S I I N A Y

23 1 0
                                    

Si Inay...

Mahal na mahal ako ni Inay. Lahat ay kaya niyang gawin at isakripisyo para sa akin.

Noon, hindi man tiyak si Inay sa ibubunga ng kanyang desisyon ay nakipagsapalaran pa rin siya sa ibang bansa. Namasukan si Inay bilang kasambahay para mabigyan ako ng magandang kinabukasan. Tiniis ni Inay ang lahat ng pagod at pangungulila. Ngunit...

Bakit gan'on?

Nang makauwi si Inay ay tila may' nagbago sa kanya. Kaharap ko nga siya pero parang kay layo rin. Hindi ko gustong kuwestiyon ang pagmamahal ni Inay dahil mali 'yon, pero bakit? Bakit tila ang atensyon at pagmamahal ni Inay ay hati na? At bakit pati ang katawan ni Inay ay nahahati rin gabi-gabi?

© 2018 EjMuhree
#SiInay
#SobrangShortStory

Alingawngaw (#Dagli)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon