Chapter 3

11 6 0
                                    


"Sigurado kang hindi na kita sasamahan?" Tanong ni Lily habang naghihintay kami ng taxi sa waiting shed katabi ng school namin.

Nagaagaw dilim na rin sa paligid at marami na ring umuuwing estudyante.

"Oo kaya ko na." Sagot ko at kinindatan siya. Napabuntong hininga naman si Lily kaya mas lalo akong napangiti. Obvious sakanya na pinipilit niyang tanggapin kung ano na ang mga ikinikilos ng Liza na kaharap niya ngayon.

Sorry Liza, I can't live the way you wanted it to be.

"O siya sige. Sabay tayo magdinner ha. Hihintayin kita." Sagot ni Lily.

"Okkk!" Tanging sagot ko na lamang.

Agad naming pinara ang taxi na dumaan at pinasakay na ako ni Lily.

Kumaway pa siya hanggang sa tuluyan akong makalayo.

Napakaswerte ni Liza dahil may kaibigan siyang tulad ni Lily.

Isipin niyo na lang na madalang niyang kibuin si Lily at hindi pa niya sinasabihan ng secreto pero nagi-stay pa rin si Lily sakanya.

Bigla ko tuloy naalala si- si- s-

Sino? Sino 'yong dapat aalalahanin ko?

B-bakit ganito bigla ang nararamdaman ko?

Biglang sumakit ang ulo ko.

"Miss?" Tanong ng driver dahilan para manumbalik ang diwa ko.

"Ah ano ho 'yon?" Tanong ko pabalik.

"Sabi ko saan tayo pupunta?" Tanong niya. Hininto pala niya ang sasakyan sandali para itanong 'yon.

"S-sa pinakamalapit na beach po manong." Sagot ko.

"Miss isang oras ang byahe papunta sa pinakamalapit na beach. Sigurado ka?" Tanong ni manong.

Hala ang layo naman.

"Huwag na lang ho. Sa malapit na coffee shop na lang." Sabi ko at rinig ko ang buntong hininga niya.

"Kung ganon, bumaba ka na dahil nasa tapat na natin ang pinakamalapit na coffee shop. Pinagloloko mo yata ako hija eh." Sabi ni driver at umiling iling pa.

Nanlaki naman ang mata ko nang makita ang magandang coffee shop sa labas ng bintana. Oo nga nasa tapat na namin. Bigla tuloy akong nahiya kay manong. Nagabot na lang ako ng singkwenta para sa ilang metrong natahak namin.

Walking distance lang pala ang coffee shop na ito.

Gusto ko na makapag-isip agad ukol sa mga pangyayari kaya dumiretso na muna ako agad sa barista para umorder bago maghanap ng mauupuan.

"Isa pong matcha green tea at blueberry cheesecake." Pahayag ko at binanggit ko ang name ko para sa pagtawag sa akin mamaya.

"Elizabeth" nakangiting wika ko.

Pagkatapos, naghanap na ako ng mauupan. Napakaganda ng ambiance ng coffee shop na ito at ang sarap tumambay. Tahimik at nakakarelax ang dilaw na ilaw.

Napagod na ang ulo ko sa kakaikot pero wala pa rin akong nakikitang vacant chair maliban na lamang sa tapat ng nakatalikod na lalaking iyon sa bandang dulo katabi ng bintana.

Mukha naman siyang walang kasama kaya doon na lang siguro ako. Sana umalis na rin siya agad para makaisip na ako ng plano kung paano makakabalik sa outside world.

"Ahem. Excuse me, pwede makiupo?" Magalang na tanong ko.

Hindi ako pinansin ng lalaki kaya medyo nilakasan ko ang tanong ko pero wala pa rin siyang imik. Kakalabitin ko na sana nang bigla niya akong lingunin.

I've Never Been To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon