Simula

52 3 4
                                    

•NEON•

"Oh yung mga notes mo, naipasa mo ba?"tanong sakin ni Ms. Albiso

Nandito ako ngayon sa faculty nya, nagmamakaawang makapasa sa evaluation nya for this 2nd quarter.
Pano ba naman kase pinagtripan nanaman yung locker ko, pati notes nawala.

"Eh kase po ano e.. Nilagay ko lang naman yun sa locker ko pero...biglang nawala..."

Malaman ko lang kung sino ang may kagagawan nyon, I'll make them pay twice bwahaHAhohahaWa--

"Jusko po, Iha palaging ganyan nalang ang dahilan mo. Pano kita ipapasa nyan? Magiging unfair yan para sa kanila"pagsumao nya

"Eh*ehem* wala na po ba talagang paraan or ipapagawa sakin para humatak sa grades ko? Sige na po pleeeease..."pagmamakaawa ko

"Ganto nalang, ipapasa kita sa 2nd quarter but not as much as they get okay? Consider na yun. Pero syempre may parusa. Kung hindi mo tatanggapin, hindi kita ipapasa. Maliwanag?"napatango ako

Biglang nasiglahan yung katawan ko sa sinabi nya pero...

"Starting sa Court during my period. Kailangan pulido ang pagkakalinis mo then sa library during bulletin board posting then sa CR ng girls every flag ceremony. Deal?"napaawang na lang ang aking labi

Cause of death: Saving the Janitor's responsibilities

"Uhmm *ehem* umm until when po?"hanggang kailan po ako maghihirap-

"Hanggang ma post na lahat ng student's evaluation for 2nd quarter.
Total of 2 weeks and 3 days..okay you may go. May klase ka pa diba? goodluck"sabi nya hanggang sa kusa nang naglakad ang sarili ko

Sa ngayon mas pinili ko na lang na wag umattend sa 3rd subject. Wala naman kaming masyadong gagawin sa science,boring lang. Nagpalipas na muna ako sa canteen-- teka..bakit parang ako lang mag isa ang estudyante sa canteen? Di kaya...

"Hoyy ppssshh dito bilisss"halos magpaulan na ng laway ang corndog seller na ngayo'y sinisita ako at pinapatago sa loob ng kanyang stand.

Agad naman akong tumakbo at nagtago sa ilalim ng puting ilaw--charr sa ilalim ng kanyang stand.
Tsaka ko lang narealize kung bakit ganon na lang sya magpanic..

~YESTERDAY FLASHBACK~

"Now, lahat kaming homeroom teacher ay pinatawag sa office para ipaalam sainyo na please lang makipag cooperate kayo bukas. Walang mag cucutting, wala munang labas ng labas lalo na pag may klase pa. Dahil bukas na maglilibot ang Director para i-examine ang school na to. Dahil dito nya pag aaralin ang anak nya so please lang..Ayokong may maireport sa inyo na pakalatkalat at lalo na pag nalaman ng Director na nagcucutting kayo."sabi ni Mr.Shin

"Ano po bang benefits makukuha natin?"tanong ng aming president

"Well, since ang school na to ay na sa rank 7. Dahil sa popularity ng Director at sa wealth nya, moving us to rank 1 is just a piece of cake for him. So dapat mapili nya itong school na to para sa anak nya."

Dinig na ang mga bulungan ng classmates ko saying na pag iigihan talaga nila.

~END OF FLASHBACK~

Bigla na kaming nakarinig ng mabibigat ng yabag at papalapit saamin. I'm so dead!

"I have no doubt why this school became my son's ideal."rinig kong sabi ng lalaking may pag ka authority ang boses, kung hindi ako nagkakamali, He is the Director.

"Sends him our regards Director. This school is perfect for him"dinig kong sabi ng Principal--wait PRINCIPAL?!

Agghhhh naglilibot na nga talaga sila.
Bakit palagi na lang ba ako napapahamak?

Would You Stay?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon