"Ang swerte niya naman."
Napatingin ako sa mga babaeng nagkukumpulan. Girls and their behavior.
"KYAHHHH."
Ngumiwi ako habang nakatingin pa rin sa kanila. Nahawi sila at lumabas doon yung babaeng....nag karoon ng malaking parte sa buhay ko....Stephanie. Pero imbes na matuwa ako mas lalo lang sumakit ang buong katawan ko, may kasama siya.
The man of her life right now.
"Mr. Angelo, are you okay?"
Napatingin ako sa nurse na nagtanong at marahang tumango.
"Stephanie? Okay ka lang?"
Napatingin ako sa harap ko at nakita siya...nakatingin sa akin na parang walang gana, marahan lang na tumango si Steph sa kasama niya at umiwas ng tingin sa akin.
"Yiieee ngingiti na yan!"
"Okay lang ako...Ren."
"Eh ayoko! Ngiti ka muna."Napa yuko na lang ako habang ramdam ko ang pagtulo ng luha ko. Damn! That should be me.
"We should back."
My nurse nodded. Habang naglalakad ako palayo sumulyap ako sa kanila....nasana hindi ko na lang ginawa, para hindi ko makitang magkahawak ang kamay nila.
--------------------------------
Napangiti ako habang nakatingin sa isang puntod.
"Hi Daniel."
Pinulot ko ang mga dahon na nakaharang sa lapida niya at pinalitan ito ng mga bulaklak.
"Kamusta ka na dyan? Hindi na kita nakikita Dan."
Nagsimulang tumulo ang mga luha ko.....Daniel was my son, my adopted son. He was died because of me.
Nung malaman ni Stephanie ang tungkol kay Daniel nakita ko siya kung pano umiyak, kung pano siya naisugod sa ospital. Natakot ako kaya tinulak ko si Steph palayo pero habang tinutulak ko si Steph palayo, nakita naman ni Daniel kung paano ako nawalan ng kontrol sa sarili ko. Nung pagkagabi tumakas si Daniel para puntahan si Steph pero....nangyari na yung aksidente.Daniel died.
Napabalik ako sa realidad ng biglang humangin ng malakas.
"Dan...alis na ko."
Tumayo na ako pero biglang sumakit ang ulo ko.
--------------------------------
"K-kamusta ka na?"
Napapunas ako ng luha at napatingin kay Stephanie.
"Steph..."
"Paupo ah?"I just nodded.
"Gelo...sorry. Ang tanga ko. Sorry please."
"Steph, stop crying."
"Ang tanga ko Angelo! Bakit kita iniwan?!? Bakit hindi ko man lang alam?!? Anong klaseng girlfriend ako?!?"
Nagulat ako ng yakapin niya yung nasa harap na lapida.
Angelo? Ako yun diba?
"Bakit hindi mo sinabi na may sakit ka? Bakit sa mismong araw pa na wala ka na saka ko lang nalaman? Napakamalihim mo! Pati yung kay Daniel nilihim mo"
"Fvck Stephanie! What are you saying?!?"
Umiiyak lang si Steph na parang walang naririnig. Binitawan niya yung lapida na yakap niya.
.
.
.
Then I just found my own name on it.------END
