Days goes by. Paulit ulit. Walang bagong nangyayari sa panibagong araw. Tila nakalutang. Ang pagdaan ay tila hindi na ramdam. Mga araw ay laging binibilang. Tila walang katapusan. Ngunit maliwanag pa sa sikat ng araw na ito'y may katapusan. Nanghihinayang sa mga nagdaan ngunit hindi ito mapipigilan. Katulad ng isang damdamin na kahit anong pigil ay hindi maawat sa pagsambulat. Kapag puso ay tumibok, mga pagsubok ay tumatagos. Ngunit sa pagsapit ng araw pangako'y malilimot.
Maraming araw man ang magdaan. Maraming alaala man ang makalimutan. Ang damdamin ay mananatiling nakapasan. Dahil sa bigat ng pinagdaanan.
