1st

32 4 0
                                    

•NEON•

"Lupang hinirang,duyan ka ng magiliw, sa manlulupig di ka pasisiil~
Sa dagat at bundok~-"tamang dinig lang habang naglilinis ng CR

Mop dito mop don. Kuskos dito kuskos don. Ginawa ko na lahat pero yung ano kase e-- yung mga basurahan ng napkin kailangan ko pang ilabas sa school! Tapos kailangan ko ring linisin ang walong kubeta. Punasan ang salamin tapos biglang may nagpakita sakin e no. Hyssss kung sana'y may handang tumulong edi sana makaka attend pa ako sa first period. Doomed am I?

"Oh my god Beatrice! Sana lang talaga sa section natin sya mapunta no. Sayang gwapo pa naman nya!"dinig kong sabi ng babae habang nagsasalamin

"Shut up Courtney! If ever na yung section natin mapili nya, Akin sya."sabi naman nung kasama nyang babae

Hindi ako chismosa okay don't get me wrong.

"In your dreams! You think pipiliin nya yung section na lowest? Baka nga piliin nya pa yung Class A e"sabi naman nung kertni ba yun tapos sabay silang napatingin sakin

"O baka Class B"sabay nilang sabi habang nakatingin sakin

Problema nyo?

"Oh diba ikaw yung estudyanteng palaging nag ca-cause ng trouble? Kawawa ka naman palagi ka nalang napaparusahan."sabi sakin betrays ba yun?

"Girl! Deserve mo yan. Ikaw ba naman magpahiya sa Principal, kulang pa nga yan e!"sabi naman nung kertni

Actually parusa ko to dun sa notes eh.
Di na lamang ako nakibo.

"Siguro pinatikom na rin ng Director yang dirty mouth mo no?"sabi naman nung betrays

Bigla silang lumapit sakin tapos yung kertni biglang hinablot yung ID ko.
Abay ogag pala to e.

"Neon Avelano Class B under Mr. Shin Hitomi's guidance."pagkabasa nya bigla nyang tinampal sakin yung ID ko
Hindi na ko nakatiis at tinadyakan sya sa sikmura. Agad naman syang namilipit sa sakit at sasampalin na sana ako ng kasama nya ng biglang--

"PROCEED TO MY FACULTY NOW!!"
sigaw ng Mapeh teacher ko na di man lamang namin napansing nakapasok na pala

***

"Ms. Albiso? Si Neon talaga yung nanguna. As you can see tinadyakan nya si Courtney and yung gagawin ko kanina self defense lang yun. Ang dami na nga nyang parusa tapos mangbubully pa sya!"
pagsisinungaling nya pa

Di lang pala sila pilingera! Sinungaling din pala.

"Physical assault yun Neon. Alam mo bang pwede kang ma expelled?"tanong nya sakin

"Eh Maam sila talaga yung nanguna!
Nananahimik ako tapos bigla nilang hahablutin ID ko tapos isasampal sakin!"pagkasabi ko nun biglang napatingin sa kanila si Maam

"Totoo ba yun?"tanong nya sakanila pero di sila sumagot

"Fine. Since tatlo kayong involved, paparusahan ko kayong tatlo."

Hindiiii! Dii kooo naaa kaaayaaa!!

"Maam! Kakabigay nyo nga lang sakin ng parusa tapos tatambakan nyo nanaman *huhuhu*"sabi ko

"First of all, nanadyak ka."sabi nya sakin..

"Second tinampal mo sya ng ID"
baling nya kay kertni

"Last, Kung hindi ko kayo naabutan, nasampal mo na sya."baling naman nya kay bitris

"Now tell me, Hindi ko pa ba kayo aaksyunan nyan?"baling nya saming tatlo

Wala kaming nagawang tatlo kundi mapayuko na lang. Tama si Maam, kapag nanakit ka,paparusuhan ka.
Pero kase in my shoes, isa lang ako.
Hindi ko naman kayang gawin yung parusang pang sampung katao.
Isa lang ako bes. Isa lang.

Would You Stay?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon