HOW TO JOIN?

692 69 26
                                    

To be able to join in this BOOK CLUB. These are the following Rules or requirements to be follow.

        ☑  ONLY members of WAAAR Group are allowed to join. Kung hindi ka man member sa group na iyon. Maaari ka namang sumali sa group.

Here’s the link of WAAAR (Wattpad Amazing Authors and Readers). Or tignan nyo sa Profile ng account na 'to, nandoon ang link. 

https://www.facebook.com/groups/605802236134685/

 NOTE: Click the external link to go that page.

        ☑     FOLLOW this account. Para maging valid ang rules.

        ☑     VOTE, every post. (including announcements, pairings, etc.,)

       ☑ ADD this to your Library or RL. Para updated kayo sa mangyayari at iba pang karagdagang announcements.

                                      ❊ ❊ ❊ M E C H A N I C S ❊ ❊ 

NOTE: Pasensya hindi ako magaling magpaliwanag :)

Ang mechanics ng book club na ito ay simple lang. Basta sundin lamang ninyo ang bawat patakaran.

Ang lahat ng WRITER na kasali ay magkakaroon ng partner kada linggo. Buong linggo ang oras ninyo para mabasa ang story ng kapartner ninyo.

Sa susunod na linggo naman ay iba na naman ang kapareha ninyo. Kaya sa pamamagitan ng Book Club na ito. Makakakuha kayo ng dagdag komento, boto, at mambabasa at the same time. Puwede ninyong maging kaibigan ang nakapartner na ninyo.

Kapag nagkaroon na ng 1st Pairing ay huwag ninyo kalimutan i-FOLLOW ang bawat isa sa inyo at ilagay sa RL ang story ng kapartner ninyo. Babasahin ninyo ang BAWAT CHAPTER at i-BOTO n’yo na rin kada isang chapter.

Iwasan na mag komento ng… “Nice Chapter…” at “Ang galing mo Ms. Author…” Walang ka buhay-buhay ang comment na iyan. Halatang hindi naman binasa.

Sana kung mag comment na rin lang kayo. Iyong may laman naman. O kaya, eh, critiques n’yo ang story ni partner para ma improve niya ang dapat i-improve.

TANONG: Kailan gaganapin ang unang pairing?

Sagot: Sa ngayon ay nangangalap muna tayo ng mga sasali. Hintay-hintay muna, magaganap din sa lalong madaling panahon ang unang pairings. Siguro mga first week sa SEPTEMBER 2014. Kung aabot agad sa 20 pairs ang makapasa ng forms ay mai-post na agad ang unang groupings.

TANONG: Paano kung hindi naman nabasa ni partner ang story ko, dahil busy siya?

Sagot: Kapag ganito ang nangyari. Inform niyo na lang ako (O, kaya ang ibang admins na nag manage nito). Dahil unfair naman sa inyo kung kayo nagbasa at nag boto tapos kayo pa ang walang napala. Ako na ang magboto para sa ka-partner mo. At babasahin ko na rin ang story mo. Hindi ko nga lang ipapangako na mababasa ko lahat. Dahil busy din ako sa outside world.

Comment niyo na lang @Lavender_Writer… Sabihin kung ano ang problema. Kung hindi ba nag vote si partner, pero binasa niya. O, kung ano pa man ang maaari maging problema. Pwede niyo rin ako eh PM sa wattpad account ko @Lavender_Writer lang. Dahil isa ako sa mag manage nitong WAAAR Book Club.

At pwede rin sa ibang admin kayo mag inform (@soshied17, @Sweetsmillee, @RoseannJoyGuirnalda, @Miyantastic_SA at @MicahLorenzaSegundoG).

TANONG: Paano kung na vote ko na dati ang story ng kapartner ko?

Sagot: May ganito talagang nangyayari. Inform mo na lang si Partner na ganito, ganyan… O, kaya mag vote ka na lang sa ibang WORKS ni partner para naman fair sa kanya.

TANONG: Ano'ng gagawin matapos mabasa ang work/s ni partner?

Sagot: Comment n’yo lang kung saang pairings ako nag post. “Done reading with @(UserName ni Partner, hindi ang Username ninyo tandaan).” Sa ganyang paraan malalaman namin kung sino ang ipapasok namin sa susunod na pairings ulit.

Hindi lahat ng nasa 1st pairings ay makakapunta sa 2nd pairings. Unfair sa iba na nag effort na magbasa. Dapat kung gusto ninyong manatili sa susunod pang pairings ay mag effort din kayo.

TANONG: Puwede po bang dalawang story ko ang isali ko dito sa WAAAR Book Club?

Sagot: As many as you can, basta mabasa at ma boto mo ang story ng partner mo. Puwede higit sa isa o dalawa ang isali. At aasahan niyo rin na ganoon din kadami ang partner mo sa story na isinali mo.

★ ★  ★ KUNG MAY TANONG PA KAYO. Comment lang. Hindi kasi talaga ako magaling mag paliwanag. ★ ★ ★

WAAAR Book Club ツTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon