Chapter 5

6 0 0
                                    

Humahangos akong bumangon mula sa aking pagkakahiga.

Sinuyod ko ang buong kwarto ng tingin.

Panaginip.. Shit panaginip lang pala.
Hinawakan ko ang aking labi at ipinilig ang ulo.
Napatingin ako sa coat na nalaglag sa aking kandungan mula sa aking dibdib na nagsilbing kumot ko Kani kanina lang.

Panaginip lang pala ang lahat.
Ano ba na Naman yan Keizha Ysobelle, ee ano naman sayo kung panaginip lang yun. Bakit parang nanghihinayang ka pa?
Nababaliw na yata ako pati sarili ko kinakausap ko na. Hayyss!

Hindi na ako dinalaw ng antok kaya kinuha ko ang aking laptop upang tinggnan ang email ko. Binuksan ko ang email galing sa aking sekretyara, magkakaroon pala ng meeting ang mga board members bukas.

Umalis ako ng bahay na nagmamadali, napakabilis na dumaan ang oras mula ng magising ako sa aking pagkakatulog at hindi ko namalayan ito , kaya naman hindi ako nakakain ng almusal.

Alam kong late na ako sa meeting na dadaluhan ganunpaman kailangan ko pa rin dumalo. Maraming bumati sa akin habang patungo ako sa meeting room.

Pagpasok ko ay may nakatayo na sa unahan at ang iba naman ay mga nakaupo. Napatigin sila sa gawi ko at tinganguan ko na lamang sila upang ipahiwatig na ipagpatuloy lang kung ano ang nasimulan.

Mabilis natapos ang meeting na iyon at isa isa na ring umalis ang members na umukupa sa mga bakanteng upuan sa harapan at gilid ko.

Wala na... Wala ng pag-asa ang kompanya.
Ayaw kong mawala ang kompanya sa akin, pero hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.Hindi ko inakalang ganoon na pala kalaki ang nawala sa kompanya simula nung umalis kami.

Gusto kong maisalba ang kompanya pero hindi ko alam kong paano.

Mas lalong nadagdagan ang problema ko ng natanggap ko ang email na nagsasabing kukunin na ng may ari ang mansyon.

Wala nang natira sa akin.
Gusto Kong umiyak, iiyak ang lahat.

Parang nawawalan na ako ng pag asa.
Wala na ang lahat sa akin.

Whooo!sigaw ko habang hawak ang wine.
Andito ako ngayon sa bar kasama ang aking nag iisang best friend upang kalimutan lahat ng problema.

Tinawagan ko sya at inaya na mag bar matapos kong ikwento sa kanya ang nangyari sa aking maghapon.

Yes! This is my stress reliever ever, the best!Sabi ko pa at nilagok ang wine.

Nakakadami ka na, Tama na Yan. Umuwi na Tayo. Suway sa akin ng kaibigan ko.

Tiningnan ko sya and you are my very best friend ever. Sabi ko sa kanya at uminom ulit. Umiikot ang paningin ko at nakaramdam ng pagbaliktad ng aking sikmura. Matapos noon ay naging itim na ang lahat.

Nagising ako mula sa sinag ng araw galing sa bubog na bintana. Naramdaman ko ang sakit ng aking ulo.

Napayakap ako sa aking katawan nang maramdamang may dumamping mainit mula sa sikat ng araw sa aking katawan.

Dali dali akong bumangon, nang mapagtantong naka panty at bra lang ako.

Shit! Shit! Shit! Sunod sunod kong mura, nasaan ako, anong nangyari kagabi. May sinamahan ba ako.

Shit! Fuck! Pinabayaan ba ako ni Aeysha.

Sinabunotan ko ang aking sarili dahil sa hindi ko naalala ang ginawa ko kagabi. Pinakiramdaman ko ang masilang parte ko kung masakit ba. Pero wala naman natural lang ito, ulo lang ang masakit sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 27, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Half Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon