My Heart Remains Silent ONE SHOT :)

19 2 0
                                    

My Heart Remains Silent

Nakatagpo na ba kayo ng lalaki na sobrang tahimik hindi lang iyon sobra pang mahiyain lalo na pagdating sa babae.? Para bang torpe?

Kilalanin si Randal Shy ang sobrang tahimik na lalaki pero mabait pero aakalain niyo ba na ang isang tulad niya ay nakatagpo ng babae na mahal niya at mahal din sya?

Narito ang kwento ng kanyang buhay

***********************************************************************************************

Nasa opisina na si Randal at ngayon ay gumagamit siya ng camera sa kanyang laptop. Pero hindi lang sarili niya ang kinukuhanan niya, pasimple siyang kumukuha ng picture kasama ang babaeng kinahuhumalingan niya noon pa man at iyon ay si Nicha Love.

Naka-side-view Nicha at hindi nito pansin na may pasimpleng kumukuha sa kanya. Nagpatuloy lang sa pagpicture si Randal. Merong naka ngiti nga wagas na tipong parang wala ng bukas. Meron ding naka peace sign at meron din na nakanguso.

'' Hi Everyone? '' biglang bati sa kanila ng kanilang boss na si Mr. Romero at nagulat naman dun si Randal kaya dali dali niya clinose ang camera na gamit niya at tumingin na sa kay Mr. Romero. Hindi lang ito nagiisa.

'' This is Mr. John '' pakilala ng kanilang boss sa kasama nito.

'' He will be our new marketing of the company '' dagdag pa nito.

'' Hello everyone!!!! '' ang masayang bati sa kanila ni John na may pagikot pa. Kaya nabaling lahat ng atensyon sa kaniya maging si Nicha na busy sa kanyang ginagawa ay napatingin dito .

Napatawa siya ng malakas ng makta niya ang ginawang pagbatini John sa kanilang lahat kaya napatingin sa kanya ang lahat.

'' Hey Nicha, Why don't you meet Mr. John ? '' sabi ng kanilang boss kaya lumapit si Nicha kay John. Makikita sa mata ni John na may gusto na agad siya sa babae. Kaya ng lumapit si Nicha sa kaniya agad niyang kinuha ang dalawang kamay nito na ikinabigla naman ni Nicha at maging si Randal.

'' Hi, my name is Nicha ''

'' Hi '' sagot naman ni Joh sa kanya bahagya pa na pinisil nito ang kamay ni Nicha na hindi naman nagustuhan ni Nicha kaya binawi niya ang mga kamay niya sa pagkakahawak ni John dito. Ngumiti lang sa kaniya ng sobrang tamis si John.

'' Excuse me, I need to go '' paalam ni Nicha kay John na tinugunan naman nito ng malaking ngiti.

Kung nagtataka kayo kung bakit ganun na lang ang pakikitungo ni Nicha kay John ay dahil sa nakakatakot nitong hitsura. Naka suot nga ito ng business attire ay mababakas mo naman sa muka nito ang dami ng balbas na tipong kada dalawang buwan kung mag-ahit kaya ganun na lang kahaba ito. Meron itong malaki at mapupulang mata, kumpletong madidilaw na ngipin at malaking buta ng ilong.

Oo...

Hindi nga siya ganun kapresintable pero pinagaagawan siya halos ng lahat ng kumpanya dahil sa taglay nitong galing at talino. Sino nga ba naman ang aayaw sa kaniya siya ba naman na grumaduate sa Harvard University at nagkamit ng ibat-ibang parangal dahil sa mga kompetisyong sinasalihan nito, kaya nakapasok siya sa isang sikat na kumpanya kung saan nagtratrabaho si Randal at Nicha.

My Heart Remains Silent ONE SHOT :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon