101 NIGHTS | Prologue 2.0

22.8K 82 4
                                    

101 NIGHTS | Prologue 2.0


"LUMAYAS KA DITO! AYAN NA YUNG MGA DAMIT MO! BWISIT KA TALAGA SA BUHAY! MATAGAL NA KONG NAGTITIMPI SAYO!"


"BAKIT?! MATAGAL NA DIN NAMAN AKONG NAGTITIMPI SAYO EE! LAMUNIN KA SANA NG BAHAY NA YAN! CHE! LALAYAS NA TALAGA AKO!"


Pero syempre hindi ako lalayas ng hindi dala ang mga posters, albums, at merchandises ko, nuh!


"HEP! AT BAKIT KA PAPASOK?!"


"BAKIT?! Kukunin ko yung mga poster at album ko! Don't tell me pati mga asawa ko inaagaw mo na sakin? MAKATI KA TALAGA!"


"ABA! --"


Hampaslupa. Akala nya masasampal nya ako? Aha! Mas mabilis ako sa kanya!


Pumasok agad ako sa kwarto ko tsaka isa isang masusing tinanggal ang mga posters ko sa pader. Tapos kinuha ko yung treasure kit ko na pinaglalagyan ko ng lahat ng merchandise ko. Isa-isa ko ring binitbit yung mga albums ko.


Pucha, ang dami ko ng dala! Bwisit talaga ang hipokrita na yon!


Isinuksok ko pa ng isinusoksok yung albums ko dun sa bag ko. Tama, pinasok ko ng pinasok kahit masikip! Ganun naman talaga kapag una ee, masikip.


Ay juiceko! Nabu-byuntae na naman ang isipan ko!


"HOY! SHANIE! LUMABAS KA NA DYAN! BWISIT KA!"


Hayaan nyo sya sirain ang pinto ng kwarto ko. Tss. Magsasawa din yan.


Pagkatapos kong kunin lahat ng bagay sa kwarto ko na may kinalaman sa mga asawa ko ee lumabas na ako at saktong bumungad sakin ang pagmumukha ng pangit kong step-sister.


"San ka pupunta?!"


Sarap tanggalan ng kilay neto oh! Putek, kung makataas ng kilay akala mo natural yan ee nag-eyebrow liner lang naman yan ee!


"Sa impyerno, you want sama?" pag-aasar ko sa kanya at saka ko sya tinalikuran. Aba, ang tagal ko ng nagbabait-baitan at ngayon lang nila nakita ang totoong Shanie Mystic.


"BAKIT KINUHA MO YUNG MGA ALBUM NG EXO?!" narinig kong sigaw nya habang nasa second floor sya at nasa baba naman ako.


"BAKIT IYO YUN HA? TANGA! AKIN YUN!" sigaw ko pabalik tsaka ako nagmadaling lumabas. Aba, baka mahabol ako ng mga kabayong yun.


Pag nakalayas na ako, ano nang mangyayare sa buhay ko?


--


Inuulit ko po, ang 101 Nights ay ang bagong Sex with my idols. Medyo ibabase ko parin naman sya dun sa unang plot pero lalagyan ko ng twist at dito, ipapakita ko ang pagiging die-hard fan ng ating bida.


Yun lang.


Nagmamahal,

M.




101 Nights [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon