Chapter 2

2 0 0
                                    

Keizha Ysobelle Limerick

NO........! MOM......! DAD.......!Please......!

Miss President.... Miss. Lomerick...wake up. Miss, wake up.........

Nagising ako sa isang malakas na alog, ramdam ko ang panginginig na aking katawan at ang mga butil ng pawis na namuo sa aking noo dahil sa isang panaginip, hindi... hindi panaginip kundi isang bangungot, bangungot na hanggang ngayon ay hinahabol pa rin ako.

Are you okay Miss President?nag aalalang tanong sa akin ng aking sekretarya. 

Yeah!I'm fine, you may leave now. matigas kong sabi at tumingin sa aking sekretarya sapagkat hindi pa ito umaalis, bumaling ako sa kanya nang nakakunot ang noo naramdaman ko ang pagkabalisa nya ng makitang nakatigin ako at dali daling umalis.

Tatlong taon na rin ang nakalipas simula noon...

Three years earlier

Ang bilis ng araw monday na agad.
So, I drive my own car to go to school. Yeah. And as expected ang dami na agad estudyante.

Then, I parked the car in my parking lot, yes. I have my own parking lot. Bumaba na ako ng sasakyan, and the thing that I hate the most their eyeballs looking at me. Nakakairita, tas makangiti., feeling mga close. Tss.

Hi fren, salubong sa akin ni danielle  at Sam at bumeso sa akin. napataas ako ng kilay dahil sa ikli ng palda ng dalawa na halos makita na ang Panty nila, pulang pula ang mga labi at nakalugay ang mga kulot na buhok.

Good Morning miss, keizha! Ang bati ng mga nakakasalubong ko. Kinunutan ko lang sila ng noo at hindi pinansin.
Sabi ko na  sayo, malabong pansinin niya tayo-girl 1
Okay lang yan, pero ang ganda nya no-boy 2
At marami pang ibang bulungan, paulit ulit lang., hayy nakakasawa.

Well, sikat ako sa school dahil sa isa ako sa mga top students. kilala din ako dito dahil sa pagkakapanalo ko bilang Miss Campus last year. And also I am a swimmer athlete kaya ganun nalang ang paghanga nila sa akin.

Napabaling ako kay Samantha at natigilan sa paglalakad ng makitang nakatingin sya sa akin ng masama, nagulat din sya ng makitang nakatingin ako sa kanya  kaya agad itong ngumiti sa akin. Napa kunot ang noo ko  at agad din naman nawala sa biglang pagbulong sa akin ng tao  sa aking likuran at  alam kung si Aeysha yun .

Uyy, ayan na ang Prince Charming mo...ayyyieee. Bumaling ako sa tinuro ni Aeysha at nakita ang lalaking matangkad, matangos ang ilong na may malalalim ng mga mata at mapupula at magandang hugis na labi, makapal na kilay at perpektong hugis na panga. 

Mukhang isang modelo na kahit ang sino ay mabibihag nito, at ito ay walang iba kundi si Kier Alexander Kennedy Dwayne na may dala dalang bulaklak. Naka Denim Pants at blue Polo shirt  at papalapit sa amin, sa akin. Nangatog ako sa kinatatayuan ko dahil sa presensya ng lalaking papalapit sa akin.Ngunit agad ko rin inaayos ang pagkakatayo ko ata ang aking sarili na parang walang naramdaman na kung ano sa akin tyan.

Mukhang hindi talaga nadadala. tsk tsk tsk..pero grabe ang gwapo ha, kung ako lang ang gusto nyan siguro may anak na kami..bumaling ako kay Aeysha na humahagikhik. Tininggnan ko sya ng masama. 

Hi Keizha! Good morning. F-flower .....for y-you. bati ni Kier sa akin habang inaabot ang mga bulaklak. Tumingin ako sa hawak nya at blankong tumingin sa kanyang mga mata, umiwas ito ng tingin na ani mo'y nahihiya,.

Nang mapagtantong hindi ko pa kinukuha ang bulaklak tumingin na sya sa akin at nang magkatagpo ang aming mga mata nakaramdam ako ng matinding kaba . At yun ang pinaka ayaw ko sa lahat dahil sya lang ang nakakagawa nun sa akin.Kinuha ko ang bulaklak sa kamay nya nakita ko sa mga mata nya ang kaginhawahan at narinig ko ang mga tili ng mga tao sa paligid.

The Half Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon