umapila agad ako

War at first MetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon