Akala ko okey na ako.
Akala ko makakaya ko.
Akala ko masaya ako.
Akala ko kakayanin ko.
Akala ko wala ng luha.
Akala ko makakalimutan na kita.
Ngunit andito pa rin ang sakit.
Ngunit umiiyak pa rin ako.
Ngunit mabigat sa dibdib.
Ngunit unti- unti pa rin akong nauupos na parang kandila.
Ngunit sa kabila man ng mga kalungkutan. Ayoko na.
Ayoko ng makita ka.
Ayoko ng makatabi ka.
Ayoko ng mahalin ka.
Ayoko ng makipagsiksikan.
Ayoko ng umasa.
Ayoko ng makaramdam para sayo.
Ayoko ng maramdaman ang muling pagtibok. Nang paulit ulit.
Ayoko ng makita ang sakit sa mata sa tuwing titingin ako sa salamin.
Ayoko ng pagmasdan ka sa malayo.
Ayoko ng muling mangulila at paulit ulit na mangulila dahil hindi na kita ramdam.
Ayoko ng maramdaman ang pinakamasakit na katotohan.
Katotohanan na mahal pa rin kita kahit hindi na dapat.
Katotohanan na ayokong magmahal ng iba dahil ikaw pa rin ang gusto kung mahalin ngunit hindi na..maaari.
